Part 74

702 27 5
                                    

MEGAN

"YOU'RE BEING sweet to him. Don't you know that?" Itinigil ko muna ang aking ginagawa nang makarating na siya sa harapan ko at nakataas ang kanang kilay na tinignan ako.

"Ikaw pala," pansin ko sa kaniya.

"Bakit ka biglang lumayo sa kaniya? Akala ko ba napakabait mo sa kaniya?" nagtataray niyang tanong sa akin.

Umayos ako ng postura. "Bakit naman ako magiging mabait sa kaniya?"

"Dahil bilang isang girlfriend ka niya dapat mabait ka sa boyfriend mo." Mukhang hinahanapan na niya ako ng butas ah.

Taas-noo ko na siyang hinarap. "Hindi naman sa lahat ng bagay ay mabait dapat tayo sa ating boyfriend. Kapag kasi sumobra tayo sa kabaitan, sinasamantala nila iyon. Doon nila tayo sinasaktan. They can find an easy way to hurt us," sabi ko para mapagtakpan ang sinagot ko kanina.

Tumiklop naman ang labi niya ng dahil sa sinabi ko. "Mukhang nakukuha mo na ang loob niya," aniya matapos matigilan ng ilang sandali.

"Bakit may hawak ba akong kutsilyo para makuha ko ang loob niya?" pamimilosopo ko.

"Don't be such a philosopher. I'm talking to you seriously."

"Ows, talaga ba? Kung kakausapin mo ako ng seryoso 'wag sa lugar na ito kung saan marami ang makakasaksi at baka ka mapahiya sa aking mga sinasabi. 'Wag rin ngayon dahil oras ngayon ng paglilinis baka igaya kita sa ex mo na isusumbong ko na sa teacher dahil dinadaldal ako," pananakot ko sa kaniya.

"B*tch!" nangangalaiti niyang asik sa akin sabay alis sa aking harapan.

Napabuga naman ako ng hangin. "At ako pa talaga ang b*tch. Sapakin ko siya eh. Eh kung ipamukha ko kaya sa kaniya kung sino ang b*tch sa aming dalawa. Sobrang lapit lang ng beach baka gusto pa niyang lunurin ko siya doon at magsama sila ng ex niya. Mga bwisit! Sandali! Nagiging corny na ako ah. Fudge!" Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis at siniguradong walang makakalapit sa akin. Babalik na lang ako sa pagiging masungit kung ganito lang ang mapapala ko.

"Want some drinks?" Bigla na ang nag-appear sa harapan ko ang madaldal na playboy na ito matapos ang ilang oras na pagwawalis ko. Umakto na lang ako na walang naririnig at umiwas ng lilinisan. Alam na oras ng paglilinis tapos iinom.

"Hey. Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo ba ng maiinom?" pangungulit niya sa akin.

Hindi ako kumibo. Isipin mo na lang na multo siya.

Nagulat ako nang muli na naman siyang sumulpot sa harapan ko.

"Hindi mo nga ako pinapansin," sigurado niyang ani. "Tinatanong ka lang kung gusto mo ng uminom eh." Nakuha pa niyang kumamot sa batok niya habang nakatingin sa akin. Gusto kong ngumiti dahil ang cute niya. Ay shocks! No!

"Pwede ba?! Naglilinis ako! At isa pa, oras ngayon ng paglilinis at hindi pagkain," inis kong singhal sa kaniya.

"Pero oras na ng pamamahinga. At alam kong pagod ka na. Bakit mo ba ako sinusungitan?" nanghina ang boses niya.

"Pwede ba, Mr. Playboy, alam kong gutom ka pero 'wag mo 'ko pakealaman. Hindi ako gutom. At kung ayaw mo pa masungitan, umalis ka sa harapan ko at 'wag mo ako guluhin!" bulyaw ko sa kaniya.

Kaagad siyang umalis sa aking harapan. Mabuti't nakinig ka rin. Kailangan pang sigawan ka eh.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon