MEGAN
TAHIMIK AKONG pumasok sa loob ng classroom namin. Gusto kong umiyak nang umiyak dahil ang sakit lang talaga malamang ikakasal na ako sa taong hindi ko naman kilala. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Brice kahapon. He's also engaged to someone and like me, wala na din siyang kawala. Bakit pareho pa kaming na-arrange? Ang hirap ng kondisyon naming dalawa.
Katulad ng inaasahan ko, maunti pa ang mga kaklase kong pumasok. Wala pa sina Mindie, Tadia at Yhong. Nauna akong pumasok kaysa sa kanila. Ang lungkot. Ayoko na. Nang mailapag ko ang bag ko sa upuan ko ay sumalampak lang ako sa desk ko.
"Oh Megan, ba't ang aga mo ngayon?" puna ni Alice sa akin, siya lagi ang nauuna sa klase kapag pumapasok. Hindi pa man tumitilaok ang manok ay nandito na siya.
"Bakit ikaw? Ang aga mo rin naman ah," natatamad kong tanong sa kaniya.
"Lagi naman akong maaga pumasok. Kaso kasunuran lang kita pumasok. Ang aga mo ah. Pati wala tayong klase ngayong first period," aniya.
Para naman akong nabuhayan ng dugo. "Ha? Bakit daw?"
"Nagpa-check up daw si Mrs. Martir." Mrs. Martir is our Science teacher.
Napatayo ako na medyo ikinagulat niya. "Sige," nasabi ko na lang at nagsimulang maglakad paalis ng room.
"Sa'n ka pupunta?"
"Sa library."
"Ano'ng gagawin mo do'n?"
Nangunot noo ko dahil sa tanong niya. "Ano bang ginagawa ng mga taong pumupunta sa library?" pagbabalik tanong ko sa kaniya.
"Nagbabasa," sagot naman niya.
"'Yon naman pala eh. Ano sa tingin mo ang gagawin ko do'n?"
"Magbabasa?" patanong niyang sagot.
"Ah hindi, magwawalis ako do'n. Hays ewan!" nasambit ko na lang at umalis.
"Ewan ko din sa 'yo!" pahabol pa niyang sabi. Natawa tuloy ako.
Pumunta ako sa library. Nagpunta ako sa pinakadulong bookshelf at sumuksok sa pinakangsulok. Doon ko na lang nailabas lahat ng namumuong luha sa aking mga mata. Ito ang perfect place para mag-emote at ilabas ang saloobin.
"Ayoko na sa buhay ko! I can't take this anymore. Why this life is so unfair?" mahinang iyak ko. Ayokong may makarinig sa iyak ko.
Biglang tumunog ang phone ko kaya natataranta akong hinanap iyon. Ako pa lang ang tao dito sa library kaya maririnig ng mga librarian ang maingay kong phone. Kaagad kong sinagot ang tawag kahit hindi pa tinitignan ang caller sa screen. Natatakot akong baka marinig ako ng librarian at palabasin ako dito na umiiyak. Matinding kahihiyan ito kapag nagkataon. Nagpalinga-linga ako sa paligid at tinignan kung may padating na isa sa mga librarian but thank God there's no one.
"Ano ba, Megan Artisha Cusieda? Kakausapin mo pa ba kami?'
Kaagad akong napatingin sa screen ng phone ko na kanina pa pala nag-iingay dahil sa taong nasa kabilang linya.
Idinikit ko ito sa tenga ko. "Hello? Who is this?" mahina kong tanong matapos kong pahirin ang mga luha ko.
"Wow! Painosente ka, Megan ah. Kanina pa kami nagsasalita dito tapos tatanungin mo kung sino kami?" Mukhang galit na ang taong nasa kabilang linya. Sa boses pa lang ng nasa kabilang linya malalaman mo talagang si Mindie 'to.
"Mindie? Bakit?"
"Sa wakas kilala mo na ako. Anyway, kasama ko si Tadia. Nasa school ka na ba?" she asked.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...