MEGAN
MATAPOS ang last class namin sa hapon na ito ay nakitulong ako sa mga kaklase ko na maglinis ng room. Maaga pa naman kasi. Maaga kasing nag-dismiss ang subject teacher namin sa Araling Panlipunan.
"Sure ka ba talagang tutulong ka sa paglilinis?" tanong sa akin ni Mindie nang makitang hawak-hawak ko ang walis-tambo.
"Oo. Kung gusto mo tumulong ka rin." Inabot ko pa sa kaniya ang isang walis.
"A-ah eh... s-sige." maarte niyang kinuha ang walis sa akin.
Bahagya akong natawa. "Arte ah. Sige na. Maglinis na tayo."
Nakitulong na rin si Tadia sa amin. Siya ang nagpunas ng mga bintana. Mayaman nga ang may-ari ng school na ito at may mga janitor para maglinis ng bawat room dito. Pero gusto nilang matuto kaming maging responsable sa room na ginagamit namin. Kaya heto, naglilinis kami.
"Excuse me," mataray kong sabi kay Mr. Playboy. Nakaupo pa kasi siya. Kita na nga'g naglilinis kami, hindi man lang umalis.
Pupungay-pungay ang kaniyang mga mata nang tumingin sa akin. Naku! Paano ba naman eh kagigising lang niya. Tulugan ba naman ang Araling Panlipunan. Pero infairness ah! Singkit pala ang lalaking ito. Anong lahi kaya ang meron ang lalaking ito? Chinese? Japanese? Or Korean?
"What?" inaantok pa niyang tanong sa akin. Humikab pa nga eh.
Namewang ako. "Sabi ko po, excuse me!"
"Why?" Muli siyang humikab. Ang bastos talaga!
Inirapan ko siya. "Malamang, naglilinis ako. Are you blind?" Ipinakita ko pa sa kaniya ang hawak kong walis.
"Ow." Umayos siya ng upo pero hindi umalis. Pinagtaasan ko tuloy siya ng kilay. "What if I don't want?"
"Aalis ka o itatapon ko ang bangko mo sa labas ng room kasama ka?"
Bahagya siyang tumawa. "You can do that?"
Peke akong ngumisi. "Gusto mong i-try ko? Umalis ka na nga d'yan."
Umiling siya. "Nope. Ayoko," pagmamatigas niya. Komportable pa siyang sumandal sa kaniyang bangko at nginisihan ako.
"Tss." Napabuga na lang ako ng hangin at inis na winalisan ang pwesto niya kahit na nakaupo pa rin siya.
Bahala s'ya sa buhay n'ya!
Sinimulan kong walisan ang bangko na nasa left side niya. Nang nasa harapan na niya ako ay lalo siyang napangisi.
Ah, gano'n ah!
Ipinatong ko sa magkabila niyang side ang magkabila kong kamay. Nakakulong na siya sa akin at walang takas.
"Hindi ka talaga aalis?" pagbibigay ko ng chance sa kaniya.
Umiling siya na nakangisi. "Nope! As in never."
Nginisihan ko siya. "Okay." Lumayo ako sa kaniya at sinipa ang bangko niya. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Malakas akong tumawa nang mapalayo na ito sa akin at muntikan pang matumba. Pasalamat siya at agad siyang nakaalis at nakatayo. Kundi baka kasama siya ng bangko niyang tumumba sa sahig.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Подростковая литератураMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...