Nakangiti lang si Benedict at David. Binunot ni Steven ang Desert Eagle niya sa pantalon. Kitang kita ito ni Tina at ni Luna.
Kinasa ni Steven ang baril niya at mabilis na itinutok ito sa umaapoy na kotse . Inasinta ang makina ng kotse habang nasa-ere siya dahil tumalon siya pasugod. Nagpaputok ito ng tatlong beses sabay nagpaikot ikot sa pagbagsak galing sa pag dive. Kitang kita ito ng lahat. Sumabog ang kotse at sa lakas ng impact nito ay nasalo ni Tina ang hangin at ang pira piraso ng kotse ay hindi na umabot sa kaniya.
Nakaligtas si Tina. Nakatulala si Luna pagkat hindi siya makapaniwala sa nangyari. Namangha naman si Benedict at David kahit inaasahan na nila ang mangyayari ang nakita nila.
Tumayo si Steven at lumapit si Steven kay Tina. "Hi!" Tanging sabi niya kay Tina at kinalag ang pagkakatali sa kaniya. "Saaaam! Paano mo nagawa 'yun?" Sabi ni Tina. Hindi na sumagot si Steven.
Dinala niya si Tina sa tabi ni Luna. Habang si Luna ay gulat na gulat parin na nakatingin kay Steven. "Umalis na kayo. Magkita na lang tayo sa susunod na bayan, lalabanan ko sila at baka madamay pa kayo. Hindi muna tayo tatawid ng disyerto. Wala silang planong patakasin ako."
"Pero Sam, mag isa ka lang?" Pag-aalala ni Tina. "Kaya mo bang takasan si David?"
"Tina! Siya si Steven." Sabi ni Luna. "At kakambal niya ang nakita natin. Pwede din na siya ang kakambal at ang nakita natin ay ang tunay."
Napapikit si Steven. "Sige na Tina, umalis na kayo!"
"Pero dalawang mabigat na kriminal sila Sam, makakaya mo kaya sila?" Tanong ni Tina.
"Basta magkita tayo sa kabilang bayan, tatakasan ko sila at aalis agad tayo sa lugar na 'to. Hindi pwedeng tumakas tayong tatlo dahil baka puntiryahin nila kayo."
"Umalis na tayo, Tina." Sabi ni Luna at umalis na ang dalawa. Napilitan nang sumama ni Tina.
Humarap si Steven sa kalaban. "Ano, Steven? Mapipilitan ka nang magpahuli sa'min ngayon!" Sabi ni David.
Nilabas ni Steven ang isa pa niyang baril. Balak niyang makipag sabayan sa dalawa. Ang kailangan lang niyang gawin ay lituhin ang kalaban para hindi malaman kung saang lugar siya tatakas. Tumakbo siya habang pinapaputok ang baril niya kaya kumilos narin ang dalawa. Panay ang ilag niya sa mga bala dahil wala namang matataguan. Pupunta siya sa direksyon na may mga gusali. Dalawa sa isa ang laban. Hindi niya matamaan ang dalawa at may mga tauhan pa na tumatakbo habang bumabaril din.
Sa 'di kalayuan ay nakarinig nang nagpuputukan si Luna at Tina kaya napalingon sila. "Luna tulungan natin si Sam!!"
"Tina, sabing hindi nga siya si Sam, nakita mo naman ang ginawa niya kanina 'di ba? Kaya sigurado ako na makakatakas siya, tatawag siya mamaya para alamin kung nasaan tayo. Hindi siya mapapahamak." Sabi ni Luna at nagpapalakas na lang siya ng loob dahil hindi niya rin sigurado kung makakabalik si Steven o tatawagan sila.
Nawala na si Steven sa malawak na lupain papunta sa disyerto kaya may mapapagtaguan na siya. Nagpunta siya sa isang lumang bakod at nagpalit ng magazine ng kanyang baril. Ngunit naramdaman niya sa kabilaan ang kalaban. "Ito na yata ang katapusan ko?" Sabi ni Steven sa sarili niya. Hindi niya akalain na makikilala niya ang dalawang babae kaya hindi niya pinaghandaan ang lahat.
Nilabas niya ang kamay niya sa bakod para barilin ang mga tauhan at iilan din ang tinamaan pero sa kabila naman may lumitaw. Isang sipa ni Benedict ang sumapul sa kaniya kaya napaatras siya. Sumugod ito sa pamamagitan ng mabilis na pag-atake ng suntok at sipa. Inilagan lang ni Steven ang bawat atake sa kaniya hanggang dumating na si David. Napilitan siyang lumaban dahil dalawa na ang umaatake sa kaniya pero may lumabas na nakamotor buhat sa taas na parang galing sa rampahan. Kita ni Steven na lumilipad ang buhok nito kaya nalaman niyang babae ito. Tinanggal ng babae ang kamay niya sa manibela at pinagbabaril ang mga tauhan ni David.
Ubos ang mga bataan ni David at pagbagsak ng motor ay pumunta ito sa lugar nila Benedict. Plano nitong sasagasaan ang dalawa pero umilag sila at tumalon ang babae mula sa motor at gumulong sa lugar ni David at pinaputukan ito ng baril pero nakailag ang mga ito. Binunot ni Benedict ang baril niya sa gilid at pinaputukan naman ang babae. Tumalon papalayo ang babae para makailag. Kinuha ni Steven ang baril niya kaya sabay nilang pinaputukan si David at Benedict. Tumakbo ang dalawa at nagtago. Kampanteng naglakad ang babae papunta sa pinagtataguan ni Benedict at David para barilin ito. Nakatingin lang si Steven sa babae na tila nagtataka.
Kinuha pa ng babae ang isa pa niyang baril. Pinag babaril niya ang pinagtataguan ng dalawa pero lumabas si Benedict para bumaril at tumakbo ang babae para magtago. Nagtago din si Steven at humahanap ng tyempo. Akala niya ay katapusan na niya pero ngayon ay may nagligtas sa kaniya. Hindi pa niya masyado aninag ang mukha ng babae pero wala siyang maisip na magliligtas sa kaniya.
"Tatakas ba tayo?" Tanong ni Benedict kay David.
"Lalaban tayo, sayang ang pagkakataon!"
Hindi nila alam na nakalapit na pala sa kanila ang babae at mabilis na nilabas ang kamay sa pinagtataguan ni David. Pagputok ng baril ay na-ilagan ni David ang bala dahil mabilis si David. Sinipa niya sa mukha ang babae pero nasalag ito at napilitan din na lumaban sa kaniya. Tutulong sana si Benedict pero binaril siya ni Steven.
Kaya bumalik siya. Patuloy parin sa palitan ng atake ang babae at si David. Pero may isa na namang babae ang lumabas at si Benedict naman ang pinuntirya nito. Nalilito na talaga si Steven sa nangyayari dahil hindi niya kilala ang dalawang babae na ito. Ang isa ay naka-uniporme ng pulis at ang isa ay pormal na pantalon ang suot pero nakajacket. Hinayaan niya muna ang dalawang lumaban at nagtago siya muna.
"Kelvin!" Tawag sa kaniya ng isang babae.
Nagtaka si Steven. Napalingon ang isang babae nang marinig ang pangalang Kelvin. Sabay takbo ni David papalayo. "Benedict, tumakas na tayo!" Sabi ni David.
Nakakuha ng pagkakataon na tumakas si David. Pero nasapol ng pangalawang babae si Benedict kaya bumagsak ito at nawalan ng malay.
"Sino ka?" Tanong ng unang babae. Nagulat si Steven dahil hindi pala magkakilala ang dalawang babae.
Hindi sinagot ng pangalawang babae ang tanong ng unang babae. Lumapit ang pangalawang babae kay Steven. "Sabi ko na nga ba nandito ka eh. Tama nga ang hinala ko."
Lumapit na rin ang unang babae at tinignan ito ni Steven. Nakilala ni Steven ang unang babae kaya gulat na gulat siya.
"Steven o Kelvin? Namumukhaan mo ba ako?" Tanong ng unang babae.
"Anak ka ni Damien 'di ba?" Nagulat si Steven. Ang babaing plano niyang puntahan ay nasa harap na niya ngayon.
"Hanggang ngayon ba hindi mo aaminin na ikaw si Kelvin?" Tanong ni Dionne.
"Teka kilala mo rin si Kelvin?" Tanong ng isang babae.
"Bakit? Kaano ano mo si Kelvin?" Tanong ni Dionne sa babae.
"Classmate ko siya nung college at dikit kaming dalawa, ako si Jessica. Kilala niya ako. Kahit itanong mo pa."
"Teka, huwag niyo nang ipilit na ako si Kelvin, aalis na ako salamat sa tulong niyo, ano ang gagawin niyo sa bangkay ni Benedict? Mabigat na kriminal dito 'yan. Asikasuhin niyo ang reward, sayang. Pero huwag niyo ako ituro na ako ang pumatay ah." Masisira ang plano niyang pagpatay sa Ama nito kung sasama siya. Hindi niya kasi inakala na ibang tao na si Dionne.
"Huwag mo nang itanggi, Kelvin. Ngayon wala ka nang takas." Sabi ni Jessica.
"Hindi nga siya si Kelvin dahil nakita ko na siya 5 years ago at inakala ko na siya nga si Kelvin ng mga oras na iyon." Sabi ni Dionne.
Itutuloy ....
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.