6. Don Chinchao

1.5K 64 5
                                    

"Kung siya nga ang totoong Steven ayon sa finger print, malamang walang alam ang dalawang 'yun na si Steven nga ang kasama nila. Hindi ko akalain na aayon sa plano ko ang lahat." Sabi ni Andrei ng makausap ang Hepe habang pinapanood ng kuha sa video.

"Kamukha ni Steven! Sikat sa mga babae si Steven, dapat kilala siya nang dalawang 'yan." Sabi ng hepe.

"Tama nga ang hinala ko na pwedeng aksidente siyang makita nang hindi niya inaasahan dahil hindi niya iisipin na huhulihin siya ng mga ito. Dahil kung hahanapin siya ay hindi magpapakita ang wala. Tama nga ang plano kong ito. Nagpapanggap siyang peke ayon sa kilos niya pero ang totoo ay siya nga si Steven. Alam ni Steven na madaling utuin ang dalawang 'yan, basta huwag niyo munang ipaaresto 'yan baka makatakas pa, pupunta ako diyan para siguradong mahuhuli natin siya."

-

"Mag iinom ba tayo?" Tanong ni Tina.

"Wag na, masiyadong na-expose ang mukha ko, baka arestohin ako, hindi ako makatakas dahil nakainom ako." Sabi ni Steven habang nasa swiming pool sila at naliligo.

"Ba't natatakot ka? Hindi naman ikaw ang totoo?" Tanong ni Tina uli.

"Mawawalan tayo ng pag asa sa reward. Gusto niyo bang mawalan ng saysay ang lahat." Paliwanag pa nito.

"Oo nga Tina, tama siya." Sang-ayon ni Luna.

"Aalis din agad tayo dito bago pa may magsumbong sa atin, baka isipin nang iba, ako nga si Steven."

Hindi nila alam na marami nang nakaabang sa labas. Ayaw silang palabasin sa Hotel. "Naku lagot!! Ang daming nakaharang na pulis at sundalo sa labas." Sabi ni Steven. Nakatingin sila sa dingding na salamin.

"Napagkamalan ka na yata na ikaw si Steven, wala tayong choice kundi umamin na hindi ikaw si Steven." Sabi ni Luna. "Kasi naman eh. Bakit hindi natin naisip na may makakahalata kay Sam?"

"Bumalik tayo sa loob, hindi ako pwedeng mahuli." Seryosong sabi ni Steven.

"Sige let's go, gagawa tayo ng paraan." Sabi ni Luna.

Maya maya lang ay may nag salita sa megaphone sa labas. Lahat ng daanan ay sinarado dahil andiyan na si Andrei.

"Steven!! Wala ka nang lalabasan, sumuko ka na!" Sabi sa megaphone ng isang pulis.

"Patay tayo." Sabi ni Luna.

"Magtatago ako at sabihin niyo hindi niyo ako kasama." Sabi ni Steven.

"Paanong hindi kasama, eh nalaman na nga na kasama ka na namin?" Sabi ni Tina.

"Lumabas kayo at sabihin niyo na nawala ako sa paningin niyo." Sabi ni Steven at ganun nga ang ginawa ng dalawa.

-

"Nasan ang kasama niyo bakit kayo lang?" Tanong ni Andrei.

"Akala namin, hindi si Steven ang kasama namin. Kaya tumakas na siya. Nawala siyang bigla." Maangmaangan si Tina.

"Oo nga, Detective." Sabi ni Luna.

Pumasok si Andrei sa hotel dahil alam niyang hindi pa ito nakakalabas. Nakaharang kasi lahat sa mga labasan ng Hotel. Tinignan niya ang lahat ng kuha sa security video at wala siyang makita na Steven.

Isa isa munang pinalabas ang mga tao sa Hotel para ma-clear ang mga lugar. Masyadong mahalaga si Steven kaya malaking abala. 'Nasaan na kaya siya?' Sabi ni Andrei at nag iisip.

Nakamasid lang ang dalawang babae sa labas. Maya maya ay kakahanap ni Andrei sa loob. Pinasok niya ang lugar ng dahan dahan.

"Ano na kaya nangyayari sa loob?" Tanong ni Tina.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon