Part 22

1.1K 38 1
                                    

MEGAN

SUMUKO NA rin ako sa thought na akala ko mababago ko pa rin ang katotohanang partner ko si Brice. Nakaka-frustrate din kasi. Sa dinarami-rami ba naman na pwedeng maging partner, bakit siya pa?

Thirty kaming lahat at malaki ang posobilidad na iba ang magiging partner ko pero bakit naging siya pa? Nakakabaliw! At mukhang mababaliw lang ako kapag inisip ko pa 'yon.

"Hoy. Okay ka lang?" puna sa akin ni Tadia. Tumusok pa siya sa kinakaing vegetable salad. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng lunch.

Napabuntong-hininga tuloy ako. "Naku! 'Di 'yan okay, Tadia. Kilala mo naman 'yang si Isha. Kapag may hindi nagustuhang bagay na nalaman, magpoproblema siya ng sobra." Tumingin sa kin si Mindie. "Diba, tama ako, girl?" tanong sa akin ni Mindie.

Nag-thumbs up naman ako bilang tugon.

"Pinoproblema mo 'yong sa inyo ni Brice?" nagtatakang tanong ni Tadia.

"Absolutely!" si Mindie na ang sumagot para sa akin.

"Teka nga, Mindie. Bakit ba ikaw nang ikaw ang sumasagot? Ikaw ba si Isha?" pigil ang inis na sabi ni Tadia sa kaniya.

"Oh, galit much? Eh sa ayaw ni Isha magsalita eh. At gets ko naman kaya ako na ang sumasagot."

"Pero hindi ikaw ang kausap ko."

"Hindi nga ako pero dapat hindi ka na nagtatanong kasi obvious naman na ang problema niyang si Isha."

Heto na naman ang dalawa, nagbabangayan. Dinampot ko ang aking tinidor at tinatamad na tumusok ng gulay mula sa kinakain ni Tadia.

"Bakit gulay ang trip mo ngayon, Tadia?" Pareho tuloy silang natigilan sa tinanong ko. Isinubo ko ito at nginuya. "Oh, bakit?" kunot-noong tanong ko sa kanila nang titigan lang nila ako.

"Bakit nga ba gulay ang kinakain mo ngayon? In a diet lang ang peg?" tanong din ni Mindie sa kaniya.

Inilapit naman niya sa akin ang plato niyang may lamang vegetable salad. "Vegetarian ka na 'ata ngayon," sabi ko.

"'Di ah. Gusto ko lang talaga kumain ng vegetable salad. May masama na ba do'n?" aniya.

"Hmm.... wala naman." Napatingin sa akin si Mindie. "Gusto mo din n'yan, Isha?" tanong niya sa akin habang kumakain ng binili niyang pagkain.

"Gusto ko lang tikman." Ibinalik ko na ang buong atensyon sa kinakain. "Ano nga palang task ninyo?" tanong ko sa kanila habang kumakain.

"Ah, sasayaw kami. Diba, Tadia?" may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

"Ah. May naisip na kayong sasayawin?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan  silang dalawa at muling binalik sa akin ang tingin. "Wala pa eh. Pero mahaba pa naman ang panahon na gugugulin. Marami pa kaming time makapag-practice ng sayaw," ani Mindie.

"Eh kayo ni Brice? Ano sa inyo?" tanong naman sa akin ni Tadia.

Napabusangot tuloy ako. "Pwede, 'wag n'yo na muna s'yang babanggitin. Naiinis ako sa kaniya."

Bahagya namang natawa si Mindie. "Gigil na gigil talaga eh, 'no. Swerte mo nga at partner mo s'ya. Kung pwede lang talaga---" Hindi na niya tinuloy pa ang sinasabi at nakangiting tumingin sa kawalan.

Napatingin tuloy ako kay Tadia. "Ano nilaklak ng babaeng 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Natawa naman si Tadia. "Aba'y ewan d'yan. Pero seryoso nga." Tumigil na siya sa pagtawa. "Bakit ba ayaw mo s'yang maging partner?"

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon