"Kasalukuyang nakikipag-laban na sa mga oras na ito ang Binibini kay Abdul!" Sabi ni Aba sa mga taong tinipon niya. Marami ito. Umalis sa kaniya-kaniyang trabaho.
"Ginang Aba, sigurado po ba kayo? At kaya niya kayang gapiin ang may kamay na bakal?" Tanong ng isang lalaki.
"Sinabi niya sa'kin na lalabanan niya si Abudul. Humingi siya ng kalahating oras para mapaghandaan natin. Hindi natin sila kayang talunin kung si Abdul lang ang papaslangin. Kailangan nating lumaya. Ito na ang pagkakataon. Maghanda kayo at sasalakay tayo ngayon din."
"Pero, Ginang Aba. Paano kung matalo tayo?"
"Wala na tayong pag-asa pang lumaya."
"Lalaban ako!" Sabi ng isang lalaki. "Mamamatay din lang ako kung maduduwag ako at mas gusto ko na lang na ialay ang buhay kesa maghirap!"
Sunod sunod ang naging pang-sang ayon ng mga kalalakihan.
-
Nakatingin lang si Abdul kay Dionne. "Yan ba ang pinagmamalaki mo?" Sabi nito. "Baka hanggang umpisa lang 'yan gaya ng naging paglalaban niyo ni Judah. Isa lang 'yang mababang uri ng estilo. Ang martial art ay hindi minamadali."
"Masyado pa nga akong bata pero sa isang bata humuhubog ang kakayahan ng isang tao." Seryosong tugon ni Dionne.
"Subukan natin 'yan."
Pero biglang mabilis na umatake si Dionne sa gilid. Nakita ito ni Abdul kaya ginamit niya ang bakal niyang kamay. Hinampas niya ito sa gilid pero nawala si Dionne. Sumulpot ito sa kabila. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Abdul kaya nawala siya sa ulirat sandali. Gumewang siya kaya nakahanap ng pagkakataon si Dionne para sundan pa ang atake. Mabilis siyang nagpunta kung saan pumunta ang katawan nito. Isang sipa sa katawan ang pinakawalan niya kaya napangiwi si Abdul. Bumalik sa ulirat si Abdul. Hinanap ng mata niya si Dionne pero sa bilis ni Dionne ay isang sipa na naman ang ginawa nito kung saan uli pumunta ang katawan ni Abdul. At ang pangatlong sipa ay nagawa nang salagin ni Abdul kaya hindi na nagawa pang sundan ni Dionne ang atake. Tumalon si Abdul para umatras.
"Mabilis nga." Nakangiting sabi ni Abdul.
Nakatayo si Dionne sa harapan niya. "Umpisa pa lang 'yan."
Biglang sumugod uli si Dionne at pinaulanan ng malalakas na suntok si Abdul. Ang iba ay naiilagan at ang iba ay nasasalag. Pero sa dami nito ay hindi niya makita ang ilang suntok kaya napapaatras siya. Nakatingin sa kanila si Demetri.
"Dionne mag-iingat ka sa kamay niya." Isang bala ang lumabas sa daliri ni Abdul kaya agad napaatras si Dionne dahil inilagan niya ito.
"Ano, bakit tumigil ka?" Tanong ni Abdul. "Hindi ba patas ang laban?"
"Alam kong may tinatago kang ganiyang uri ng sandata."
"Dionne." Napalingon si Dionne kay Demetri. "Magtipid ka ng lakas. Baka matalo ka kung mapapagod ka."
Humarap uli si Dionne kay Abdul. "Magtipid man o hindi. Matatalo ako kung mas mahina ako."
Tumawa si Abdul. "Hindi ka pwedeng lumaban ng mahinahon sa'kin. Huwag mong papakinggan si tanda, sinungaling 'yan!" Binirahan lang ng tawa ni Abdul.
Nainis ang itsura ni Demetri. "Seryoso ka na ba sa lagay na 'yan?" Tanong ni Dionne.
"Hindi ba sa tingin mo? 'Yun ang iniisip mo kasi alam mong hindi ka kailangan na seryosohin."
"Tignan natin." Pumorma uli siya. "Let's go. Ikimasu Kamikaze Kogeki!"
Nawala si Dionne kaya hinanap na naman siya ng mata ni Abdul. Lumitaw siya sa likod kaya naramdaman ito ni Abdul. Mabilis niyang ginamit ang kamay na bakal paglitaw ni Dionne. Pero nailagan ni Dionne ang kamay. Tinisod niya si Abdul. Nawala ito sa balanse kaya sinundan niya agad ng sipa sa katawan ng ito ay pabagsak na. Napunta sa ibang direkyon ang katawan ni Abdul. Susugod uli si Dionne pero may lumabas na naman na bala kaya hindi niya itinuloy ang plano niya. Bumalik siya sa pagkakatayo. Nakahiga si Abdul.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.