Naglalakad si Karen kasama si Agatha na kanang kamay niya nang mapansin nila ang isang malaking tao sa isang head quarters na nilalakaran nila. Nakaupo ito at masayang nagrerelax sa isang mahabang upuan sa labas ng isang opisina na pupuntahan nila. Napansin sila nito.
"Kamusta, Karen?" Nguniti pa ito pagkatapos mangamusta.
"Bakit andito ka?" Tanong ni Karen.
"Hinihintay ka ni General."
"Alam ko."
Papasok sila sa isang opisina pero nagsalita pa si Kevin. Tumayo ito. "Hindi lahat ng utos sa'yo ay kailangan mong sundin."
"Bakit?"
"Mag-usap tayo pagkatapos mo diyan. Hihintayin kita sa Guardian's Office."
Lumakad ito papalayo. "Para saan? Para mandohan ako sa gagawin ko. Ano ba ang gusto mo? Agawin lahat sa'kin?"
"Hihintayin kita." Sagot lang ni Kevin habang naglalakad papuntang Guardian's Office.
Pumasok si Karen sa loob ng kwarto. Naiwan si Agatha sa labas. Napansin niya ang isang matangkad na General. "Andiyan ka na pala. Maupo ka muna." Sabi nito at umupo na din.
"Ano ba ang sasabihin mo, General?"
"Mahalaga ito. Nararamdaman namin na malapit na ang world war. Kaya kailangang ipunin mo ang Black Gems."
"Black Gem? Pagmamay-ari ito ng maraming bansa. Mahirap kunin isa-isa."
"Baka maunahan tayo ng mga terorista. Gagamitin nila ito bilang sandata. Ikaw na lang ang tanging pag-asa. Masyadong abala ang myembro ng Special Forces. Hindi malayong nakaimbento din sila ng malakas na sandata na ginagamitan ng Black Gem."
"Pero may gagampanan pa ako. Ano ang uunahin ko?"
"Kaya mong manduhan ang Guardian na kasama mo." Tumingin sa pinto ang General para tukuyin si Agatha. "Gawin mo ang lahat. Hindi namin mapasunod ang lahat ng Special Forces dahil may kaniya kaniya kaming kaalyado. Kaalyado kita kaya sana sundin mo ako. Para sa ikabubuti ng mundo ang gagawin natin."
"Alam ba ng lahat ng Generals ito?"
"Sa katunayan, oo." Nakatingin lang si Karen sa kaniya. "Pero may kaniya kaniya kaming layunin. Nais kong magwagi sa digmaan na paparating. Itatago namin ng mga kaalyado natin ang Gem para hindi na pakinabangan pa. Oras na mapunta sa maling kamay ang Gem, tapos na ang mundo."
"Alam ko ang limang Gem kung nasaan. Pero hindi ang tatlo pa."
"Kailangan ito lahat dahil kada isang Gem ay makakabuo ng makapangyarihan na laser. Oras na makuha natin lahat ay wala ng tsansa pa ang mga gustong mag hari sa mundo. Kaya umaasa ako na sana hanapin mo ang tatlo pa. Kailangan mong makita si Eagle. Kahit wala si Greg kailangan natin ang kapangyarihan sa digmaan. Si Eagle ang pag-asa mo."
"Bakit?"
"Dahil isa siya sa myembro ng mga terorista na nagbabanta ng peligro. Kasama niya ang dalawang kailangan natin. Oras na makabuo sila ng malakas na hukbo ay lalabanan nila tayo. Katapusan na natin sa hinaharap. Kaya kailangan mo silang mahuli. Hindi pa huli ang lahat. Mas maiging pakinabangan sila kaysa labanan pa nila tayo."
"Pero ang most wanted na si Greg ay hindi lumilitaw. Kung isusunod niya ang Presidente ng America ay doon magsisimula ang digmaan."
"Kaya magmadali ka. Humingi ka ng tulong sa alam mong kaalyado natin. Kasama ni Eagle ang balita sa nakahula ng sikreto ni Clark. Magagamit natin sila kaya kailangan mong hulihin muna sila. Nandyan pa si Matt Jones at Dark."
"Yun naman talaga ang utos sa'kin."
"Mas madali mo silang makikita ngayon. Sige, umaasa ako."
"Salamat General."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.