Nakatutok ang daliri ni Abdul kay Dionne.
"Mas gusto kong tapusin mo ako sa bala na lang." Sabi ni Dionne kay Abdul. Nakatingin ito ng diretkta. "Hindi mo ako mapapatay sa Iron Fist mo dahil bago mo ako masapul niyan--wala ka nang lakas."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Totoo ang sinasabi ko dahil mabagal ang Iron Fist. Kailangan mo akong tyempuhan, tama?"
"Akala mo ba mauuto mo ako?"
Tumawa si Dionne. "Hindi pang-uuto 'yun. Miski ikaw sa sarili mo ay alam 'yan."
"Alam ko nga. Kaya gagawin ko sa'yo 'yun. Halos wala ka nang laban sa'kin ngayon."
"Baka nakakalimutan mong may tama lang ako ng bala pero hindi pa mahina. Barilin mo na ako ngayon din."
"Nanghahamon ka ba?"
"Kung hindi mo gagawin siguro wala ka nang pag-asa. Hindi mo ba alam na ginagawa kong makipag-usap sa'yo para makapagpahinga."
Nagalit ang itsura ni Abdul. "Sa ganito kaiksi na oras, makakabawi ka pa ba ng lakas?"
Pumorma si Dionne para gamitin ang kamikaze. "Huwag mo akong maliitin."
Bigla siyang binaril ni Abdul. Mabilis niya itong inilagan. Sumugod siya pagkatapos at mabilis din na hinawakan ang bakal na kamay nito. Nagulat ito nang makita si Dionne sa harap niya. Ngumiti lang si Dionne. "Huli ka na naman."
Hinila ni Abdul ang kamay niya pero hindi niya magawa. "May lakas ka pa pala." Sabi nito at sinubukan na lumaban. Sinuntok at sinipa niya si Dionne pero naiwasan ito habang hawak parin ang kamay niya. Sinara ni Dionne ang kamao niya. Isa pang sipa ang ginawa ni Abdul pero sinalag ito ni Dionne gamit din ang tuhod dahil sa ilalim ito nanggaling. Nagulat ang itsura ni Abdul.
"Iku yo.." Pumorma si Dionne para bumwelo ng isang suntok. Hindi parin matanggal ni Abdul ang kamay niya. Inisinta ni Dionne ang sikmura. Sinuntok niya ito ng malakas. "Kamikaze, Rocket Punch!" Buong lakas ito. "Haaaaaah!!" Sigaw ni Dionne at tumama ang kamao niya sa sikmura ni Abdul.
Nang tumama ito ay halos mabutas ang tyan niya sa sobrang lakas. Hawak parin ni Dionne ang kamay na bakal niya pagkatapos kaya hindi tumalsik ang katawan nito. Saka niya binitawan kaya biglang bumagsak nang tulala si Abdul. Nanginginig ang katawan nito dahil sa ginawang suntok ni Dionne.
"Sinalo ng lahat ng katawan mo ang lakas ng suntok ko." Sabi ni Dionne. "Kaya kung isa kang malaking bato ay malamang sumabog ka na. Isa itong Rocket."
Napansin niya na gumalaw pa si Abdul. Nagulat siya. Binigay na niya ang lahat ng natitirang lakas niya sa suntok na iyon para matalo si Abdul. "Agh!" Mahinang bigkas ni Abdul. Nakatingin lang sa kaniya si Dionne. Humawak ito sa tyan niya bago tumingin sa nakatayo na si Dionne. Dumugo pa ang bibig niya. Sinubukan nitong bumangon pero nahihirapan siya. Pero kinakaya nito ang katawan. Unti unti din itong tumayo pero nanginginig ang buong katawan.
Tumingin ito sa kaniya. "Magbabayad ka!"
Pero umatake uli si Dionne. Sinipa niya ito sa mukha. Umurong ang katawan ni Abdul. Sinundan niya ng kaliwa't kanan na suntok sa mukha kaya napaluhod ito. Sinipa niya uli at sinuntok. Tumama ang sipa pero nahawakan ni Abdul ang kamay niya. Si Abdul naman ang humawak sa kamay niya gamit ang kamao na bakal. Mahigpit ang pagkakahawak.
"Akala mo ba madali mo akong matatalo?!" Sabi ni Abdul. Nakatingin lang si Dionne. Biglang may lumabas na bala sa daliri nito na nakatapat kay Dionne kaya bumagsak si Dionne sa sahig. Hirap kumilos si Dionne dahil sa dibdib siya tinamaan. "Tapos ka na!" Binaril ni Abdul ng paulit ulit si Dionne nang biglang lumitaw si Sono.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.