BRICE
NAKAKABWISIT! Bakit nga ba siya ang nakasama ko? Nakakainis! Imbes na nananahimik akong kasama siya bigla na lang siyang sisigaw dahil sa hindi ko hawak ang susi. Akala niya kung sino siya na makapanigaw ng wagas. Isa pa 'yong mga nagdatingan niyang mga kaibigang ewan. Lakas ng apog niya na pagsabihan ako na huwag kong sisigawan si Megan eh iyong babae naman na iyon ang nagsimula. Nakakainis!
Nilingon ko siya nang makitang wala na ang dalawa niyang mga asungot na kaibigan. Maigi nga at wala na sila. Ang daming sinasabi. Nabaling ang tingin ko sa kaniyang mukha. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha mula nang banggitin ng Ross na iyon ang pangalan ng ex ng masungit na ito.
Napabuga tuloy ako ng hangin. Don't tell me she's not yet moving on? Ang tagal na nilang hiwalay pero hindi pa rin siya nakaka-move on. Ako nga eh, kaka-break lang namin ng ex ko kahapon pero naka-move on agad ako. 'Ni wala nga akong pake kung nag-break man kami.
"Tama na 'yan. Tara na." Napalingon siya sa akin. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha nang maglakad siya papalapit sa akin.
Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan ng storage room. Kadiliman agad ang sumalubong sa amin. Sa sobrang dilim ay wala akong makita. Humakbang ako ng isa papasok sa loob para kapain sa gilid ng pader ang switch ng ilaw.
'Asa'n na ba kasi 'yong switch?
Kinapa ko nang kinapa ang gilid ng pader pero wala akong makapang switch. Don't tell me, walang ilaw dito. Impossible! Napatingin ulit ako sa loob. Napalunok tuloy ako ng laway nang makitang muli ang sobrang dilim na loob ng storage room.
"Hoy."
"Oh, sh*t!" Napatalon bigla ako ng dahil sa gulat at hindi sinasadyang makapasok nang tuluyan sa loob. Bumagsak pa ako sa sahig.
HOLLY SH*T! Mamamatay ako ng maaga ng dahil sa babeng ito.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa bwisit na gumulat sa akin. Nakita kong nanlaki rin ang mata niya nang tumingin siya sa akin. Akala ko pa naman tatawa na siya. Bakas rin sa mukha niya ang pagtataka.
Nagulat rin ba siya?
"B-bakit ka nand'yan?" nanginginig kong tanong sa kaniya.
"Papasok na ba ako?" tanong naman niya sa akin.
"A-ah eh... p-pakibukas ng i-ilaw," kinakabahan at nanginginig kong pakiusap sa kaniya.
Fvck! It's so dark in here and I can't see anything! Bakla na kung bakla pero takot talaga ako! Hindi ko tuloy alam kung ano ang meron dito.
"Psh. Okay," wala sa mood niyang tugon.
Nakita ko siyang kinakapa sa kabilang dingding ang switch ng ilaw. Kinakabahan pa rin ako pero agad din iyong nawala nang may marinig akong nag-click hanggang sa nilamon na ng liwanag ang buong kwarto. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Oh, ano takot ka pa?" masungit niyang tanong sa akin.
"A-ako? Takot? Hehehe... 'yan? Hinding-hindi ko 'yan idedeny. Takot talaga ako. Ayoko sa masyadong madilim eh," sabi ko at tinulungan ang sariling makatayo. Pinagpag ko ang aking damit at inayos ang sarili.
"Confident na confident ka naman sa saril mo eh, 'no? Ayaw ideny? Pati noo pinagpapawisan." Tipid siyang natawa at pumasok na rin papalapit sa akin.
Ako? Pinagpapawisan?
Hinawakan ko naman ang aking noo at nakapang basa ito. Basang-basa pala ako ng pawis.
Napatingin ako sa kaniya nang makitang pinagmamasdan na niya ang buong storage room. "Tss. Akin na nga 'yan," sabi ko at inilahad ko pa ang kanang kamay ko sa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...