Part 9

1.2K 43 4
                                    

MEGAN

DALI-DALI kaming naglakad papalabas ng cafeteria papunta sa Dean's Office. Ang sabi ni Tadia ay nandito daw sa school ang parents niya. Nagulat kaming tatlo lalo na ako dahil hindi namin ine-expect iyon. Binabalak pa nga lang namin na kausapin sila pero heto at sila na ang kusang lumalapit sa amin.

Tinanong namin siya kung bakit nandito sila pero hindi daw sinabi ng parents niya at pinapapunta lang siya sa Dean's Office. Nang makarating ay si Tadia na ang kusang nagbukas ng pintuan at bumungad sa amin ang parents niya at ang Dean na nag-uusap.

"Oh, Tadia is already here. Come in, girls," nakangiting sabi ng Dean nang makita kaming tatlo.

Nagtataka namang pumasok kami at lumapit sa kanila. Humalik si Tadia sa pisnge ng parents niya.

"Bakit po kayo nandito? Hindi man lang po kayo nagsabi kanina sa bahay na papunta kayo dito," naguguluhang sabi ni Tadia sa magulang.

"Mas ginusto kasi namin na kami na ang pumunta dito para maasikaso na namin ang mga papers mo dito sa school," nakangiting sagot ng Mommy niya.

"Papers? What papers, Mom?" maguguluhang tanong ni Tadia.

"Ahm... why don't you take a sit, girls," pagkausap ng Dean sa aming tatlo. "Para mapag-usapan na natin ang tungkol kay Tadia."

Naguguluhan man ay umupo na rin kami. Ang yaman talaga ng university na ito dahil may sofa pa talaga sa office ng Dean.

"Tadia," pagtawag sa kaniya ng Mommy niya.

"Po?"

"Your Dad and I decided to go to America and live there syempre kasama ka," sabi ng Mommy niya.

"Ano po?!" bulalas naming tatlo. Nagkatinginan pa kami dahil hindi talaga namin ine-expect ang narinig.

"I know, nakakagulat." Tumingin siya sa amin. "But it's for Tadia's own good naman." Kay Tadia na siya tumingin at inabot pa ang kamay. "Anak, we already have house there and we need to handle our company there. So, it's time to migrate and live a new life."

Natahimik si Tadia at napayuko. Maski ako man ay walang masabi. Totoong nakakagulat. Hindi namin ine-expect na darating ang ganitong pangyayari sa buhay namin. Mawawalay na sa amin si Tadia at hindi na namin siya makakasama at makikita araw-araw.

"Pero po..." Nang tignan ko siya ay nag-angat siya ng tingin sa aming dalawa ni Mindie. "H-hindi ko po kaya silang iwan. A-ayoko pong iwan ang mga kaibigan ko." Naiiyak na tumingin siya sa parents niya. "Dito po ako pinanganak at lumaki. At dito ko rin po pinangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Did you ever ask me if I really want to migrate to America? Sa tingin n'yo sasaya ako do'n? Mom, Dad, if you really love me, you will not take them away from me. Kung mahal n'yo po ako, hahayaan n'yo po ako dito sa Pilipinas."

Palihim akong napangiti nang marinig iyon mula kay Tadia. Talagang mahal na mahal niya kami. Pinapatunayan na niya sa harapan ng parents niya na kami ang pinipili niya.

"Pero, Tadia, anak---"

"Hindi po ako sasama. That's my final decision, Mom. Kung hindi ko po kayo mapipigilang umalis, kayo po ang umalis. Maiiwan ako dito," may paninindigan niyang ani. Kita ko sa kaniyang mga mata ang lakas ng loob na panindigan ang kaniyang sinabi.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon