Niyaya na ni Dionne na umalis kasama si Luna. "Ngayon na ba kayo aalis?" Tanong ni Jessica kay Dionne.
"Oo." Tipid na sagot nito.
Nagyakap si Luna at Tina. Simula nang nag college sila ay ngayon lang sila maghihiwalay sa loob ng isang buwan. "Alam kong iingatan ka ni Sam kaya hindi na ako mag aalala." Sabi ni Luna.
"Oo tama ka. Mag-ingat kayo." Sagot lang ni Tina.
-
Isang Linggo ang nakalipas ay nakabasa siya ng balita sa diaryo.
Umabot na sa 2 million ang reward sa orihinal na Steven. "Baka mapasama na siya sa wanted list ng world government at united nations." Sabi ni Dionne habang kasama si Luna. Nakaupo sila ngayon sa isang kama sa loob ng hotel."Wanted na din kami, sabi ko na nga ba eh, pero wala siyang reward." Sabi ni Luna.
"Oo, it means, mga pulis lang ang huhuli sa inyo, walang magiging problema."
"Malamang, alam na rin ni Tina ito."
"Nag-aalala ka ba sa kaniya?"
"Masaya ako para kay Tina."
"Baka naman may gusto ka din kay Steven?"
"Sikat at gwapo siya. Hindi naman siguro malayo mangyari 'yun pero kalimutan na natin sila."
"Huwag mong sabihin na isa kayo sa mga fan ni Steven?"
"Parang ganun na nga."
"Ano ba ginawa niyo nung wala pa kami?"
"Nakipag palit si Steven kay Jethro nang hindi namin napapansin. Natutulog kaming katabi siya. 'Yun ang alam ko kaya siguro kilala kami ni Jethro. Hindi ko na alam sa kanila kung sino si Sam. Naglakbay kami hanggang mapalaban. Nagtatanga-tangahan siya kaya akala namin hindi siya si Steven. Pero niligtas niya si Tina kaya nalaman namin na siya si Steven."
"Kaya pala." Nawirduhan si Dionne sa nangyari.
"Hindi ako nag sisisi, ang pinagtataka ko lang, bakit parang nahumaling na si Jethro kay Tina?"
"Ah talaga?" Napaisip si Dionne. "Maganda naman si Tina ah, mabait at halatang mahal niya si Sam or si Steven at Jethro."
"Sana nga totoo siya?"
"Wala na tayong magagawa kung maghiwalay man sila sa hinaharap."
"Pero maraming pwedeng maging girlfriend si Jethro kung gugustuhin niya. He is so charismatic. Kaya hindi imposibleng maghiwalay sila."
"Hindi naman lahat ng babae perpekto pagdating sa pag-ibig. Kahit alam na nilang pwede silang palitan ano mang oras ay puso ang nagpapasya kaya umaasa sila o tayo ng seseryosohin tayo ng lalaki. At siguro ganun din naman ang mga lalaki. Isa pa, si Tina na lang ang nakikita niyang naging malapit sa kaniya na kaya siyang unawain kahit kriminal siya. Ang ibang babae ay tagahanga lang."
"Siguro nga, gwapo pa siya, kahit si Steven or Jethro."
"Oo nga, at si Kelvin."
"Sinong Kelvin ba kasi 'yun?"
"Napagkamalan kong si Steven at si Kelvin ay iisa. Siya ang chilhood friend ko, in love talaga ako sa kaniya at kamukhang kamukha niya si Steven at Jethro."
"Baka naman tama ang sinabi ni Andrei? Hindi maghihinala si Andrei kung wala siyang katibayan sa sarili niya. Sikat siyang detective at wala pa siyang sablay sa hinala niya. Lahat ng plano niya ay accurate kaya lagi niyang natutunton si Steven."
"Kakausapin ko si Andrei para malaman ko ang totoo, malamang may paliwanag siya sa sinabi niyang 'yun. Saka ako maliliwanagan na wala siyang sakit sa pag-iisip."
-
Sa kabilang banda naman. Nag iba ng plano si Damien. "Andrei! Iback out mo na ang mga sundalo at pulis na nag babantay sa'kin." Sabi ni Damien kay Andrei nang kausap niya ito sa telepono.
"Gob, hindi pwede ang sinabi niyo." Tutol ni Andrei. "Pag ginawa ko 'yan, baka isang kisap mata lang ay patay na kayo kapag nalaman ni Steven 'yan. Pasalamat na lang tayo dahil malinis siyang magtrabaho. Kung halang ang bituka niya baka kahit sino papatayin niya mapatay ka lang."
"Isa 'yan sa gusto ko sa'yo Andrei, hindi mo minamaliit ang kalaban kaya kampante akong maging taga protekta mo, pero oras ko na."
"Huwag mong sabihin 'yan, Gob. Kung ano man ang atraso mo kay Steven ay kaya mo pang ituwid, mabubuhay pa kayo ng mahabang panahon, Gob. Gawin niyo para sa tao."
"Wala akong karapatan na maging maligaya, sobra sobra ang ginawa ko sa pamilya niya, you're fired now Andrei. Kaysa magtago o kabahan ako buong buhay ko mas maiging matapos na para din kay Dionne. Baka magbago ang isip niya dahil wala na ako."
"Sa ayaw niyo at sa hindi ay andiyan ako para tulungan ka, hindi ko kailangan ng sahod mula sa'yo, pulis ako Gob, hindi mo ako hinire bilang guwardiya kaya hindi mo ako kayang tanggalin, Gob, hindi pa huli ang lahat."
"Pa'no si Dionne? Malapit nang malagay ang buhay niya sa panganib, hindi ko siya mapigilan, ayokong dumating ang oras na buhay pa ako pero patay na siya."
"Gusto mo bang tulungan ko si Dionne? Mukhang hindi na siya papapigil. Malamang magiging kaanib ko si Steven kung matutuloy siya dahil may palagay akong hihingi siya ng tulong mula dito. Magiging malaya ka dahil sa anak niyo."
"Kakampi niya ang taong 'yun alam ko dahil hindi nalalayo ang ugali nila. Kilala ni Dionne ang Steven na 'yun kahit hindi sila personal na magkakilala. Parang ikaw. Pero hindi malayong maghiwalay sila. Papayag akong tulungan mo si Dionne kahit wala si Steven sa tabi niya."
"Kung tutulong ako kay Dionne ay sisiguruhin kong kasama namin si Steven. Walang personal na galit sa'kin si Steven o maging siya sa'kin pero paano ka kung humiwalay si Steven nang wala ako?"
"Hindi lang 'yun, gusto niyang matulungan siya ni Steven para patayin si Chinchao, wala kasi siyang maisip na tutulong sa kaniya. Wala siyang lakas ng loob kung wala ang Steven na 'yan kaya I'm very sure, hindi siya tutuloy kung wala si Steven."
"Panganib ang pinasok ni Dionne. Isa pa, kung totoong triplet sila, hindi ako aalis kasama siya ng dalawang Steven lang ang kasama namin."
"Bukas din ay ayoko nang makikita ang bataan ni General dito."
"Hindi pwede Gob, kailangan niyong mabuhay, maraming nangangailangan ng tulong niyo." Pagtanggi ni Andrei kay Damien.
"Ako na ang magpapaalis ng mga tao sa bahay at sa munisipyo." Binaba na ni Damien ang telepono.
Itutuloy ....
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.