76. 15 Million Dollar Bounty

500 7 2
                                    

"Maganda dito sa lugar na 'to. Salamat sa senyora." Puna ni Karen sa kapaligiran. Nasa malaking terrace sila ng isang bahay bakasyunan. Nilabas ni Andrei ang isang blackgem sa bag na nakuha nila. "Ilapag mo sa gitna." Utos ni Karen.

Nakita nila ang kulay itim na maraming sulok na pabilog at kumikinang dahil naiilawan. Kasing laki ito ng isang bolang pangbasketbol. "Ang ganda." Kumento ni Jessica. "Ngayon ko lang siya natitigan."

Nagsalita si Karen. "Si Mr. Ching na may net inome na 30 billion dollar ay nakakuha ng ganito kagandang bato. Bayad sa kaniya ito noong ipagbili niya ang share niya sa isang malaking kompanya sa midle east. Hindi gaanong maasikaso ni Mr. Ching ang negosyo kaya ipinagbili niya ang share niya. Dahil sa pagkakautang ng taong nagmamay-ari ng bato na 'yan ay ibinayad niya na lang. Mahalaga ang bato na 'yan kaya sobra pa itong pangbayad. Ayaw sanang pumayag ni Mr. Ching pero naudyukan siya ng ilang mayayaman na kaalyado niya. Siguro dahil na din sa negosyo na hindi niya maasikaso. Lalaki pa sana ang profits niya pero mas pinili na lang niyang maging kuntento para hindi gaanong sagabal sa sarili niyang negosyo sa bansa niya." Kwento ni Karen sa lahat.

"Mayaman pa pala siya sa taong pinaka-mayaman sa Pilipinas." Sabi naman ni Jessica.

"Siya ang presidente ng kompanya ng isang sikat na alak sa bansa nila. Meron din siyang sariling sundalo na suportado ng world government at isa nga ako noon."

"Kaya ganun ganun na lang ang pagtapon niya ng 20 million dollar sa subastahan, makuha lang ang Great Horn." Sabi ni Kelvin.

"Maliitan lang naman ang subastahan na ginanap. Ang Bilyonaryo na si William Henry Gates na CEO ng software company sa America ay may net income na mahigit kalahating trilyong dolyar ay hindi pag-aaksayahan ang naturang pagkakataon na iyon." Dagdag ni Karen.

"So, parang sinabi mong hindi niya kalevel miski si senyora Claudia?" Tanong ni Jessica.

Tumawa si Karen ng kapiraso. "Hindi na nga sana pag-aaksayahan ng senyora ang event pero nagkaroon siya ng pagkakataon dahil dadalo ako."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Andrei. "Kaya pala hindi umattend si senyora dahil wala siyang balak?"

"Oo."

"Mas mayaman pa siya kay Mr. Ching?" Tanong ni Andrei.

"Wala kayong alam? Doon kayo galing sa bansa niya 'di ba? May earnings siyang 234 billion dollar."

Napanga-nga si Jessica. "Hindi ko akalain 'yun dahil simpleng mansyon lang naman ang bahay niya. Pero..." Naalala ni Jessica ang red carpet at maraming tao na nag-aabang sa kaniya. "Malaki ang mansyon. Hindi ko lang siguro naisip na mas mayaman pa pala siya kaysa sa inaakala ko."

"Sa bansa kung saan tayo nagka-inkwentro ay siya ang kinikilalang pinakamayaman. Mahilig siyang magsuot ng mumurahin na ginto na alahas at pekeng buhok para magmukha siyang pangkaraniwan."

Napatango lang sila sa katotohanan na sinabi ni Karen. "May araw na." Sabi ni Agatha ng mapansin ang liwanag.

"Hintayin natin para makita niyo kapag nasinagan ng araw ang blackgem." Sabi uli ni Karen.

Dumating ang araw at nagsimulang masinagan ang blackgem. Nakita nila na nagkalat ang maliliit na liwanag ng tumama ito sa bato. Nakita nila na ang sumabog na liwanag ay may ugat ugat na kukay itim.

"Ang sinag na 'yan ay hindi mainit. Ayon sa scientist na nag imbento ng black laser ay ang sinag na iyan ang kukunin para makabuo ng panibagong enerhiya. Mas malakas ang araw ay mas malakas na enerhiya. Iipunin ito at ibabala sa naimbentong dark canon. Mula nang maimbento ng allied ang laser canon ay hindi na nila tinigilan na tumuklas kung paano mas palalakasin ang laser canon. Kaya walang laban ang mga pang ilalim ng dagat ng mga soviet kung mabubuo ang sandatang iyan. Miski ang mga sniper ay nakakapatay ng napakalayong distansya ng walang ingay. Ganiyan ka-galing ang makabagong imbento na 'yan. Lahat ng madaanan ng sinag ng laser ay mabubutas."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon