36. Ang Lalaking Malakas Ang Pang-dinig

829 21 2
                                    

Napansin nilang lahat na si Dionne ang puntirya ng lalaki. "Dionne! Takbo na!" Rinig niyang sigaw ni Andrei.

Inilagan ni Dionne ang unang sipa ng lalaki at lahat sila ay tumatakbo. Hinabol sila ng lalaki.

"Dionne, mabuti at nakinig ka sa'kin. Hindi natin pwedeng lumaban hangga't kaya natin." Sabi ni Andrei habang tumatakbo sila.

"Alam ko na 'yan." Sagot ni Dionne.

"Haharapin ko siya."

"Alam kong kaya mo siya pero ano ang plano mo?"

"Magtiwala ka lang. Mauna na kayo. Hindi pwedeng ipaliwanag ngayon." Huminto si Andrei sabay tumalon ng mataas ang lalaki para maabot ang kinatatayuan niya.

"Nasaan na siya?!" Tanong ni Steven kay Dionne.

"Hinarang ni Andrei. Umalis na tayo dito. May binigay siyang maliit na device sa'kin para alam natin kung nasaan siya!"

Hanggang sa malayo na sila. Tumigil sila sa isang lugar. "Sino kaya siya?" Tanong ni Kelvin.

"Panganib 'to." Sagot ni Dionne. "Hindi natin siya pwedeng talakasan. Kailangang alamin kung bakit niya tayo huhulihin."

-

"Sino ka? Bakit mo kami inatake?!" Tanong ni Andrei sa kaharap habang nakatutok ang baril sa kaniya.

"Mukhang alam mo na ang mangyayari kaya nagpaiwan ka. Totoo nga na hindi kayo basta basta na grupo lang."

"Sagutin mo ang tanong ko! Ano ang kailangan niyo sa'min?!"

"Eh kung ayoko?!"

"Ayon sa pananalita mo. Kilala mo na kami."

"Kung matalino ka, matakot ka na. Huhulihin kita para paaminin."

"Bakit mo nasabi 'yan?"

"Ganito 'yan, nakilala namin ang pangalan ng dalawa sa inyo. Nalaman ko kung saan kayo papunta. Hindi ba palatandaan 'yun na alam na alam na namin na may iba pa kayong pakay."

Naisip ni Andrei na kakampi nga ito ng mga taong humuli sa kanila. Pero hindi siya sigurado kung ito ang pinakamalakas sa grupo. "Kung meron man. Bakit niyo kami pipigilan?" Alam kasi ni Andrei na wala na siyang takas na itanggi pa ang lahat. Ang gusto niyang alamin ay kung bakit alam ng mga ito na may plano sila. Sagabal ang grupo na ito kaya kailangan niyang tuklasin ang lahat. Hindi nila napaghandaan ang tungkol dito kaya kailangan pang umuwi nila Dionne para makuha ang radar.

"Kami ang umaaligid kapag lumalabas si Vince. Hindi kasi pwedeng basta na lang may taong kakausap sa kaniya. Hanggang doon lang ang sasabihin ko tutal mahuhuli na naman kita."

Tinaas ni Andrei ang kamay niya. Naisip niyang hindi siya papatayin ng kaharap niya. Pakay lang nito ang katotohanan. May palatandaan nang ibinigay sa kaniya ang mga ito. Pero hindi siya sigurado sa naisip niya. "Wala na akong magagawa pa. Kaysa mahuli kaming lahat. Magpapahuli na lang ako." Isinakay siya ng lalaki sa kotse habang nakatali siya.

Binalik siya nito sa bahay kung saan sila binihag. Nakita niya uli ang mga nakita niya. Iniwan siya nito sa isang kwarto na walang lalabasan. "Bukas ka na namin tatanungin. Matulog ka na." Sabi ng isa at umalis. Nagtaka si Andrei. Tinignan niya ang buong paligid. Hindi malayong may nakamasid sa kaniya. Hindi din kinuha ang telepono niya. Alam na niya ang dahilan. Para marinig ang pag-uusap nila kung sakali.

-

Umuwi sila sa inuupahan nila at ang device na maliit ay nilagay ni Dionne sa radar na kinuha niya sa bag ni Andrei. Tinignan nila ang layo ng pagitan nila. Bumalik sila sa East at ang kinaroroonan ni Andrei ay sa West. Tinignan nila ang mapa. Nalaman nilang doon din sila dinala kaya nalaman din nilang kakampi ang lalaking humabol sa kanila ng mga humuli nung una. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Steven kay Dionne.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon