Nakita na ni Jethro ang maraming gusali habang nasa kalagitnaan sila ng karagatan. Nakarating na din sila sa destinasyon nila sakay ng barko. Kasama niya si Keith, Ursula at Tina na nakatingin sa palibot.
"May sarili tayong aircraft na karga nitong barko. 'Yun ang sasakyan ni Master para iligtas ang presidente. Kumpleto tayo sa Military. Airforce at Army kasama ang at Marine." Sabi ni Ursula.
"Mukhang malaking gulo ito." Sabi ni Jethro.
"Hindi pa naman sigurado pero ang isa sa tiyak ay nandito na din ang mga inupahan na grupo ng terorista. Kapag gumalaw sila, kikilos tayo. Isa itong digmaan. Pero kung maililigtas ni Master ang presidente, wala nang gyera." Sagot naman ni Keith.
"Nung panahon na pinalubog ang barko ng sinasakyan ng hari ng UK ay nag-iisa lang si Greg na lumusob. Pero hindi si Greg ang terosista na sasalakay ngayon. Buong hukbo natin para magdipensa." Sabi ni Ursula.
"Paanong pag-atake naman kaya ang gagawin ng mga terorista?" Tanong ni Tina.
"Hindi pa namin alam pero ang isa sa sigurado ay ang tamang timing ng pag-atake ni Master sa White House. Palalabasin na siya ang papatay sa presidente para mailigtas lang ito. Wala ni isang poprotekta sa presidente dahil kasabwat ang ilang heneral. Nakakatakot ang mangyayari ngayon."
Nakarinig sila ng ingay. Matapos nilang tignan ay bumuka ang sahig ng isa sa parte ng barko at lumabas ang eroplanong pangdigma.
-
Nakapalibot kay Andrei at Eagle ang ilang sundalo na kaharap nila. Nakahiga naman si Kelvin na dumudugo ang bibig. Si Jessica naman ay hindi makakilos na nakaupo dahil malapit sa kaniya ang ilan sa walong sundalong kaharap nila. Tumayo siya.
"Huwag kang kikilos." Napatingin siya sa boses sa likod niya. Tinaas niya ang kamay niya.
Walang gumagalaw sa kanila. "Sumuko na kayo!" Sabi ni Gareth. "Ikukulong na lang namin kayo sa halip na patayin. Ibig sabihin, binibigyan namin kayo ng pagkakataon na mabuhay."
Bumangon si Kelvin na medyo nanghihina na dahil sa tinamo niya kay Alyana. "Andrei!" Tawag nito at agad lumingon si Andrei kay Kelvin. "Wala na tayong magagawa. Marami sila. Marahil, ito ang kahihinatnan ng lahat. Makukulong din tayo ano man ang mangyari. Sumuko na tayo."
Tumingin siya sa kinaroroonan ni Karen. Nagkuyom ang kamao ni Karen sa narinig.
"Tama." Bulong ni Andrei kay Eagle. "Kahit gusto ni Karen na itakas ang mga bato nang hindi siya nadadawit kaya niya dito tayo pinatakas ay hindi nangangahulugan na kakampi natin siya."
"Baka nga isa itong patibong para mahuli tayo."
"Hindi. Totoo si Karen pero hindi niya tayo pwedeng panindigan kahit iturn-over ng maayos ang mga bato. Wala na din tayong pag-asa dahil nasa wanted list tayo. Ngayon ko naisip na mas mahalaga kay Karen ang posisyon niya bilang sundalo. Kung ikukulong niya tayo ay napakadali lang dahil nagtiwala tayo sa kaniya. Hindi ako naniniwala na patibong ito ni Karen. Walang saysay kung gagawin niya."
"Tama ka. Ganun din si Kevin. Wala siya dito pero alam kong may gagawin siya. Sumuko na tayo dahil may kakampi pa naman tayo na hindi pa nakukulong."
"Sumusuko na kami!" Agad sabi ni Andrei sa mga sundalo.
Ngumiti si Gareth. "Sige na Lady Alyana, arestohin na sila."
Kampanteng lumapit si Alyana kay Andrei at Eagle. "Walang kikilos ng masama dahil ano man ang mangyari ay hindi na din kayo makakalabas." Sabi ni Alyana ng makalapit. May dala siyang posas. Pero hindi pa man niya nailalagay sa kamay ay nagsalita si Gareth.
"Nakakatamad."
Tumingin silang lahat dito. "Bakit?" Tanong ni Alyana.
Tumingin si Gareth sa mga kasama niya. "Papayag ba kayong ganito lang?"
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.