Part 69

819 23 26
                                    

MEGAN

KAAGAD AKONG bumagsak sa kama ko at nahiga. Hindi ko pa nahuhubad ang uniform kong suot at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Pinag-iisipan ko ang magandang balita na ibinalita ng aming A.P teacher sa amin kanina.

Bigla-biglaan kasi ang pag-a-announce ni Miss Vega kaya hindi ko pa masyado maipasok sa isipan ko ang sinabi niya. Nasa lalim ako ng pag-iisip ko nang may biglang kumatok sa pintuan ko dahilan para bahagya akong magulat. Kaagad akong napabangon at napaayos ng upo. Inayos ko pa ang sarili ko.

"Come in," sabi ko dito.

Bumukas ang pinto ng kwarto at talagang napaayos ako ng upo dahil si Oppa pala iyon.

"Ah, Oppa," nakangiti kong bati sa kaniya.

"Hi, Aga," nakangiti niya ring bati sa akin at sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Matapos niyon ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Bigla niyang pinisil ang magkabila kong pisnge. Nabigla ako dahil sa  ginawa niya.

"Oppa! Bakit mo iyon ginawa?" maktol ko at hinawakan ang magkabila kong pisnge. Ramdam na ramdam ko ang pang-iinit ng pisnge ko. Binigyan ko ng masamang tingin si Oppa.

Tumawa lang siya. Gusto kong ngumiti dahil ang gwapo ng pagkakatawa niya. Pero dahil sa naiinis ako sa kaniya dahil pinisil niya nang sobra ang magkabila kong pisnge, hindi na lang ako ngumiti o nakitawa man lang.

"Sorry, Aga. Na-cute-an lang ako sa pisnge mo at nami-miss ko lang ang presensya mo kaya pinisil ko ang magkabila mong pisnge." Tumawa pa siya kaya nawala ang kaniyang mga mata. Iba talaga kapag singkit.

"Pero hindi 'yon nakakatawa, oppa. Ang sakit-sakit kaya," mangiyak-ngiyak kong untag.

"Sorry na, Aga. Alam mo namang love na love kita." Sabay yakap niya sa akin. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at hinigpitan ang pagkakayakap.

"Mahal na mahal mo ako kaya sinasaktan mo na lang ako," nakanguso kong sabi habang yakap-yakap niya ako.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mukha. "Hindi, Aga, ah. Mahal na mahal kita at panlalambing ko lang 'yon sa 'yo."

Napaismid ako. "Tss. Oo na. Tama na sa mga kasinungalingan mong hindi ko naman paniniwalaan."

"At bakit hindi ka naman maniniwala sa akin?"

"Dahil gumawa ka ng isang bagay na hindi ko talaga matanggap." Pagtutukoy ko sa arrange marriage ko.

Biglang bumagsak ang kaniyang mga balikat at bumuntong-hininga  "Aga, ibabalik mo na naman ba?"

Lalong tumulis ang nguso ko. "Oppa, naman kasi. Hindi basta-basta mawawala sa isipan ko ang lahat ng nalaman ko. Ikaw ba naman ang ipakasal sa iba na wala ka man lang kaalam-alam. Ano ang mararamdaman mo?" tanong ko sa kaniya.

Muli siyang bumuga ng hangin na parang ayaw niyang pag-usapan ang sinabi niya noon.

"Katulad mo ay nasasaktan rin ako. Parehas lang tayo ng nararamdaman. Pero wala na tayong magagawa dahil iyon na ang nakatakda." Tinitigan niya ako na parang nangungusap ang mga mata na intindihin at tanggapin ko na lang ang katotohan.

Nangunot ang aking noo. "Ano bang ibig mong sabihin na 'nakatakda'? Wala akong naiintidihan sa word na 'yon."

"Simula pa sa una ay napag-usapan na nga nina Hal-abeoji at Halmeoni ang tungkol sa kasalang magaganap. Hindi man iyon naganap nang ipinanganak kayong dalawa pero sa takdang panahon, kapag nagkita na kayo at nagkatagpo na ay magaganap na ang kasal," paliwanag niya.

"Agad-agad? Kapag nagkita na pala kami ng unknown guy na 'yon ay kasal na kaagad ang magaganap?" Tumango naman siya sa tanong ko. "Oh my! Bakit ba nangyayari sa akin ito? Nakakainis!" Nasapo ko ang sarilimg noo.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon