96. Matinding Kutob

378 11 6
                                    

Inilagay si Prima sa isang kwarto hanggang magising ito. Naaninag niya si Andrei nang magising siya kasama si Eagle at ilang mga pulis na nasa labas ng kwarto. "Gising ka na pala." Sabi ni Andrei at may kinapa sa bulsa. "Pwede bang tawagan mo ang mga kasama mo?"

Ngumiti si Prima. "Ang malas naman."

Nilabas ni Andrei ang telepono. "Kailangang maibalik si Karen dahil kung hindi, ikaw ang tatapusin ko."

"Hindi nila ibabalik si Karen."

Nakaramdam ng kaba si Andrei. "Bakit?"

"Dahil mas mahalaga siya kaysa sa akin."

"Malalaman ko 'yan."

-

Nagising si Karen. Naalala niya ang nangyari matapos siyang mawalan ng malay. May tumusok sa leeg niya na matulis na bagay bago mawalan ng ilaw sa loob ng gusali. At doon ay nahimatay siya. Nakatali siya ng matibay na kadena sa kamay. May nakita siyang lalaki na nakatingin sa kaniya. Nagkatitigan sila at walang nagsasalita. May dumating na isa pa. "Kamusta diyan?" Napatingin ito kay Karen. "Gising na siya."

"Ano ang kailangan niyo sa'kin?" Tanong ni Karen.

"Maghintay ka lang. Malalaman natin 'yan mamaya. Naghihintay lang kami ng tawag." Sagot ng dumating. Lumabas uli ito. At maya maya din ay may kasama na itong pumasok.

"Kamusta ka, Commander?" Sabi nito kay Karen. "Mukhang swerte ka parin sa pagkakataon na ito."

"Hindi ko alam kung paano niyo naplano ang lahat ng ito." Simpleng kumento ni Karen. "Hindi ako naniniwalang magagaling kayo. Siguro may taong nasa likod nito, tama ba?"

Sasagot na sana ang lalaki pero nakatanggap siya ng tawag. Inuna niya munang sagutin ang tawag dahil numero ito ng kasama niyang si Prima.

"Hello." Sagot niya.

Si Andrei ang sumagot sa kabila habang nakatakip ang bibig ni Prima. "Nasaan si Karen?"

Tumingin ang lalaki kay Karen. Hindi agad makasagot. "Sino ka?"

"Hindi na mahalaga. Siguradong hawak ko ang isa sa inyo. Madali lang. Ipalit niyo si Karen sa kasama niyo na bihag namin."

"Sandali lang. Pag-uusapan lang muna namin."

"Hindi pwede. Kailangan na ngayon. Kung hindi--"

"Kung hindi ano? Tatapusin niyo siya? Pwes tapos din si Karen."

Nakikinig lang ang lahat. Maging si Gareth at mga pulis. "Pwede bang ako na ang kakausap?" Singit ni Gareth.

Hindi siya pinansin ni Andrei. "Pareho lang tayo ng hangad tama ba? Kaya sa lalong madaling panahon, kailangan niyong makipagkita sa'min."

"Gusto kong kausapin muna ang mga kasama ko at ito lang ang masasabi ko sa ngayon, kailangang isama niyo ang dalawa pang bihag. Gusto mo bang makausap si Karen? Kakausapin ko din ang bihag niyo."

"Hindi na kailangan. Sige, tatawag ako matapos ang isang oras."

"Payag ka ba sa kondisyon?"

"Sige."

Binaba ni Andrei ang telepono. "Anong sabi?" Tanong ni Gareth.

"Isama natin ang dalawa pang bihag." Sagot ni Andrei.

"Bakit tatlo ang sa atin?"

"Dahil mas mahalaga si Karen. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. Bakit sila nakagawa ng ganung plano?"

"Bakit hindi mo kinausap si Karen?"

"Para hindi na kausapin pa ang bihag natin. Mahirap na. Baka nga siya ang pinuno at sundin ang utos niyang magpahuli na lang para hindi na maibalik si Karen. Malaki ang mawawala sa atin. Malinaw na ba?"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon