41. Matt Jones

758 19 4
                                    

Walong higanteng sundalo ang nakaharang kay Dionne kaya hindi siya talaga makakalusot at nakatutok dito ang rocket launcher ng bawat isa. Tinaas ni Dionne ang kamay niya. Isang sundalo ang lumapit sa kaniya para posasan siya. Nagsalita ang isang higante. "Dalhin 'yan sa loob. Sa kulungan." Naglakad ang ilang sundalo at higante kasama si Dionne. Pinasok siya sa isang pabrika hanggang nakarating sila sa ilalim. May nakita si Dionne na isang lalaking nakakulong sa kabila. Sa limang kulungan ay dalawa lang silang nakakulong. Iniwan na siya ng mga sundalo.

"Sino ka?" Tanong ng lalaki. Nakapalibot ang kulungan kaya isang harap sa pinto ay kita na niya ang lalaking tumawag sa kaniya. Nakatalikod ito dahil abala sa paglalaro ng baraha. Hindi na lang kumibo si Dionne. "Inaasahan ko nang hindi ka magpapakilala." Napansin niya ang lalaki na tumayo. Humarap sa kaniya. Napansin niya na wala itong posas pero sa bawat kamay nito ay may bakal at may kadena. Saka naisip ni Dionne na hindi basta basta ang taong nagtanong sa kaniya dahil hindi ito kakadenahan sa kamay kung ito ay ordinaryong tao lang. Mahaba ang kulot nitong buhok na nakatabing sa mukha. Sapat ang haba ng kadena para makakilos ito sa loob ng kulungan. "Isa ka pa lang magandang babae." Nakatingin lang si Dionne sa lalaki. "Mula nang ikulong ako dito, dalawang taon na ang nakakalipas, wala nang sumunod na ikulong sa lugar na ito."

"Bakit ka nakakulong?" Tanong lang ni Dionne.

"Para lagi akong nakikita ni Vince. O para itago na din." Hindi na kumibo si Dionne. "Isa lang ang nakikita ko. Importante kang bihag kaya ka nandito."

"Ibig mong sabihin.. importante ka din?"

"Parang ganun na nga pero nagtataka lang ako." Nag-isip ng konti ang lalaki. "Bakit wala si Clark o miski man lang si Vince nang nahuli ka?" Nagpahuli lang kasi si Dionne para siguradong hindi mahabol si Kelvin. Alam niyang hindi siya papatayin at malaki ang pag-asa niyang makalaya dahil may hawak silang alas. Bago nila iligtas si Kelvin ay may pangyayari na umusbong sa isip ni Andrei. Sinusubukan ng kalaban kung hanggang saan ang katalinuhan at lakas nila kaya kung tama ang hinala nilang patibong ang pagpasok sa pabrika ay malamang mahuhulaan ng kalaban ang katalinuhan nila kaya kailangan niyang magpahuli para isipin ng kalaban na hindi sila ganun ka-talino o kalakas. Aminado siyang mali ang ginawa ni Kelvin pero ito ang pinaka-magandang gawin. Magpahuli kahit may pag-asa siyang makatakas pero hindi siya sigurado dahil andiyan si Clark na mabilis at malakas.

Walang maisagot si Dionne. Kaya iba ang isinagot niya. "Malalaki ang mga sundalo kaya hindi na ako nakatakas pa. Nakapalibot sila sa'kin."

"Ano ang dahilan bakit ka nila hinuli? At kung wala si Clark o si Vince, malamang hindi ka ganun ka galing pero bakit dito ka kinulong? Ano sa tingin mo?" Wala si Clark kasi sinundan nito si Andrei at Kelvin. Sana lang minaliit siya kaya hindi siya pinag-tuunan ng pansin pero imposible dahil niligtas niya si Kelvin. Nagtataka lang siya kung bakit inuna si Kelvin.

"Mamaya mo na malalaman dahil siguradong tatanungin nila ako." Kalmado masyado si Dionne kaya palaisipan talaga sa lalaki ang lahat.

"Bueno, maghihintay na lang ako. Interesado ako sa'yo."

-

Samantala, umaandar ang kotse nila Andrei at Kelvin na minamaneho ni Eagle. "Ang isang mahina ay hindi makakatakas sa hukbo ni Clark kaya alam kong alam ni Dionne ang ginagawa niya." Sabi ni Andrei kay Kelvin.

"Sana makagawa ng paraan si Dionne. Alam kong kaya pa niyang makatakas." Sagot naman ni Kelvin.

"Hindi na siya tatakas pa."

"Bakit?"

"Dahil hindi pwede. Gustuhin man niya, lalo lang tayong malalagay sa alanganin. Alam ng kalaban na hawak natin ang importanteng bihag. Para lumalaban tayo ng chess sa hindi natin kilala kaya magpapakagat tayo para kung kagatin nila, tapos na sila. Makakapasok tayo nang hindi nila alam sa susunod na plano."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon