MEGAN
KAAGAD KO siyang itinulak para lang mailayo ang kaniyang mukha sa aking tenga."Pwede ba?!" nauubos na ang pasensyang sigaw ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.
Napalayo naman siya sa akin pero hindi masyadong malayo dahil nakaposas pa rin ang mga kamay namin. "Tch. Relax. Okay?" natatawa niyang ani.
Kanina seryoso, ngayon naman parang tanga. Tss. Nasisiraan na siya.
Inirapan ko siya ng dahil sa inis. "Ano ba'ng gusto mo, ha?" naiinis ko pa ring ani.
Tinitigan niya ako. Hindi na seryoso ang hitsura ng kaniyang mukha. Ngumisi lang siya.
"Gusto ko lang naman sabihin mo na hindi mo ipagkakalat ang mga narinig mo kanina," nakanguso niyang ani.
"Matapos sabihin ang mga kakaibang salita, ipagpipilitan na huwag sabihin ang lahat? Ano ako? Tanga?" inis kong bulong.
"I heard that," nakangisi niyang ani.
Inis na tinignan ko naman siya. Lahat na lang ba naririnig niya? "Ha? Oo nga, eh. Ang laki kasi ng tenga mo. Tenga ng elepante. Psh," mapakla kong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ano'ng sabi mo?" hindi niya inaasahan ang sinabi ko kaya gano'n na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata.
Ako naman ang napangisi. "Ang laki ng tenga mo. Tenga ng elepante," ulit ko. But deep inside, I really want to laugh.
Shocks! Totoo naman talaga. Ang laki-laki ng tenga niya. He looks like an elf.
"Ano?!" Namumula na ang kaniyang mukha. Kaya pati tenga niya ay namumula na rin.
"Ang laki ng tenga mo. Tenga ng elepante," natatawa kong pangkukutya sa kaniya.
"Ano?!" Pulang-pula na talaga siya at mukhang sasabog na. Sa tingin ko, sa kakaulit ko ay mas lalo siyang naaasar. So, ganito ang feeling ng mang-asar. Ang sarap sa pakiramdam!
"Ang laki ng tenga mo---" Bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Nagkandaduling-duling na tuloy ako dahil sobrang lapit na niya sa akin.
Biglang sumilay ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Hindi na rin namumula ang kaniyang mukha. "Ano nga pala ulit 'yong sinasabi mo?"
Naaamoy ko na ang kaniyang hininga. Napalunok tuloy ako ng laway. Ang bango at napaka-fresh pa. Close up siguro ang gamit--- Sandali! Bakit ko nga ba sinasabi 'to?! Hindi mabango ang hininga niya!
"Umalis ka nga diyan!" Itinulak ko siya palayo sa akin. "'Wag na 'wag kang didikit sa akin ng gan'yan ha!" asik ko sa kaniya.
"Hahaha. Bakit? Naiilang ka ba?" natatawa niyang tanong sa akin nang makalayo na siya sa aking mukha.
"Ha? Ako maiilang? Tss. No way. Tabi nga!" Lumayo ako sa kaniya at umayos ng upo. Gusto kong malayo ako sa kaniya para hindi ako mailang sa nangyayari. Nakakainis talaga siya! Imbes na ako ang mang-asar, siya ang nang-aasar na naman.
Sumandal siya sa sandalan ng sofa at gumaya ng upo ko. "Baka naman...." Nakangising sumilip pa siya sa akin. "Nagagwapuhan ka na sa akin," presko niyang ani. Mukhang siguradong-sigurado pa siya sa sinasabi niya.
Tiningnan ko siya ng napakasama. "Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no? Palibhasa nasa dugo mo na ang kakapalan. Hinding-hindi ka nawawalan ng gan'yan." Inis ko siyang iniwasan ng tingin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...