34. Giant Soldiers

986 27 5
                                    

Nagpatuloy sila sa pag-uusap.

"Pwedeng may malaking krimen na ginawa ang isang tao kaya aabot ng 10 million ang bounty sa kaniya. Hindi maliit ang 10 million sadyang mahalaga lang talaga ang kriminal kaya limang taon silang naghabulan." Sabi ni Dionne.

"Si John Shinoda ay killer. Pero hindi ko alam kung ilan na bang mabibigat na tao ang pinatay niya, bakit malaki ang reward sa kaniya." Sabi ni Eagle. "Hindi kasi siya kriminal na madaling hulihin. Hindi siya mahuli-huli kaya umaakyat ang presyo sa ulo niya. Sa pagkakaalam ko, hindi naman talaga hinahabol ni Karen si John. Nagkataon lang na may nakapagturo kung saang bansa siya nagpakita kaya doon nagtigil si Karen sa huling buwan na nahuli niya si John. Masyado lang naging komplikado ang balita dahil maraming nakabalita na si Karen ang may hawak ng kaso niya."

"Mas malaki magbigay ng reward pag world government na ang kumilos 'di kagaya ng bansa natin kahit sakop pa ito ng united nations." Sabi ni Andrei at tumingin kay Steven. "Umakyat sa 60 million pesos ang presyo sa'yo Steven dahil hindi ka namin mahuli-huli. Maraming kriminal na ang nagkainteres sa'yo. Isa na doon si David na may 420 thousand dollars rewards sa world government. Sa Pilipinas siya nagtago ng ilang taon." Napaisip ang lahat. "Ginagamit din sila ng gobyerno kaya si David ang naatasan na humuli kay Steven na napatay ni Dionne." Tumingin silang lahat kay Dionne. "Pareho kami ni Karen na hinawakan ang kaso ng isang kriminal kaya kami na mismo ang huhuli kung may pagkakataon. Pero kung wala, hindi naman namin pipilitin pa na hanapin ang isang karayon sa putikan."

"Pero hindi niyo alam ang naging laban namin ni David." Sabi ni Dionne. "Napakahirap kalaban ng isang tulad niyang mabilis. May tama ako ng baril kaya muntik na niya akong mapatay." Nakatingin lang ang lahat. "Tinalo ko siya sa labanang kamao sa kamao. Kung may reward siyang maliit lang, mahihirapan tayo kung ang kalaban natin ay kayang labanan ang may 100 million bounty."

Napaisip si Eagle. "Mahihirapan tayo kaya kailangang unti unti." Sabi niya. "Sabagay, wala namang alam ang ibang sundalo sa laboratoryo. Ang alam lang nila ay kriminal si Chinchao o masamang tao. Hindi nila mahuhuli ito dahil nasa pangangalaga ito ni Vince. Hinayaan na lang nila ang bagay na 'yan dahil sa tingin nila ay hindi naman ito malaking banta. Medyo butas nga ng karayom ang papasukin natin. Pero ang alam ko, hindi naman porke mataas ang reward, malakas na. Ang isang katulad ni David na nagtago sa bansang Pilipinas ay maaaring tumaas pa ang reward kung hindi siya nagtago at patuloy parin na gumawa ng krimen. Hindi natin pwedeng ihalintulad ito sa ibang nasa wanted list dahil ang iba ay trabaho na ang pumatay. Kailangang huwag tayong panghinaan ng loob. Wala nang taong may potensyal na haharap kay Vince dahil kilala siyang malakas na nilalang. Kailangan ay katulad natin na handang mamatay o may dahilan."

"Wala ka bang balita sa ibang pangyayari, Eagle? Saan ka ba nakadestino?" Tanong ni Andrei.

"Buong mundo ang nililibot namin. Hawak ako ng bansang America. Hindi na uso ang mga pirata ngayon pero marami na kaming nahuli na kriminal sa dagat sa tatlong taon ko sa serbisyo. Pero hindi sapat ang grupo ko para labanan si Vince kaya nagpaubaya kami. Layunin namin ang kapayapaan pero hindi namin sinadyang dumaan sa West Jiao-long. Nagkataon lang na napadaan ang barko namin doon. Hindi pinapayagan ni Vince na may makalapit na sundalo sa lugar na 'yun kaya hinuli niya kami. Nagtatamang hinala siya. Hindi ko alam kung bakit dinamay niya kami? Nahulaan niyang papasukin namin ang lugar kaya nagtamang hinala siya. Wala naman kaming gagawin na masama sa kanila o hindi namin sila isusuplong. Pero sa mga panahon na iyon ay may haka-haka na ako na pugad iyon ng droga. Pero wala akong intensyon na labanan o ipahuli sila dahil sa pagkakaalam ko ay dawit ang mga Heneral ng World Government sa negosyo ni Chinchao."

"Ano ang nangyari nang malaman niyong aarestuhin kayo?" Tanong ni Dionne.

"Halos wala dahil akala namin ay sisiyasatin lang kami. Isa pala itong patibong. Nadis-armahan kami dahil akala namin ay iispeksyonin lang ang barko namin ayon sa pagkakaalam namin dahil tahimik ang bansang West. Pero binihag kami. Hindi ako sigurado kung mamumukhaan ako ni Vince sa ngayon pero kilala niya ako dahil binanggit ko sa kaniya ang kaibigan kong isa sa Special Force. Hindi na kami lumaban sa pag-aakala na palalayain din kami pero mali pala. Nalaman kong lalo lang pala akong nalagay sa alanganin nang malaman niya kung sino ang kakilala ko."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon