BRICE
"OKAY, CLASS dismiss." Nagsimula nang ligpitin ng last teacher namin ang mga gamit niya at lumabas ng room.
Hindi pa ako tumayo at pinanuod na magligpit ang babaeng nasa unahan ko. 'Ni hindi man lang niya napansin ang pagtitig ko sa kaniya. Hanggang sa pagkausap niya sa kaniyang dalawang kaibigan ay nakatingin pa rin ako sa kaniya.
I don't know why I'm doing this but I'm enjoying it.
Mas naunang lumabas ang dalawa niyang kaibigan. Nang lumingon siya ay dumiretso ang kaniyang tingin sa akin at pinandilatan ako. Napaayos tuloy ako ng upo.
"What?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Tss." Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ko at agad na sinakbit ito. Binilisan ko ang paglalakad para makahabol sa kaniya. Medyo malayo na siya nang maabutan ko.
"Hey," nakangiting bati ko sa kaniya.
"Tss. Hey your face." Sabay irap niya.
"I'm saying Hi to you so, no. Not to my face."
Muli pa siyang umirap.
"Kapag umirap ka ulit, magiging duling na ang mga mata mo."
Bigla siyang natigilan. "Hu-what?!"
I chuckled. "Joke. I'm just kidding."
Inis na tinignan naman niya ako sa mukha. "Pwede ba, 'wag ako ang guluhin mo. Find a sexy and pretty woman who can flirt with you." Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Muli ko siyang sinabayan sa paglalakad. "So, you're not sexy and pretty?"
Agad siyang huminto at inis na tinignan ako. "Excuse me?" tumaas ang tono ng kaniyang boses, halatang na-offend.
"Bakit?" Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi ba?" Ngumisi pa ako.
"Bwisit!" Nakuha pa niya akong irapan bago umalis.
Hindi naman ako nagpapigil kaya sinundan ko ulit siya at hindi tinigilan.
"Congrats nga pala sa 'tin, ah."
Kumunot ang noo niya. "For what?" halata sa tono ang inis.
"Dahil pareho tayong peace officer. Sikat na talaga tayo."
"Eww ah! Kung gusto mong sumikat, magpasikat ka. Kung gusto mo pumunta ka pa sa Showtime para lalo kang sumikat."
Ngumisi ako. "Oo ba. Sama ka?"
"Wala akong panahon sa 'yo." Huminto siya nang makarating kami sa parking lot. "Nasa'n na ba kasi s'ya?" mahina lang 'yon pero narinig ko pa. Nagpalinga-linga siya sa paligid.
I think he's waiting for her boyfriend.
Naghintay pa siya ng ilang minuto. Pabalik-balik pa nga ang tingin niya sa suot na wrist watch maski ako ay napapatingin na rin sa wrist watch ko. Pero wala pa ring dumarating.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...