14. Escaping

1K 36 0
                                    

"Tumakas na kayo, Dionne, hangga't may oras pa! Baka tamaan ka pa." Hiling ni Jethro. "Galit ako sa ama mo pero hindi sa'yo."

"Huli na ang lahat, aarestuhin na nila ako dahil maraming may hawak ng sniper at telescope sa malayo, malamang naitawag na nila ito kay Andrei ang nangyari." Sagot ni Dionne.

Tumawag si Steven. "Papunta na ako diyan." Sabi nito.

"Nakalusot ka na pala?"

"Nilito namin sila. Nahirapan ka ba diyan? Mas matinik dito dahil ako ang pinupuntirya ni Andrei."

"Kasama ko si Dionne."

"Ganun ba. Mabuti at sumaklolo siya dahil balita ko may malalakas na kakampi sila diyan."

"Bilisan mo na para matapos na 'to. Ayokong magalusan."

Natapos ang pag uusap nila. "Ano na plano natin?" Tanong ni Dionne.

"Dito muna tayo, hihintayin nating makarating si Steven bago tayo kumilos."

"Sino ka ba?"

"Huwag ka nang magtanong. Iisa ang katauhan namin kaya napag-usapan namin kung sino ka. Hindi na importante kung ako si Steven o hindi. May tama ka pa kaya wala nang oras."

"Malayo sa bituka 'to." Nakatingin lang si Dionne ng seryoso kay Jethro.

-

Hinabol ng mga sundalo si Steven papuntang Bluetown at naisip ni Andrei na mas maigi ang dalawa silang sabay huhulihin, kaso si Dionne ay kasama nung pekeng Steven. Balak niyang hulihin si Dionne kaso kaibigan niya si Damien. May lumabas na helicopter sa taas at kausap si Andrei kaya alam nila ang kinaroroonan ni Steven.

Nakita ito ni Steven. "Naku lagot, nakikita ako sa taas." Dumadaan siya sa mga bubong at hindi siya dumaan sa mismong kalsada. Nakita niya ang maraming nakaabang na sundalo. "Kailangan namin silang lituhin."

Nagpakita siya sa maraming sundalo at pinaputukan niya ito. Dumaan siya sa lugar na ilalim ng bubong para hindi siya makita ng nasa itaas. Hanggang lumabas siya sa kabilang daanan. "Boss Andrei, nawala siya. Nasa loob na siya ng Bluetown ngayon. Hindi ko alam kung paano nangyari pero tumatakbo siya." Sabi ng sundalo sa helicopter.

"Nakakapikon naman, napakabilis niyang kumilos." Dismayadong sagot ni Andrei.

Pinaalam na ni Steven na nasa Bluetown na siya kaya lumabas na si Dionne at Jethro. Nakarating na lahat sa Bluetown. Alalang alala si Tina sa nangyayari. Ayaw niyang mahuli si Steven kaya pati siya ay tumakbo na sa loob. "Tina! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Luna pero hinabol niya si Tina.

"Mga baliw talaga sila, bahala sila sa buhay nila." Sabi ni Jessica.

Umakyat si Tina sa bubong para hindi niya madaanan ang mga sundalo. Pero may nakakita sa kaniya kaya tinimbre agad ito sa iba. Sinundan siya ni Luna para mailigtas, baka kasi pagnalaman ni Sakono na tinutulungan niya si Steven ay patayin siya nito.

"Andrei! Nawala na si Steven, mag ingat kayo!" Sabi ng nasa helecopter. Pero nakarinig si Andrei ng mga putukan. Nakikipag barilan na pala si Steven at nag atrasan ang mga sundalo dahil ang iba sa kanila ay may tama sa mga binti. Nagpunta si Andrei sa kinaroroonan ng mga putok. Nakita na niya si Steven kaya mabilis niyang hinabol ito, hindi siya kumukurap at ayaw niyang mawala sa paningin niya si Steven. Maya maya'y buhat sa taas ay dumating si Dionne at pinagbabaril siya kaya mabilis agad siyang nakapagtago.

"Lintik na! Dionne, bakit mo 'to ginagawa? 'Wag mo siyang tulungan, papatayin niya ang Ama mo" Sigaw ni Andrei.

"Ayaw niyong ibagsak si Chinchao, kaya ako ang gagawa ng paraan. Si Steven ang makakatulong sa'kin sa bagay na 'yan!" Sabi ni Dionne na nakatutok ang dalawang baril sa pinagtataguan ni Andrei.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon