BRICE
NARAMDAMAN KO ang pilit niyang pagpupumiglas mula sa pagkakahawak ko ng kaniyang kamay. Pero kahit ano'ng gawin niya, hindi ko siya binitawan. Parang ayaw siyang pakawalan ng aking mga kamay.
Dito ka lang, Megan.
"Ang sabi ko, bitawan mo ako" inis niyang utos sa akin.
Pero hindi ko siya pinansin. Nanatiling nakatitig ako sa taong nakatayo sa harapan ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatitig sa kaniyang napakagandang mga mata na dalawang taon ko ring hindi nakita. Kahit ayokong titigan siya, hindi ko pa rin mapigilan. I really miss her beautiful face. Fvck! I never thought that I fell in love to this girl.
Nabigla ako nang bigla siyang maglakad papalapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay pinapakaba nito ang puso ko na kanina pa gustong umalpas sa loob ng katawan ko.
"Hoy. Bakit ka ba nakatulala?" nagsalita na naman siya. Pero parang napipi yata ako dahil parang may humigit sa dila ko para hindi siya kausapin o matignan man lang.
Unti-unti pa siyang naglakad papalapit sa akin. Hindi siguro napapansin ni Ms. Masungit na nilalapitan ako ng babaeng nasa harapan ko dahil hindi pa siya tapos komprontahin ako.
"Bitawan mo kamay ko kundi makakatikim ka na naman ng isang sapak galing sa akin. Dadalhin mo ako dito sa hallway tapos para kang tanga d'yan. Alis! At babalik na ko ng room!" sabi pa niya.
Kasalanan ko 'to eh! Dapat hindi ko na lang siya hinigit at dinala dito. Ano nga bang pumasok sa isipan ko?!
Nabigla ako nang bigla niyang higitin ang kamay niya mula sa kamay ko na naging sanhi ng pagkaalpas niya mula sa akin. Naramdaman ko na lang na paalis na siya sa tabi ko. Doon na ako natauhan at mabilis siyang nilingon. Nang nakatalikod na siya ay agad kong hinablot ang isa niyang kamay at mabilis na hinila. Napahinto tuloy siya sa paglalakad na dapat ay gagawin niya.
"What?!" inis niyang asik nang hinarap niya ako.
"Don't... leave me," buong pagmamakaawa ko sa kaniya.
Nangunot tuloy ang noo niya. "Huh?" nagtaka pa siya sa sinabi ko.
"Just don't... leave me," pakiusap ko sa kaniya.
"Acke...."
Mariin akong napapikit nang marinig kong tinatawag niya ang first name ko. Bakit? Nang nagmulat ako ng mga mata ay sumalubong sa akin ang nagtatakang tingin sa akin ni Ms. Masungit.
"May tao ba sa likod mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Napalunok tuloy ako ng laway ng dahil sa sinabi niya.
"Acke!" Narinig ko tuloy ang masaya niyang tawag sa akin. Lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang bigla niyang hawakan ang kabila kong braso.
Lumunok ulit ako ng laway at dahan-dahan ko siyang hinarap habang hawak ko ang kamay ni Ms. Masungit. Nasilayan ko ang maganda niyang ngiti. Ang maganda niyang mukha. Ibinaba ko ang aking paningin sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.
"Let go," mariin kong utos sa kaniya.
"W-what?" Nangunot naman ang noo niya at nawala ang ngiti na kanina ay sumilay sa kaniyang labi.
"I said let go of my hand," matapang kong utos.
"Acke---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang ako na ang kusang nag-alis ng kamay niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...