"HEADSHOT!!"
Sinalubong ng ulo ni Dionne ang katawan ni Abdul. Inasinta niya ito ng eksakto sa bwelo at pagtalon para maisakto ang lakas ng pwersa. Tinamaan si Abdul sa mismong tyan niya. Pasalubong ito kaya malakas ang tama. Tumama ang ulo ni Dionne sa tyan kaya napangiwi si Abdul. Halos matupi ang katawan nito. Sa lakas ng pwersa nito ay tinulak ng ulo ni Dionne ang katawan na sumalubong. Nang mahiwalay ang ulo niya sa katawan nito ay biglang nawalan na ng malay si Dionne. Ang katawan naman ni Abdul ay tumalsik pa-itaas. Nasilip ni Sono ang nangyari. Napansin niyang tumilapon si Abdul sa labas ng tore. Wala nang lakas si Abdul kaya hindi na niya nagawa pang kontrahin ang sakit ng tama. Unti-unting bumagsak ang katawan nila pareho.
Mas naunang bumagsak ang walang malay na katawan ni Dionne sa malapit sa pinanggalingan niya at si Abdul naman ay sa labas ng palasyo. Nakababa na ang kamay niya at nakadilat man ang mata ay tulala ito na wala na ding malay. Hindi pa tapos ang digmaan. Pero napansin ng mga tao sa labas na may katawan na bumagsak 'di kalayuan sa kanila. Nilapitan nila ito. "Si Abdul!!" Sabi ng isa. Nakilala nila ito.
"Natalo si Abdul." Sabi naman ng isa at tumingin sa paligid.
"MGA KABABAYAN!" Sigaw naman ng ikatlong nakakita at nagsilapitan ang iba na may dalang armas. "PANALO ANG BINIBINI!"
Nagsigawan ang lahat ng mandirigma at itinaas ang mga armas nila. "Umatras muna kayo!" Utos ng isa. Tumigil sa pag-atake ang ilan. Napansin ng mga terorista na umatras ang ilan at nagdiwang ang mga ito.
Isang sasakyan ang tumigil. Lulan nito ang mga kababaihan. Kasama din si Aba, Hagad at Kaled. May napansin sila na isang tao na nakatapak sa isang katawan ng isang tao din. Lumapit sila dito. Nakarinig din sila ng mga sigawan. Gulat na gulat si Kaled ng makita niya ang taong nakahiga na pinapaligiran ng mga kababayan niya.
"Si-si Abdul!" Sabi agad ni Kaled. Nakatingin din ang lahat na gulat na gulat.
"Tinalo si Abdul ng Binibini?" Hindi makapaniwala si Aba. Ngumiti naman si Hagad at ang mga kababaihan ay nagbunyi.
Sa itaas naman ay nakasilip si Sono sa ibaba. Napansin niya si Dionne na nakahiga. "ATE!" Sigaw niya.
"A-anong nangyari?" Tanong ni Demetri.
"Lolo.." Lumingon si Sono kay Demetri at lumapit dito. "Walang malay si Ate Dionne."
"Nasaan si Abdul?"
"Tumalsik siya sa labas ng palasyo."
"Mamaya mo na ako asikasuhin. Puntahan mo muna si Dionne. Humingi ka ng tulong." Tumakbo agad si Sono. Bumaba siya.
Ang mga sundalo ay nagtaka dahil umatras ang mga kalaban nila. Gumagapang si Elias na hinang hina dahil sa tama ng bala. Naririnig niya ang mga sigawan.
"Hanapin niyo ang Binibini?!" Utos ni Aba. Nakatingin sila sa katawan ni Abdul. Wala itong malay. Hinawakan ni Aba ang kamay ni Abdul. "Buhay pa siya! Pero huwag kayong matakot, wala na siyang kalaban-laban."
Isang sundalo naman ang nakaakyat sa itaas. Nakita niya ang katawan ni Dionne. "Nasaan si Abdul?" Tanong ng mga kasama niya.
Bumaba si Sono. Nakita siya ng dalawang sundalo. "Huwag kayong lalapit kay Ate Dionne!" Banta ni Sono. "Tinalo niya si Abdul kaya umalis na kayo dito!"
Tumakbo si Sono sa kinaroroonan ni Dionne. Nagkatinginan ang dalawang teroristang sundalo. "Totoo ba 'yun?" Tanong uli ng kasama niya. May umakyat uli sa itaas. Tinutukan nila ng espada ang dalawang teroristang sundalo.
Naghihintay si Aba sa ibaba. "Wala na silang ipanglalaban sa'tin! Kailangan nating makita ang Binibini." Sabi ni Aba. Nakita nila na karga ito ng isang kababayan nila. "Ano'ng nangyari?"
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
AksiyonMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.