Part 35

921 32 2
                                    

MEGAN

PAREHO KAMING dalawa na nagtatakang nakatingin sa pintuan ng room. Rinig na rinig namin ang mga mahihina na boses mula sa likuran ng pinto.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Narinig mo 'yon, diba?" tanong ko sa kaniya nang sa akin na din siya nakatingin.

Tumango siya. "Oo. Sino sa tingin mo ang mga 'yon?"

Nagkibit-balikat ako. Muli kong tinignan ang pinto. "Sinong nand'yan?" tanong ko dito. Pero puro 'ssshhh' lang ang naririnig ko.

Tumayo na ako at iniwan siya para lapitan ang pinto. "Sabi ko, sino ang nand'yan? Bubuksan n'yo 'yan o hindi?" may pagbabanta sa aking tono.

Unti-unti namang bumukas ang pinto pero kaunting siwang lang. Walang pumasok kaya hinawakan ko ang door knob at hinigit ang pinto. Bumungad sa amin ang mga nakangiting mukha ng ilan sa mga kaklase ko. Kasama doon sina Mindie at Tadia pati na rin si Raine. Napakunot tuloy ang noo ko sa kanila.

"Ano'ng ginagawa n'yo d'yan? Atsaka, bakit ang ingay n'yo?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Sumilip-silip pa sa loob si Vince na parang sinusuri ang loob ng room. Lalo tuloy kumunot ang aking noo ng dahil sa ginagawa niya. "Walang nasira ah," aniya na nakangisi pa.

"Malamang inayos namin," sabi ni Brice na nasa tabi ko na pala. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nagtataka rin siyang nakatingin sa mga kaklase namin.

Ano ba kasing ginagawa nila dito? Bakit sila nasa likod ng pintuan at nag-e-eavesdrop sa aming dalawa?

"Pero akala namin nag-aaway na naman kayo," sabi naman ni Raine.

Nagkatinginan naman kami ni Brice. Binigyan niya ako ng isang smirk at binigyan ko naman siya ng nagtatakang ekspresyon.

"So, maayos na kayo?" tanong ni Mindie sa amin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"No," sabay pa naming sambit ni Brice. Kaagad akong napatingin sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin at gano'n rin siya. Sumasabay pa kasi.

Nagtatakang tumingin naman si Mindie kay Raine tapos sa akin. "Ha? Pero nakita namin kayo na nag-uusap ng maayos. Nakangiti pa nga kayong dalawa eh," sabi pa niya sa amin.

"Just forget that. Never kaming magkakasundo nitong katabi ko," seryosong sabi ko sa kanila.

Hay naku! Nawalan bigla ako ng mood ngayon. Bigla na lang bumalik sa akin ang pagkainis sa playboy na ito. Bakit ko ba siya tinatrato kanina na para bang isa siyang malapit na kaibigan para sa akin? Nakalimutan ko nga palang iniinis nito ako palagi.

Nilapitan ko si Mindie at Tadia at hinawakan ang kanilang kamay. "Tara na nga," pang-aaya ko sa kanila ay hinila na sila palabas ng room.

Pinadaan naman kami ng mga kaklase naming nakaharang sa daan. Bahala silang lahat doon. Basta ako, gusto ko nang makalayo mula sa kanila. Ang ayoko sa lahat ay iyong pinag-uusapan ako lalo na't sa kaniya pa. Sa isa pa talagang playboy. Eh ano naman kung nag-uusap kami? Eh ano naman kung hindi kami nag-aaway? Pake ba nila. Bakit, pinapakealaman ko ba sila kapag nakikita ko silang may kasamang iba?

"Isha, totoo bang nagkakamabutihan na kayo ni Brice?" rinig kong tanong sa akin ni Tadia.

"Hindi!" madiin kong tugon habang naglalakad.

Never kaming magkakasundo ng playboy na 'yon. Over my dead body! Nagkwentuhan lang kami ng ilang bagay pero hindi ibig sabihin niyon ay okay na kaming dalawa. He's still a playboy and that will never ever change.

"Pero, ano 'yong nakita namin kanina?" tanong ni Tadia muli sa akin.

"Namamalikmata lang kayo."

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon