20. Does Kelvin Exist?

991 36 4
                                    

Bumaba mula sa isang taxi si Dionne. Tinungo ang opisina ni Andrei. Pumasok si siya at direderetso sa loob. "Dionne, ano ang ginagawa mo dito? Susuko ka ba?" Tanong ng isang pulis na nakakita sa kaniya.

"Kailangan kong makausap si Boss Andrei, andiyan ba siya?" Tanong ni Dionne.

"Oo andito siya." Dumiretso si Dionne para tumbukin ang opisina ni Andrei.

"Susuko ka na ba Dionne?" Tanong ng isa pa habang naglalakad siya.

"Hindi ako wanted para sumuko." Hindi na niya nilingon ang nagtanong sabay kinatok niya ang pinto ni Andrei.

Nagulat si Andrei. "Bakit andito ka?"

"May gusto sana akong linawin." Walang nagawa ang mga pulis sa labas kundi ang magtaka. Alam nila na kalaban si Dionne pero wala silang nagawa sa pag dating nito.

"Tapos ano na ang plano mo? Makikipag alyansa ka ba uli sa'min o magiging kriminal ka na nang tuluyan? Think of it, alam mo bang sa tantya ko ay baka magbigay ng 23 million pesos reward para lang may makapagturo lang sa'yo?"

"Ayokong pag-usapan 'yan! Gusto ko lang linawin ang sinabi mo about doon sa triplet sila Steven?"

"Hindi mo alam? Akala ko magkakasagwat kayo?"

"Wala akong alam sa bagay na 'yan."

"Baka naman may tinatago ka sa'kin, Dionne? Gusto mo lang malaman kung pa'no ko nalaman na triplet sila pero ang totoo ay alam mo na."

"Sinusumpa ko Andrei, wala akong alam, I didn't expect na maiisip mo ang bagay na imposible kaya gusto kong magpaliwanag ka sa'kin"

"Hindi mo ako mauuto, Dionne."

"Iniisip mo ba na may alam ako? My god, Andrei. Pupunta ba ako dito kung wala akong gustong importanteng malaman? Ilalagay ko pa ang sarili kong katawan sa gulo?"

"Malay ko ba kung isa 'yan sa plano niyo, alam kong magkakasama kayo ngayon ni Steven, pasalamat ka nga at si Gob ang Ama mo, kung hindi ay hinuli na kita."

"Hindi ako tanga Andrei para pumunta dito at magpahuli, kasalanan ko ba na Ama ko ang makakalaban niyo pag hinuli niyo ako? At isa pa, magkaiba kami ni Steven. Mas malupit ako sa kaniya dahil kahit ikaw ay kaya kong tapusin kung hindi ko magugustuhan ang ginawa mo." Nagkatitigan sila.

"Alam kong magaling ka pero walang magagawa si Gob pag hinuli kita kung sakali na malaman niyang nagkaharap tayo, ayoko lang na sumama ang loob niya sa'kin. Pero hindi ako takot kanino man. May tiwala ako sa kakayahan ko."

"Alam kong lahat 'yan Andrei, napag isipan ko na lahat bago pa ako magpunta dito, balikan natin ang tanong ko."

"Umalis ka na Dionne, makipag usap ka sa Daddy mo, wala nang magbabantay na sundalo sa kaniya simula bukas, kumbinsihin mo si Steven na 'wag munang patayin si Gob dahil hindi ko siya mapoprotektahan."

Nagulat si Dionne. "Si Daddy talaga, ang tigas ng ulo." Umiling iling si Dionne. "Andrei, ibigay mo sa'kin ang patunay na triplet nga sila Steven, pag totoo ang sinabi mo, nanganganib si Daddy kahit makumbinsi ko si Steven na 'wag muna siyang patayin."

"Sabagay, you have a point, hindi nga pala aamin ang isang tao sa anak ng gusto nilang patayin."

"Huwag ka nang mag paligoy ligoy, kailangan mo akong makumbinsi na totoo nga ang hinala mo para makapag plano ako!"

"Okay, nakakapagtaka lang na nakasama mo siya pero wala kang alam. Sabagay, ako ang madalas niyang maka-encounter, that's it."

"Huwag mo nang patagalin, pwede--"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon