Part 45

872 22 0
                                    

MINDIE

HALOS MALOKA na kami sa kakaasikaso sa mga nakapila sa aming movie booth. Mahaba-haba pa ang pila kaya paniguradong mahihirapan kami. Patok kasi ngayon ang movie booth namin kaya marami ang tao. And I'm so haggard right now na.

"Huy, okay ka lang ba d'yan?" tanong sa akin ni Tadia na nakisiksik pa sa tabi ko. Nakatayo kami ngayon sa stand na tinayo namin. Kami ngayon ang naatasang mamigay ng tickets.

Inis na tinignan ko siya. "Tad, ang init na nga nakikisiksik ka pa. And besides, hindi kaya ako okay. Kita mo naman kung ga'no ka-haggard ang fess ko, diba?" maarte kong reklamo sa kaniya.

"Che!" Inirapan pa niya ako. "Huwag mo nga akong artehan! Sunugin ko 'yang nguso mo eh!" inis na sabi niya sa akin.

"Uy, grabe s'ya! Mag-intindi ka na nga lang ng mga taong nakapila. Nakita mo namang ang rami ng tao eh," utos ko sa kaniya.

"Eh, kung tawagin mo kaya si Isha at nang matulungan n'ya tayo dito hindi 'yong tayo lang ang naghihirap."

"Oh, sige. Kanina ko pa 'yon hinahanap eh. Ang sabi nandito daw s'ya pero wala naman eh," sabi ko at kuinuha ang aking phone mula sa bulsa ng aking pantalon.

"Eh baka naman nag-CR," sagot niya.

"Ano 'yon, kinain na ng CR? Ang tagal niyang dumating ha." Dinial ko na ang phone number niya.

"The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later."

Nakagat ko tuloy ang ibabang labi nang marinig iyon.

"Oh, ano daw?" tanong niya sa akin. Ibinaba ko na ang cellphone at napapahiyang tumingin sa kaniya.

"Nakapatay eh. Sorry."

"Ayos lang. Baka busy. Tara na. May iintindihin pa tayo eh."

Marami na talaga ang tao kaya kailangan naming intindihin ang lahat. Iyong iba naming classmates ay nag-eenjoy na. Kami-kami lang na mga officers ng room ang nag-iintindi. Pareho kaming officers ni Tadia kaya malaki ang responsibilidad namin na tulungan sila. Atsaka, nakapag-enjoy naman na kami kaya kami naman ang mag-aasikaso ng booth.

Ako ang nag-iintindi ng mga taong bibili ng ticket para sa buong maghapon. May ticket kasing pang 8:00 hanggang 9:00 then may 9:30 hanggang 10:30 naman at may 11:00 naman hanggang 12:00. Lahat ng ito ay pang-umaga. May isa pa akong katulong at talagang nagpapasalamat ako dahil hindi lang ako ang naghihirap ng ganito. Kapag talaga nakita ko si Isha papatayin ko 'yon sa pagiging haggard. Si Tadia naman ay nag-aasikaso sa mga taong papasok sa loob. Pinapanatili niyang hindi nagsisiksikan at hindi nagkakaguluhan. Halos lahat ay babae ang nakapila. Hilig talaga nila nito, eh 'no? May iba namang by partners. Mag-couple 'yong iba.

Ang sweeeeeeet naman! Kainggit! Sana kasama kong manuod ng movie si Ross. Eeehhhh.... kinikilig ako!

Hays, nasa'n na kaya si Isha? Sino ang kasama niya ngayon? Kung wala man siya dito sa booth, baka nag-e-enjoy na 'yon mag-isa. Well, tutal nakapag-enjoy naman na kami kanina, dapat lang talaga na kami naman ang umasikaso ng booth na ito. At mukhang tumulong naman na siya kanina dito kaya siguro dapat hayaan na lang namin siya na wala dito tutal naman tumulong na siya dito.

Dapat lang talaga na mag-enjoy siya kahit ngayong Intrams. Madami na rin kasi siyang napagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Nag-break sila ni Kurt, nadamay pa siya sa problema ni Tadia na na-solve naman na, at marami pang bagay na alam kong ikinagugulo ng isip niya. At alam ko, sa kabila ng pagiging masiyahin niya sa tuwing kasama niya kami, alam kong may mga nakatagong lungkot doon. Hindi man niya ipakita, nararamdman ko pa rin. Baka nga hindi lang ako ang nakakapansin, baka sina Tadia at Yhong rin. Feeling ko hindi ko nagampanan ang pagiging kaibigan ko kay Isha. Ni hindi ko man lang siya matanong kung okay lang ba siya. Ayoko din naman kasing banggitin si Kurt dahil ayaw niya at alam kong masasaktan lang din naman siya.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon