Inis na inis na nakatingin si Abdul kay Dionne. Ganun din naman si Alyana. Bumangon si Gareth. "Lady Alyana, anong nangyari?!" Tanong nito.
Hindi makasagot si Alyana. "Kailangan ko nang tapusin 'to." Sabi naman ni Dionne.
Nakatingin lahat sa kaniya maging si Gareth. Bumangon siya. "Alyana, kung alam ko lang na hindi gagana ang Void mo ay hindi na ako humingi ng tulong sa'yo!"
Bumangon si Kelvin at ngumiti. "Kelvin, kaya mo na ba?" Tanong ni Jessica.
"Ulo lang ang napinsala sa akin." Sagot nito.
"Kahit na."
"Hindi ito ang iniisip ko o inaalala. Nakakatuwa na makitang natatakot ang mga kalaban natin dahil kay Dionne."
Sumabat si Andrei. "Mukhang may nangyaring iba mula noong hindi natin siya nakita." Napatingin sa kaniya si Jessica. "Inaamin kong may hindi pangkaraniwan akong nararamdaman sa kaniya pero hindi ko alam na ganito. Nakakapagtaka lang dahil dapat ay natrauma na si Abdul sa kaniya kung nagkaharap na sila dati. Pero ngayon bakit niya tinalo si Abdul nang napakadali?"
"Si-siguro dahil ang totoo'y malakas siya." Sagot ni Jessica.
"Hindi mo ba nakuha? Kahit gaano kayabang si Abdul na 'yan ay marunong siyang kumilala sa taong malakas. Pero bakit parang ngayon lang niya nakilala si Dionne?"
Tumingin sila kay Abdul na ang tanging nakita nila sa itsura nito ay galit at takot. Sumagot si Jessica. "Siguro dahil alam na ni Dionne ang bawat galaw niya."
"Imposible, Jessica! Ilang beses kaming nagkaharap ni Steven pero hindi nangyari sa amin 'yan. Dahil hindi nagkakalayo ang galing at lakas namin. Hindi niyo ba pa nakukuha?!" Tumingin si Andrei kay Kelvin at Jessica. "Ibig sabihin sa loob lang ng apat na buwan ay mas lalong lumakas si Dionne."
"Tama ka." Sagot ni Kelvin. "Pero bakit?"
"Hindi ako naniniwala noon sa pagsalin ng lakas dahil sa pagkakaalam ko ay dinadanas ang hirap at pag lipas ng panahon ang huhubog sa lakas natin. Pero ngayon parang naniniwala na ako."
"Ibig sabihin sinalin lang sa kaniya ang lakas niya?" Tanong ni Jessica.
"Yun lang ang tanging paraan para mapalakas siya nang ganiyan."
"Maybe. Pero dalawang buwang training baka pwede kung walang pagsalin na nangyari." Sagot lang ni Kelvin na tila walang nangyari sa kaniya. "Pero pabor na pabor ito sa atin kung ano man ang pinagdaanan ni Dionne."
Nagulat silang lahat dahil kumilos uli si Dionne papunta kay Alyana. Nagulat si Alyana dahil nasaharapan na niya si Dionne na tila wala nang pagitan dahil magkadigit na halos ang katawan nila. Nanlaki ang mata niya at hindi makakilos.
"Alyana! Nandiyan siya!" Paalala ni Gareth pero nanatiling nakatayo si Alyana sa pagkabigla. Nainis si Gareth sa nakita.
Binulungan ni Dionne si Alyana kaya nilapit nito ang bibig sa tainga nito. "Ano ba ang ginagamit mo?"
Naramdaman niyang hinila ni Dionne ang kanang kamay niya. "Ito ba?"
"Ahhhhhhhh!" Napasigaw ito dahil pinisil ni Dionne ang kamay niya. Inikot at hinawakan ang siko niya. "AAAAAAAAH!"
"ALYANA!!" Sigaw ni Gareth. "Lumaban ka!!"
"Sabi ko na." Sabi ni Karen. "Tumalab ang Void kaya gusto niyang baliin ang buto ng kanang braso ni Alyana."
Nagulat naman si Agatha sa narinig. Hindi makakilos si Alyana. Tumalon si Dionne at nilagay ang hita sa ulo ni Alyana at hinatak ang kamay.
"Arm Bar!" Sabay tumunog ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.