MEGAN
"OPPA!" TAWAG ko sa kaniya.
Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya at hinihintay ako. Nilingon niya ako nang marinig ang tawag ko sa kaniya. Napailing na lang ako nang alisin niya ang sunglasses na suot. Maraming tao dito sa labas at hindi talaga mapipigilang mapatingin sa kaniya ang mga babae na naglalakad. Ang gwapo kasi. Lumapit ako sa kaniya na tumatawa.
"Why are you laughing?" tanong niya sa akin.
Muli akong natawa. "Why am I laughing? Nakatingin sa 'yo lahat ng mga babaeng nadadaanan ka."
Kumunot ang kaniyang noo. "And?"
"You're attracting everyone, oppa," natatawa kong tugon.
Tumingin siya sa paligid niya sabay balik ng tingin sa akin. "Am I? Don't worry, hindi sila mai-inlove sa akin."
"Don't worry? Eh you're handsome kaya and I'm sure pagkakaguluhan ka nila."
"'Wag ka na nga mainggit sa kanila." Nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko, "let's go. Baka nando'n na sina Eomma at Appa sa airport." Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan sa passenger's seat. Sumakay na ako sa kotse niya. Naging tahimik ang buong biyahe. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa airport. Hindi masydong malayo ang airport sa school kaya mabilis kaming nakarating.
"I'm so excited to see them," nagagalak kong gilalas.
Natawa na lang siya sa reaksyon ko. Naghintay kami sa kanila. Maraming tao ang umuwi para sa kanilang pamilya. Galing Korea ang airplane kaya nanggaling Korea sina Eomma at Appa.
"Oppa, is that Eomma and Appa?" tanong ko sa kaniya habang hinihila ang laylayan ng damit niya. Nagmumukha na naman ako nitong bata. Ganito talaga ang isang Megan Artisha Cusieda. Sa tuwing pupunta kami sa airport at may darating na kamag-anak namin, nae-excite ako. Ewan ko ba kung bakit. Naging habit ko na 'yon. I guess this is my other side. Being childish.
Natawa na lang si Oppa sa inasal ko. "Let's go," aya niya sa akin.
Sinalubong namin sina Eomma at Appa na dala-dala ang kanilang mga bagahe.
"Eomma! Appa! Nan dangsin-I geuliwoyo!" bungad ko sa kanila.
"We miss you to, baby girl!" masayang sabi ni Eomma sa akin nang nasa harapan ko na silang dalawa at nakangiti.
"Eomma, it's Megan not baby girl," sabi ko na nagtatampo.
Natawa naman silang tatlo.
"Aga, you're always be our baby girl," oppa said habang pinipigilan niya ang mapatawang muli.
"Urgh! Ang laki ko na para matawag sa gan'yang endearment eh," protesta ko.
"You're just 15 years old and not an adult kaya matatawag ka pa naming baby girl," Appa said.
Nakalabas na kami ng airport. Nagpatulong kami sa mga security guard na ipabuhat ang iba pang bagahe.
"Eomma, bakit ang dami n'yong bagaheng dalawa? Akala ko magbabakasyon lang kayo dito?" taka kong tanong sa kaniya nang makapasok na ako sa loob ng kotse ni Oppa. Nandito na kaming apat sa loob ng kotse.
"Bumili kami sa Seoul ng Appa mo ng mga damit para sa inyo at para na rin sa mga katulong. Pasalubong namin," natutuwang sagot Eomma.
"Hindi mo na dapat ako binili Eomma. Ang dami ko pang damit. Halos bumulwak na ang mga cabinet ko dahil sa sobrang dami ng mga damit ko. Oppa also bought me dresses when he came home here," sabi ko.
"Hayaan mo na, baby girl. Gusto lang ng Eomma mo ang mga damit na binili niya para sa 'yo. She thought that it will suit you," singit naman ni Appa. Magkatabi silang dalawa ni Eomma sa backseat habang ako ay nasa passenger's seat pa rin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Novela JuvenilMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...