Part 82

723 18 0
                                    

BRICE

HALOS WALA nang tao sa classroom na ito. Lahat sila ay umalis at lumabas. May isa nga na inaaya pa akong mag-billiard pero ni-reject ko lang. Hindi kasi ako mahilig sa billiard.

Mag-isa lang ako dito sa classroom. Hinihintay ko ang pagdating niya. Tanghali na at hindi pa ako kumakain. Gusto ko talaga siyang makausap. Naghintay ako sa upuan ko at tumingin sa bintana. Sana makita ko kaagad siya. Patingin-tingin ako wrist watch ko. 12:49 pm na pero wala pa rin sya. Napagpasyahan kong sumandal na lang sa pader sa tabi ng pintuan para mabilisan ko siyang makikita. Naka-cross arm pa ako habang nakasandal.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag.

Sana siya na ito.

Hinintay ko ang pagpasok ng paa ng taong papasok sa classroom namin. At nang makita ko na ang mga paa niya ay kaagad kong hinigit ang braso niya.

"Megan." Dinala ko siya sa gilid ng pinto kung saan kanina ako nakasandal. Aksidente ko siyang naisandal sa pader habang ako naman ay nasa ibabaw niya.

"B-brice?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang mapaharap siya sa akin.

"Ako nga."

"B-bakit?" nauutal niyang tanong habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya.

"A-ano... kakausapin sana kita." Hindi ko maapuhap ang tamang salita.

Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Pinag-aralan ang kabuuan niya. Bakit ba sobrang ganda niya? Sa bawat araw na nakikita at nakakasama ko siya, mas lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit may pasa ka sa leeg mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya nang makita ko ang pasa sa kaniyang leeg. Natatabunan iyon ng collar ng blouse niya pero hindi iyon nakalampas sa aking mapanuring mga mata. In-explore pa ng aking mga mata ang kaniyang mga braso. May pasa rin ito. May bakas rin ng mga sugat sa mukha niya.

"A-ah wala lang 'to." Siya na ang kumawala mula sa pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. Mabilis at maliksi lang siyang nakaalis sa harapan ko na ikinamangha ko naman. Dumiretso siya sa upuan niya at inilapag ang kaniyang gamit.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Humarap siya sa akin at ngumiti na parang may nakakatawa sa sinabi ko. "Oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?" Umupo siya sa armchair ng kaniyang upuan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Sina Mindie at Tadia?" tanong ko. Baka kasi nandito lang sila sa paligid at pinapanuod lang kami.

"'Wag kang mag-alala. Wala sila dito. Nando'n pa sa Mall. Busy mag-shopping," sagot niya.

"Ah. So, ano ngang nangyari sa 'yo? Bakit ang dami mong pasa? Binugbog ka ba?" tanong ko habang nakasandal pa rin sa pader. Pinilit kong hindi magtunog nag-aalala. To be honest, there's nothing to get worried in this girl.

Tinignan niya ang kaniyang mga sugat isa-isa. "Ha? Wala lang 'to. Katangahan lang. Kumain ka na?" pag-iiba niya sa usapan.

Umiling ako.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "What? Malapit nang mag-1:00 pm and you're not still eating? Ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Umayos ka ng tayo" istrikto niyang utos sa akin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Ano'ng bakit? Pupunta tayong cafeteria. Kakain ka," matapang niyang utos sa akin.

"Hindi ako gutom," sagot ko. Ayokomg kumain. Wala akong gana.

"Pakealam ko kung hindi ka gutom. Basta kakain ka sa ayaw at sa gusto mo," pagtataray niya sa akin.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon