Part 54

980 27 0
                                    

MEGAN

HINDI AKO makapaniwalang ka-text niya si Mindie. At heto siya ngayon sa harapan ko. Nagtataka siyang nakatingin sa cellphone niyang hawak-hawak ko. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

Tiim ang bagang na tumayo ako at lumapit sa kaniya para ipagduldulan ang nakita kong text message sa kaniyang phone. "Sige! Ipaliwanag mo sa 'kin ito!" Ibinato ko sa kaniya ang kaniyang walang kwentang phone. Agad naman niya itong nasalo.

Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. At ngayon ko lang gustong ilabas lahat ng galit ko sa kaniya. Oo! Naiinis ako sa araw-araw niyang pangbu-bwisit sa akin pero hindi ko ito mapapalampas. Ligawan niya na ang lahat. Saktan na niya ang lahat. Huwag lang ang kaibigan ko.

"T*ng*n*!" mura ko at napahilamos sa harapan niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya ng dahil sa pagmumura ko. Dali-dali niyang tinignan ang screen ng cellphone niya at lalo lang nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa nakita.

Kumukulo na ang dugo ko ng dahil sa galit sa kaniya. "Ano?! Nililigawan mo na s'ya?! Ha! K*ng*n*ng 'yan! Sarap mong patayin!" bulyaw ko sa kaniya.

Napaatras naman siya. "L-look. I-i-it's not what you are thinking," nauutal niyang sabi sa akin.

Lalo akong nakaramdam ng matinding galit. "Ano?!"
hindi makapaniwalang sigaw ko, "T*ngin*! May boyfriend s'ya at ikaw ay may balak pang ligawan s'ya? Pinaglololoko mo ba 'ko?!" Humakbang ako papalapit sa kaniya pero agad naman siyang napaatras. "Alam mo, matagal na akong napipikon sa 'yo! Mas pikon lang talaga ako ngayon! Asar na asar na!"

Kumunot ang kaniyang noo. "Ano bang ikinagagalit mo?! Ha!" tumaas na rin ang tono ng kaniyang boses.

"Ang ikinagagalit ko ay 'yang pinaggagawa mo! Naiinis na nga ako sa presensya mo tapos gagawa ka pa ng panibagong mapag-aawayan! Pwede ba! Lubayan mo na ang kaibigan ko!"

"At bakit?! Ako ba ang lumalapit sa kaniya?! Ako ba ang unang nag-text sa kaniya?! Alam mo naman na may iba akong gustong ligawan!" sigaw niya sa akin.

Naalala ko tuloy ang narinig ko sa room namin noong Intrams Day. Magco-confess sana siya kay Mae, ang kaso nga lang ay ako ang nakarinig at hindi si Mae.

"Edi ano 'yan?! Baki may nangyayaring ganito? Ha!" inis kong pagtutukoy sa text message sa kaniya ni Mindie.

"Ewan ko! Wala akong alam!"

"What's happening here?" Kaagad akong napatingin sa likuran ni Brice at nakita ko si Mrs. Katacluban na may dalang tray na may lamang foods. Nakakunot ang noo niya at parang hindi niya gusto ang nakikita niya ngayon.

Tinignan ko si Miss na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. "Ms. Cusieda and Mr. Welsh, what's happening here? Bakit nagsisigawan na naman kayo? Diba napag-usapan na natin na hindi na muna kayo mag-aaway at ipagsasawalang-bahala na muna ang hidwaan sa inyong dalawa. Ano na namang problema?" kawalang ideya niyang tanong sa amin.

Marahas akong napabuga ng hangin at tumingin kay Mrs. Katacluban. Kalmado ko siyang hinarap. "Miss, this is my final decision. Ayoko na po talaga. Hindi ko na matiis ang galit ko sa kaniya. Sorry po pero I'll back out na po," pinal ko nang desisyon. Totoo na talaga na ito. Wala na talagang balikan. Ayoko nang magtiis pa na makasama ang isang gaya niyang playboy. Baka mamatay pa ako nang maaga ng dahil sa kaniya.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon