39. Ang Pagsuway

793 20 6
                                    

"Malamang kung hindi makakahanap ng butas ang mga kasama ko, mapipilitan na lang na tapusin kayo." Sabi ni Jick sa dalawang bihag.

"Hindi pa naman huli ang lahat. Oras na kumilos si Vince, kayo ang malalagot. Patakasin niyo na kami para hindi na lumala pa ang lahat." Sagot naman ni Antonio.

"Tama!" Sabi ng kasama niya. "Ginagamit ako para sa kabutihan."

"Kabutihan?" Sabi ni Jethro. "Pasalamat ka dahil nakapangalan lang sa limitado na tao ang buhay na kailangan naming patayin. Dahil kung mamamatay tao kami talaga, umpisa pa lang, ubos na kayong lahat."

Medyo nabigla ang mga bihag. "Kung talagang matalino kayo, mag-iisip na kayo kung sino ang masasama." Sabi ni Steven. "Umpisa pa lang, inasinta ko ang katawan niyo na malayo sa kamatayan. Kung hindi ako sharp shooter, malamang miski isa sa inyo, may mamatay na."

"Hindi totoo 'yan!" Sabi ni Antonio. "Nagkataon lang na hindi ka marunong umasinta."

Tumawa ang dalawang magkapatid. Nainsulto naman si Antonio. "So, what are you going to say?" Tanong ni Jethro. "Tanga kami? Mag-isip nga kayo! Matagal na kayong nagtatrabaho sa masamang pangkat. Hindi niyo lang alam kasi mga bobo kayo!" Galit ang itsura ng mga bihag pero nakatingin lang ito kay Jethro. "Nahulaan nga ng isa sa'min ang sikreto niyo tapos hindi namin kayo pinatay miski isa sa inyo. Ang bala na ginamit sa inyo ay hindi na aksaya, samantalang ang bala na ginamit niyo ay ni-isa, walang tumama sa'min. Sino ang hindi marunong umasinta at sino ang kapani-paniwala? Kaya mag-isip kayo. Ang kasama namin ay hindi magdadalawang isip na kitilin ang buhay niyo kung sagabal kayo sa plano namin. Kaya kung hindi kayo magbibigay ng impormasyon, malamang wala nga kayong alam at kung wala kayong alam, kailangan niyong maniwala sa'min at pagtapos nun, tulungan niyo kami. Simple lang 'di ba? Sa pag-iisip na meron kami ngayon ay malabong mahikayat mo kami na palayain kayo! Pasalamat ka at mabait kami. Magdasal ka na lang na sana mapatay kami ni Vince pero kung hindi mangyayari, mapapatay kayo oras na makabalik ang apat naming kasama!" Mahabang pahayag ni Jethro para ipaalala sa bihag ang lahat. Pero mahihirapan silang makumbinsi ang bihag dahil mahina ang mga utak nitong mga ito maliban sa pambihirang kakahayan ng isa. Tumahimik pansamantala ang mga bihag. Naghintay na lang sila dahil alam nilang malayo ang West. Aabutin pa ng ilang araw ang pagsisiyasat ng apat.

-

Kinabukasan. Umagang umaga ay gumising sila Dionne. Hindi talaga sila namukhaan ng mga tao. Tinungo nila ang malaking pabrika. Nakamasid sila sa paligid. Habang nakatingin ay napatunayan nilang wala talagang nakamasid. Pinaghandaan na nila ang hakbang na ito kaya ipinagtaka ito ng tatlo. "Alam kong kumikilos na sila ng lihim. Hindi pwedeng mawala sa kanila ang bihag natin na isa." Sabi ni Andrei.

"Maraming options." Sabi ni Dionne. Pinindot ang tepepono niya para tawagan si Steven. "Kakausapin ko lang si Steven."

Nakatingin lang sa kaniya ang lahat. Sinagot ni Steven ang tawag. "Dionne, ano na ang balita?" Narinig ng mga kasama niya ang sinabi ni Steven kaya seryoso silang tumingin kasama ang mga bihag.

"Hello Steve! Wala kaming makitang kakaiba dito. Mukhang may mangyayari din na kakaiba. Makinig kayo!" Nilagay ni Steven ang telepono sa lamesa para makinig ang lahat. "Isa sa opinyon ko na walang bilang si Antonio kaya hahayaan na lang siya ni Vince.." Nabigla si Antonio. "At ang kasama niya ay pwedeng hayaan na din dahil matalino din ang kalaban. Maybe, hahayaan na lang nila na mapatay ito dahil malaking sagabal pa kung mababawi nila ito tapos may taong makakahula ng sikreto nila kaya lalong makakalusot ang magtatangka kung mabunyag ito." Nagulat din ang bihag na isa at medyo natakot. Ngumiti si Steven. "Kaysa nga naman magpagod pa sila, baka mahulaan pa ng inaakala nilang kalaban na importante ang hawak natin. Nagkukunwari silang baliwala ang lahat o baliwala na talaga?! Iniisip nila na wala pa tayong alam sa sikreto nila."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon