Part 25

962 42 1
                                    

MEGAN


"YOU'RE 40 minutes late."

Hindi ko natuloy ang paglalakad nang marinig ko ang baritono ngunit malamig na boses na iyon. Feeling ko tuloy lumamig bigla dito.

"Where have you been?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Napahinto lang ako sa paghahanap nang makita ko siya sa may pader ng guard house. Nakasandal siya doon habang naka-cross arm.

"Pinaghintay mo ako!" sigaw niya sa akin. Nabigla tuloy ako. Feeling ko tuloy nabingi ako sa lakas ng boses niya.

Napabuga ako ng hangin. "Pwede, 'wag kang sumigaw," mahinahon kong pakiusap sa kaniya. Binigyan niya ako ng masamang tingin nang tignan ko siya. "Oh, ba't gan'yan ka makatingin sa akin? Hindi mo ako matatakot d'yan sa titig mong 'yan, 'no. Tusukin ko pa 'yan eh," gigil kong singhal sa kaniya. Nagiging highbloodin na ang bwisit na 'to.

'Wag na 'wag niya akong gagan'yanin. Kundi, naku! Kanina ko pa 'yon nagawa. Hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yon.

Bigla siyang natahimik. Oh, umatras na ba dila nito? Hindi na siya nakapagsalita matapos ng sinabi ko. Palihim akong napangisi.

"Are you just going to stand there? I thought we're going to practice at your house?" Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin.

Hindi ko tuloy napigilang pagmasdan ang kaniyang kabuuan. He's wearing a navy blue v-neck long sleeve sweater and white short na hanggang tuhod. Tinernuhan pa niya ito ng blue rubber shoes. Teka. Malamig ba ngayon? Maliban doon ay sakbit-sakbit din niya sa kanang balikat ang isang gitara na nasa lagayan pa nito. Mukha na siyang gitarista sa ayos niya.

"Hey. Are you just going to stare at me?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"A-ako? Tinititigan ka?" sarastiko akong natawa. "Of course not. Kapal ah. Hindi ka kagwapuhan, Mr. Playboy so, 'wag kang mag-assume na tinititigan kita."

"Okay. Okay. Fine. Ang daming dada. So, what now? Aalis pa ba tayo o hindi?" naiinip niyang tanong sa akin.

"Dali-dali? Easy, okay? Nasa'n na ba ang kotse mo at nang makaalis na tayo?"

"Wait? My car? Akala ko ba nag-usap na tayo na susunduin mo ako dito? So, dapat gamit natin ang car mo."

Bahagya akong natawa. "Nagpapatawa ka ba? Wala akong sinabi na dala ko ang car ko at doon kita pasasakayin. May car ka, diba? Bakit 'di na lang 'yon ang gamitin natin?"

Napabuga siya ng hangin. "Hindi ko dala ang car ko. Pina-car wash ko."

Seriously? Problema ba ng mga kotse ngayon? 'Yong car ko sira, inaayos pa. 'Yong car naman niya pinapa-car wash.

"Where's yours?" tanong niya sa akin.

Katulad niya ay napabuga rin ako ng hangin. "Nakita mo namang nag-trysikel lang ako, 'no? So meaning, wala din ang car ko kasi nasira siya. Inaayos pa ng driver ko."

Marahas siyang napabuga ng hangin. "So, where are we going to ride? Nag-jeep lang ako."

Kumurba ang aking labi. "Talaga? Nag-jeep ka? How's the experience?" na-e-excite kong tanong sa kaniya.

Napakunot naman siya ng noo. "Why did you ask? Syempre mainit at masikip. Naiinis akong sumakay sa jeep." Bakas sa mukha niya ang pagkainis.

"Feeling ko naman masayang sumakay sa jeep. Hindi mo lang nafi-feel."

"Eh bakit ikaw, nakayanan mo bang sumakay sa trysikel na mag-isa tapos mainit dahil walang aircon tapos maingay rin at maliit?" tanong niya sa akin.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon