PROLOGUE

6K 119 23
                                    

NAKAKARINIG ako ng tunog ng mga kampana. Isang tunog na maganda sa pandinig. Pero saan ba nanggagaling iyon?

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumulaga sa akin ang isang napakalaking pintuan na yari sa kahoy. Mayroon itong mga nakaukit na kakaibang klaseng disenyo. Ang ganitong uri ng pintuan ay matatagpuan lang sa simbahan---

Teka! Nasa simbahan ba ako?

Gusto ko pa sanang mag-isip ng kung ano-ano ngunit nakarinig ako ng isang kanta mula sa piano at violin.

Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous I couldn't speak

Unti-unti nang bumubukas ang malaking pintuan. Nang tuluyan na itong mawala sa harapan ko ay bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha ng mga tao.

Bakit sila nakatingin sa 'kin?


In that very moment

I've found the one and

My life had found its missing piece

Lahat sila ay naka-suit at dress na kulay puti. Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng simbahan habang naglalakad ako papasok ng entrada ng simbahan. Napakaganda! Pinaghalo nito ang kulay ng puti at asul. Napaka-engrande ng kasal. May pa-red carpet pa!

Sino kaya ang ikakasal?

Muli kong ibinalik ang tingin sa mga taong hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Bakit ba sila nakatingin sa akin? Heller! Hindi kaya ako ang bride.

"Smile!" Napahinto tuloy ako sa paglalakad nang magsalita sa gilid ko ang isang photographer na lalaki. "Smile ka naman d'yan. Hindi ka dapat bumubusangot."

Agad naman akong napangiti at nag-pose. "'Ayan! Edi maganda na ulit ang bride." Umalis na siya sa harapan ko.

Bride?

Napalingon ako at hinanap ang bride pero wala akong nakita kundi ang napakahabang belo na umabot hanggang sa labas ng simbahan. Napakunot tuloy ang noo ko. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang belo. At hindi ako makapaniwalang sa akin mismo ito nanggaling.

Ano'ng ibig nitong sabihin?!

So as long as I live I'll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

Muli kong narinig ang napakagandang kanta. Tugtog pangkasal. Ano bang nangyayari?

"Megan."

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Eomma? Appa?" bulalas ko. Nakangiti silang dalawa habang nakatingin sa akin.

Nilapitan nila ako. "You're so beautiful, Megan," proud na proud na sabi ni Eomma sa akin. She has those teary eyes na parang malapit nang bumagsak.

"T-thank you. Pero po... why am I wearing a bridal gown?" naguguluhan kong tanong sa kanila. I don't remember that I decided to wear a bridal gown in all of a sudden.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon