Season 2: Vince Taylor (Jiao-long Arc)
Sa isang lugar kung saan malamig ang klima. Isang malaki at ordinaryong mga pabrika ang makikita. Maraming tao sa labas at loob. Mga taong labas pasok. Ang bansang ito ay tinatawag na West Jiao-long. Nahahati sa dalawa ang Jiao-long. Isa sa East na puro kriminal at ang West ay tahimik. Tahimik na mas mapanganib dahil palihim nilang winawasak ang ibang bansa gaya ng Pilipinas. Nasa pangangalaga ito ni Vince. Ang isa sa pinaka-malakas na sundalo sa mundo. Hindi lang kasi ang panlabas ng pabrika ang huhusgahan. May underground itong lihim na pinamumugaran ng mga Siyentipikong umiimbento pa ng uri droga na nakakahumaling.
Isa sa droga nila ngayon ay ang pinapadala nila sa iba't ibang bansa. Pero may isa pa silang na-imbento. Ito ay ang droga na nakakapagpatalino kung meron kang karga sa katawan. Uubusin nito ang isip mo. Hindi ka na mag-iisip pa para sa isang misyon. Masarap sa pakiramdam pero kung maubos ito ay tuluyan ka nang mawawalan ng talino kaya kailangan mo nito oras na makatikim ka dahil kapalit nito ay matinding depresyon. Gumawa sila ng maraming pulbos upang maipadala sa ibang bansa. Sinubukan na nila ito sa mga taong bihag nila na talaga naman na epektibo. Ang mga bihag nila ay nakagawa ng paraan para makatakas dahil sa droga pero nahuli din dahil nawalan na agad ito ng bisa.
Pareho din sa una nilang naimbento na babalik-balikan mo pag iyong natikman. Ito ay tinawag nilang ID. Intelligence Drug. Kulay puti din na parang asukal. Tatlong buwan na lang ay kakalat na ito hanggang sa Pilipinas.
"Success!" Sabi ng isang Siyentipiko matapos ipagamit ang droga sa mga bihag. "Kailangang magpakawala ng malaking halaga para maikalat na ito."
"Malaki ang nalikom na pera ngayon kaya madali nating maipapasok sa mga bansa ang bagong tuklas na 'yan." Sagot naman ng isa na kasama niya.
-
Habang nakabalot ang kamay ay hinayaan na si Dionne na makalabas nang umagang 'yun. Nasa taxi pa lang siya ay tinawagan na niya si Jethro. "Kamusta kayo?" Bungad niya.
"Eto, nagbabakasyon. Kasama ko si Tina. Busy siya ngayon. Bakit?"
"Kailangan na nating simulan ang misyon sa lalong madaling panahon."
"Hindi maaari, kakausapin ko pa ang kapatid ko tungkol diyan."
"Nahalata mo na hindi pa patay ang Ama ko? Meaning, Steven didn't kill him. Sa tingin mo, bakit?"
"Wala akong alam."
"Mag-usap kayong magkapatid."
Tinapos niya ang pag-uusap nila hanggang makauwi siya. Wala ang ama niya sa mansyon. Hindi niya muna tinawagan ito dahil malaki ang posibilidad na hindi ito papatayin ni Steven. Sigurado siya doon. Ang isang oportunidad na sinayang ni Steven ay katibayan para maisip niyang hindi pa panahon para patayin ang Ama niya. Dahil sa kwento sa nakaraan na hindi pa alam ni Jethro. Ang isa sa iniisip ni Dionne ay nasaan ang isa sa kapatid nila? Kung si Kelvin at Jethro ang kasama niya noong nakaraan, malamang si Steven na nakita niya ay ang Steven na nakilala niya noong siya labing anim na taong gulang pa lang sa San Lorenso. Hindi niya kilala kung sino si Kelvin.
Sa kabilang dako. Nasa isang mataas na bundok si Steven. Naalala niya ang kwento sa nakaraan niya. Hindi niya matanggap na ang ama niya ay kabilang sa isang Sindikatong kinabibilangan ni Damien. Gumawa din ng masama ang Ama niya. Nagbago man ay huli na. Ngayon pa ba siya hindi maniniwala na nagbago na din si Damien? Tinuloy niya ang pagtawid sa kabilang bayan. Plano niyang matapos ang ilang araw ay hindi muna magpakita sa kapatid niya.
Matapos siyang makarating ay agad siyang nakilala ng mga tao kaya gulat na gulat ang mga ito. Pumasok siya sa isang maliit na restaurant para kumain ng agahan. "Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong agad ng dalagang tindera na nakakita sa kaniya sa loob.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.