Part 27

1K 41 2
                                    

MEGAN

DUMATING NA ang araw ng performance namin at ngayon na iyon. Dala-dala ko pa ang aking keyboard papuntang school. Hindi ko naman kasi alam kung saan magpe-perform. Nanginginig ako sa kaba. Ewan ko ba. Ngayon lang kasi ako magpe-perform sa harap ng maraming tao, I mean sa mga estudyante. Sa bahay lang talaga ako kumakanta at tumutugtog. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito na magpe-perform ako sa harap ng maraming tao.

Papunta na ako ngayon sa room ko. Pero sa bawat paghakbang ko ay nagfa-flashback sa utak ko ang nangyari noong friday. Naging maayos naman ang practice namin. Pero hindi talaga maiiwasan 'yong minsang pag-aaway namin. Hindi ko rin makakalimutan iyong sabay naming pagbagsak sa sahig nang dahil lang sa bwisit na wire na iyon. Ayoko nang matandaan dahil nahihiya lang ako para sa aking sarili.

"Oh, nandito ka na pala," ani Mindie nang makita ako. Nasa labas siya ng room. Mukhang napaaga yata sila ng pasok. Kasama niya sina Tadia at Yhong.

"And you bring your keyboard, huh?" sabi naman ni Tadia na sa keyboard ko na nakatingin.

"Tulungan ka na namin." Nilapitan ako ni Yhong at kinuha ang keyboard na hawak ko. "Hoy, hindi n'yo ba 'ko tutulungan?" tawag niya sa dalawa.

"At bakit ka namin tutulungan eh ikaw d'yan ang kusang kumuha ng keyboard n'ya," pagtataray naman sa kaniya ni Mindie.

"Kaya problema mo na 'yan " dagdag naman ni Tadia at nagsitawanan pa ang dalawa. Pagtulungan ba naman si Yhong.

"Mga walang puso!" singhal niya sa dalawa. Bahagya akong natawa habang pinagmamasdan siyang dalhin nang maingat ang keyboard ko sa locker room namin.

Nilapitan ko naman silang dalawa.

"So, kumusta ang practice?" tanong ni Mindie sa akin. Naglakad na kami papasok ng room.

"Okay lang naman." Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Sinundan naman nila akong dalawa.

"Gano'n ba?"

"Ano ba Mindie, para kang pumapatay ng tao d'yan sa tono mo eh," komento ni Tadia sabay hampas ng mahina sa balikat ni Mindie.

"Aray ha!" reklamo niya. "Parang tinatanong ko lang si Isha eh. So, ano nga? What happened?" tanong niyang muli.

"Alam mo, hindi ka na dapat magtanong. Maayos lang naman ang naging practice namin," sagot ko habang ibinababa ang bag sa sariling upuan.

"Edi, okay," aniya sabay walk out.

Nakakunot ang noong tumingin ako kay Tadia. "Anyare sa babaeng 'yon?"

Pareho naming sinundan ng tingin si Mindie na nag-walk out talaga. "Hayaan mo na 'yon. Ay, oo nga pala, sabi nga pala ni Mrs. Katacluban, sa gymnasium daw tayo magpe-perform. Wala rin tayong klase after recess kasi lahat daw ng hawak niyang section magpe-perform," imporma niya sa akin.

"Huh? Bakit do'n?" nagtataka kong tanong.

Bakit naman sa lahat ng lugar sa gymnasium pa? Pwede namang dito na lang sa room namin. Tapos hindi lang pala mga kaklase ko ang makakapanuod sa amin ni Brice kundi lahat ng section na hawak niya. Kinakabahan pa naman ako. At mas lalong lalala yata ito mamaya.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Atsaka, alam mo bang kayo lang ni Brice ang may nabunot na gan'yang task kaya galingan n'yo ha," sabi niya at tinalikuran na niya ako. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang sariling upuan.

Kami lang ang naiiba? Sobrang kinakabahan na ako!





NGAYON ay nagkaklase na kami sa Math at sobrang kinakabahan pa rin ako kahit wala pa ang performance namin. Hindi dahil sa kinakabahan ako at tension na tension ako sa Math kundi dahil sa MAPEH.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon