MEGAN
KAHIT NA kahapon ay parang feeling ko ang lungkot-lungkot ng buhay ko dahil nga parang may nagbago kay Kurt, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Siguro nga ay baka mali ako ng iniisip. Ayoko talagang mag-isip. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko naitanong sa kaniya kahapon ang tungkol sa babaeng kausap niya noong nakaraang araw.Napabuga tuloy ako ng hangin.
"Any prob?"
Napalingon ako sa kasabay ko habang naglalakad sa hallway. Napaikot tuloy ako ng mga mata nang makita siya.
"Ano na naman ba?" inis kong sabi sa kaniya.
"Woah! I'm not here for an argument. I'm just asking."
"Tss. Wala kang pake kung may problema ako o wala."
"Sungit," bulong niya pero sapat na para marinig ko.
Inis naman na huminto ako sa paglalakad at hinarap siya ng may nanlilisik na mga mata. "Ano bang problema mo, ha?!"
"Wait. I'm the one who ask you first so ikaw muna."
Inis na kinagat ko ang ibaba kong labi. "Ang sabi ko, ano bang problema mo sa 'kin at lagi ka na lang nanggugulo?"
"Ikaw kaya ang may problema. Hindi mo pa nga sinasabi sa akin ang problema mo kaya hindi ko rin sasabihin ang problema ko."
"Ay ewan! Bwisit!"
Nakita ko pa siyang ngumisi bago ko siya tinalikuran at iwan sa gitna ng hallway.
Bahala s'ya sa buhay n'ya! Ang gulo-gulo niyang kausap. Bwisit!
Pagkarating sa room ay hindi pa masyadong marami ang mga kaklase kong nandoon. Si Ashley pa lang ang nasa linya namin. Wala pa 'yong dalawa kong kaibigan.
Pagkatapos kasi naming magtawanan at magkwentuhan sa hideout ay nag-training pa kaming tatlo. Nagkwentuhan ulit kami ng kung ano-anong bagay.
Nang makita ko sa gilid ng aking mga mata si Brice na papalapit na sa akin ay mabilis akong dumiretso sa upuan ko at naupo.
Nginitian naman ako ni Ashley. "Hi!" Napatingin siya sa likuran ko. "Uy! Sabay kayo?"
Maski ako ay napalingon. Nakatayo sa tapat ng linya namin si Brice. Nakangisi pa ang gago. Inirapan ko naman siya.
Tumingin na ako kay Ashley. "Hindi, 'no."
Napanguso naman si Ashley pero tumingin kay Brice na naupo na sa upuang nasa likuran ko.
"Hi, Brice!" bati niya rito.
"Hi, Ashley." Nakita ko namang ngumiti ang gago sa kaniya.
Halos mamilipit naman sa kilig si Ashley.
"Have you already eat breakfast?" malambing na tanong ng playboy sa seatmate ko.
"Ahm... Oo eh."
"Ow, sayang."
Aww... Kawawa naman. Hahaha.
Mahina kong siniko si Ashley. Nabaling naman ang tingin niya sa akin, nagtataka.
Lumapit ako sa kaniya. "H'wag kang papaloko sa lalaki na 'yan. Napaka-playboy," bulong ko para hindi kami marinig ni Brice.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang marinig iyon mula sa akin. "Ha? Pa'no mo naman nasabing..." bigla niyang hininaan ang boses, "...playboy s'ya?"
"Hay naku! Hindi ba halata? Sigurado akong marami na s'yang napaglaruang babae."
Mahina niya akong pinalo sa braso. "Huy, baka naman hindi. Mukha naman siyang good boy eh." Napangiti pa siya na parang kinikilig. "Ang gwapo nga n'ya eh."
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...