1. Rooftop

4.7K 132 30
                                    

Season 1; Damien Parker

Sa isang underground ay mistulang nakakulong si Dionne kaya sa sobrang inip niya ay umakyat siya patungo sa mansyon nila. Alam niyang mapanganib ngayon pero hindi niya ikinabahala ang mangyayari. Pumasok siya sa silid ng kaniyang ama pero isang lalaki ang nakita niya.

"Sino ka?" Tanong nito sa kaniya at tinutukan siya nito ng baril. Nakatingin lang siya dito na tila nagtataka.

"Papatayin mo ba ako?" Tanong niya dito.

"Sino ka?" Tanong uli ng lalaki sa kaniya.

"Ikaw si Kelvin hindi ba?" Kalmadong tanong ni Dionne sa kaharap.

Pero kinasa ng lalaki ang baril. "Hindi ako ang tinutukoy mo. Sino ka? Anak ka ba ni Damien?"

"Hindi na ako magtataka kung paano ka nakapasok dito. Pero nasorpresa ako sa pagdating mo kahit ano mang oras ay alam kong dadating ka."

"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tanong ko?"

"Dahil alam kong nagkukunwari ka lang. Ikaw si Kelvin at wala nang iba. Alam mong ako ang anak ng gusto mong patayin."

Ngumiti ang lalaki pero hindi ito natuwa sa sinabi ni Dionne. "Ikaw nga ang anak ni Damien."

"Hindi ko pinagsisisihan ang mga impormasyon na sinabi ko sa'yo. Palatandaan na ikaw si Kelvin dahil nakapasok ka dito. Pero hindi ang ama ko ang kalaban mo."

"Pinatay ng ama mo ang ama at ina ko. Oras na mapatay ko siya ay tapos na ang misyon ko."

Lumapit ito sa kaniya. Hindi umalis si Dionne sa kinatatayuan niya. "Hindi mo sana ako makikita dito pero gusto kitang makita."

Natigilan ang kaharap niya. "Ano naman ang ibig mong sabihin?"

"Dahil maraming paraan para takasan ka."

"Sige, iiwan na kita. Tutal wala naman dito ang ama mo." Tumalikod ito.

"Inaasahan kong hindi mo ako papatayin."

"Bakit?"

"Dahil kilala mo ako at wala akong nababalitaan na pinatay mong inosente. Mabuti kang tao, Kelvin. Alam ko 'yan. Itigil mo na ang paghahanap sa mga taong sangkot sa pagpatay sa pamilya mo. May mas mabigat na kinakaharap ang mundo ngayon. Malaya na ang ama ko sa sindikato pero nakapasok sa bansa natin ang utak nito."

"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Pasalamat ka dahil kahit anak ka ni Damien ay hindi ko magawang paghigantihan ka. Tama ka, mabuti akong tao. Pero masama ang ama mo at tanging masasama lang ang pinapatay ko."

"Nagbago na ang ama ko. Mabuti na siyang tao ngayon kaya pinasok niya ang politika. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa. Oo, masama siya noon pero pinagsisisihan na niya ang lahat."

"Tumigil ka. Siya parin ang pumatay sa pamilya ko."

"Nagpapanggap kang hindi mo ako kilala para masabi mong lahat 'yan. Alam kong ginamit mo lang ako pero hindi ko pinagsisisihan 'yun. Kung ama ko lang ang gusto mong patayin ay wala kang pinag-iba sa mga masasamang tao."

Muling itinutok ang baril sa kaniya. "Hindi mo ako kailan man makukumbinsi na itigil ang misyon ko."

"Kung hindi mo pipigilan ang utak ng sindikato ay mas marami pang mapapatay. Walang silbi kung mapatay mo ang ama ko dahil wala kang pakialam sa nangyayari sa paligid."

"Kapag napatay ko ang ama mo ay tapos na ang problema ko."

"Pero kapag pinatay mo siya ay maraming tao kang masasagasaan. Isa siya sa palihim na pumipigil sa droga na hindi na mapigilan ang pagtaas sa bansa natin. Bakit hindi ka na lang makipagtulungan sa'kin na pabagsakin ang sindikato?"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon