"May lumabas na kulay pula na arrow sa radar." Sabi ni Kelvin kay Andrei nang may makita siyang kakaiba.
Tinignan ni Andrei ang radar. "May naka-activate na divice sa isa sa mga kasama natin pero bakit wala siya dito?"
"Baka nasa kabilang lugar na hindi abot ng radar?" Sagot naman ni Eagle.
"Pero paano muna natin sila pupuntahan? Kailangang unahin ang mas malapit." Sabi ni Kelvin.
"Pero bawal pumasok ng barko doon. Baka magkagulo lang lalo kung pupwersahin natin." Sabi ni Eagle. Naglalayag na sila ngayon papuntang Green Island. Napansin na nila ang mga barko na nakapaligid sa isla. Pero kahit anong dahilan nila ay hindi talaga sila pinahintulutan. Bumalik sila sa bansa na pinanggalingan nila para matukoy ang nakita nila sa radar. Pero ilang oras na naman silang maglalakbay.
-
"Kamusta ang pakiramdam? Dapat ay hindi ka muna nagtrabaho kung plano mong magpanggap." Sabi ni Demetri nang salubungin nila ni Sono si Dionne galing sa trabaho. Kasama nito si Hagad at Kaled.
"Ayos lang ang pakiramdam ko." Sagot nito at umupo.
"Mukhang maayos ka nga pero base sa reaksyon mo, mukhang nanlalambot ka pa."
"Tama ka, Lolo. Pero kaya ko naman. Hindi ko naman balak labanan si Abdul sa ngayon. Mamayang gabi ay napagpasyahan namin na tumawag ng pagpupulong sa lahat ng mga dating mandirigma."
"Natatakot ako, Ate." Sabi ni Sono at biglang yumakap kay Dionne. Niyakap siya ni Dionne pabalik at hinalikan ang ulo nito.
"Huwag kang matakot. Magdasal ka. May pag-asa tayo."
Kinagabihan ay lihim na nagsama-sama ang ilan ng hindi alam ni Abdul. Sinadya nilang mag-usap usap nang tulog na ang mga terorista. "Makinig kayong lahat." Sabi ni Dionne sa mahinang boses pero sapat para marinig ng marami. Nasa limangpu sila. "Lahat kayo ay magbuo ng grupo. At lahat ng hindi kasama dito na gustong magbuwis ng buhay ay kayo na ang magsasabi nitong pag-uusapan natin sa kanila." Tumango ang ilan. Kasama si Demetri sa pagpupulong.
Nagsalita siya. "Makinig at magtiwala kayo sa kaniya. Marami siyang alam at nabasang libro tungkol sa digmaan."
Tumingin uli ang lahat kay Dionne. "Magtiwala lang kayo at paplanuhin natin ang pinakamabisang pag-atake." Tumaas ng kamay ang isa.
Nagsalita ito. "Kung ang mga kinalalagyan ang pag-ikot ng mga sundalo nila ay alam na namin."
"Magaling." Sabi ni Dionne. "Wala tayong sapat na sandata. Pero may ilan tayong nakatago na baril. Gagawa tayo ng maraming patalim. At kailangan natin silang malupig sa ganitong oras. Pero malakas si Abdul. Kami na ang bahala sa kaniya. Sadyain natin na wala sila sa kondisyon o mas maiging nagkakatuwaan sila. Mabibigla sila. Kahit may armas sila ay siguradong matatalo sila. Kaya ang pinaka-poproblmahin na lang ay kung paano papatayin si Abdul. At ang isa pa ay maraming mamamatay sa'tin. Pero ang kapalit naman ay kalayaan kung sakali. Puso lang ang kailangang asintahin kay Abdul. Mamamatay na ito at kahit mamatay pa kami.. wala nang mas maganda pang kapalit kung mamamatay si Abdul."
Isang oras ang lumipas, natapos ang pulong. Plano ni Dionne na labanan si Abdul pero hindi pumayag ang ilan. Mas gusto nilang pag-ukulan nito ng pansin si Judah. Maliit ang pag-asa nila pero hindi sila aatras. Kinabukasan ay gumising si Dionne. Tumingin siya sa kamay niya. Nagtaka siya sa mga oras na ito. Lumabas siya. Nakita niya si Sono at si Kaled. "Ate!" Nginitian siya ni Sono. "Kain na tayo. Hinintay talaga kita."
Matapos nun ay pinauna na ni Dionne si Kaled sa bukid. "Sono, ihahatid kita kay Lolo. Huwag ka munang gagala. Huwag mo akong sundan ah."
"Opo Ate."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.