MEGAN
NAGPAHULI PA kaming dalawa ni Brice na pumasok. Nagturo-turo siya sa kahit saang parte ng bahay nila. Ito iyong dati nilang bahay dito sa Philippines. Lumipat daw sila noon sa ibang bahay three years ago. Nire-renovate pala ang bahay nila noon kaya kababalik lang nila dito last year.
Marami na nga ang pinagbago ng bahay nila pero it is the same house where we always play. Iyon pa rin ang playground kung saan kami laging naghahabulan.
Nang makarating kami sa dining area ay nakaupo na ang lahat at nagtatawan at nag-uusap na ng kung ano-anong topic. Naghanap naman kami ng mauupuan. Mga ilang minuto pa ay nagsimula na rin kaming kumain ng dinner. Ngayon ko lang din na-realize na gutom na gutom na pala ako dahil mula kaninang umaga pa ako hindi kumakain.
"Sobrang saya namin dahil nagkakaayos na kayo, Megan at Brice," natutuwang sabi ni Tita Bea na katabi si Tito Aecel, ang daddy ni Brice at Aerence. Pareho sila ni Appa na nasa magkabilang dulo ng mahaba at babasaging dining table na ito. Si Eomma naman ay katabi ni Appa.
"Hay Bea, matagal kong hinintay na magkitang muli ang dalawang 'yan," nagagalak naman na singit ni Eomma.
Tumikhim ako. Magsasalita sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"Na-miss lang po talaga namin ang isa't isa. Matagal na din po nang huli kaming nagkita," sabi ni Brice. Hindi tuloy ako nakapagsalita.
"Halata naman na miss na miss n'yo ang isa't isa. Kung magtawanan nga kayo eh parang naging kayo. O talagang naging kayo?" sabat ni Unnie, halatang tinutudyo kaming dalawa. Halatang botong-boto ang lahat para sa aming dalawa. Oo nga pala, naka-arrange marriage kami. So meaning, gusto talaga nilang kami ang magkatuluyan.
Nagkatinginan kami ni Brice. Magkatapat lang kasi kami sa upuan.
"Walang kami. Hindi naging kami," pagtatama ko.
"Pero atleast engage na kayo." Ngiting-ngiti pa si Oppa nang sabihin niya iyon. Seriously?! Magkaibigan lang talaga kami ni Brice. There's nothing more than that.
"So, kailan ba ang kasalan?" hindi makapaghintay na tanong ni Appa.
Gosh!
"Tito, ang gusto po sana namin ni Megan ay mas makilala pa ang isa't isa. Kung nakaplano na talaga na ikasal kami, pwede naman na after high school kami magpakasal. Bata pa po kami. Hindi pa kami masyado sanay sa ugali ng isa't isa," sabi ni Brice sa lahat.
"Payag ba kayo do'n?" tanong ni Appa kayna Tita at Tito pati na kay Eomma.
"Well, kung lagi silang nagkakamabutihan at mas nagkakasundo, siguro sa tamang panahon na nga muna. 'Yon naman ang gusto nila eh. At least kilala na uli nila ang isa't isa." Napangiti ako sa sinabi ni Eomma.
Palihim akong napatingin kay Brice na busy na ngayon sa kinakain. Because of him, the arrange marriage is postponed but still on-going. Nakakatuwang isipin na binago niya ang desisyon ng lahat. At least hindi muna kami ikakasal sa edad na ganito.
"Sayang! Akala ko may engagement party na pero sige, payag na rin ako," pagpayag naman ni Tita Bea. Halata sa mukha niya ang panghihinayang pero mukhang kontento na siya sa thought na kami pa rin ni Brice ang ikakasal sa huli.
"Pero syempre gusto namin makitang lagi kayong magkasama at nang kami naman ay makapagbakasyon. 'Yon naman talaga ang pinunta namin dito," nakangiting sabi ni Tito Aecel.
Biglang lumungkot ang aking mukha. Hindi pa pala 'to matatapos.
"Kaya Brice, lagi mong susunduin at ihahatid ang kapatid ko, ah. Baby girl namin 'yan," natutuwang sabi ni Oppa. Parang ipinamimigay na ako ni Oppa ah. Samantalang siya at si Kuya Jay lang ang sumusundo at naghahatid sa akin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...