Part 18

1.1K 40 0
                                    

BRICE


HINIHINGAL akong bumagsak sa sahig at hinawakan ang gilid ng aking labi na may dugo kahit may mask na tumatabon dito. Sh*t! Ang sakit ng labi ko.

"Are you alright, Young Master?" tanong sa akin ni Ellison nang tumabi siya sa akin. Tulad ko ay hinihingal na rin siya.

"I'm fine," tipid kong tugon. Pinagmasdan ko ang buong hall. Nakahandusay na sa sahig ang mga kalaban namin. Habang ang tatlo pa naming mga kasamahan ay hindi pa rin tumitigil sa pagbugbog sa mga ito.

Isang malakas na palakpak ang nakakuha ng buo kong atensyon. Nang tignan ko kung saan nanggagaling iyon, naglalakad na papalapit sa amin si Storm. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tatanggapin ko ba ito.

"Hays. Mangalay, Young Master," nawawalan na ng pasensyang aniya.

Napa-tss pa ako bago ko ito tanggapin. Hinila niya ako at tinulungang makatayo. Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa kamay ko at nakipagkamay sa akin.

"Congrats," bati niya sa akin. Bumaba tuloy ang tingin ko sa kamay naming nagkakamayan. Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya. Agad niyang kinalas ang kaniyang kamay nang mapansing nakatitig ako dito.

"Mas lalo n'yo lang pinatunayan sa akin na hindi lang kayo basta-basta," may bahid ng pagkamangha ang kaniyang tono.

Napangisi ako. "Wala kasi kayong bilib sa 'min eh. Kaya naming patumbahin lahat ng gang... maski kayo," maangas kong anas.

Bigla naman siyang tumawa ng sarkastiko. "Really? Baka kapag kinalaban n'yo kami, baka mawala ang pinakaiingatan ninyong ranggo. Baka magsisisi lang kayo sa huli."

Lalo akong lumapit sa kaniya at tinitigan ang mukha niyang natatabunan ng hood, mask at shades.

"Matatalo rin namin kayo," seryoso kong sabi.

Naramdaman ko namang hinigit ako ng kung sinoman papalayo kay Storm.

"H'wag mo s'yang patulan, Young Master. You know the regulations," mahinang sabi sa akin ni Ellison.

Napapalatak tuloy ako. Ang yabang kasi ng Storm na 'yon. Hindi porque mas mataas sila sa amin, minamaliit na niya kami.

Inalis niya ang tingin sa akin at sa audience na nakatingin."So, we have the result now. At halata namang nanalo ang BlackHeart laban sa BlackNight. I'm so sorry, BlackNight pero mawawala na ang ranggo n'yo." naaawa man ang kaniyang tono, may bahid pa rin itong sarkasmo. "BlackHeart won. So, their rank will still remain. They are still the rank 2," anunso niya sa lahat.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga manunuod. "Kaya kung sino man ang nagbabalak na kalabanin ang BlackHeart, siguraduhin ninyong kakayanin n'yo. Tandaan n'yo, ranggo n'yo ang nakasalalay dito at isama na rin ninyo ang buhay n'yo." Tinalikuran na niya kami at naglakad papalayo.

Pumunta naman sa gitna ang isa niyang miyembro.

"At dito nagtatapos ang gang fight ngayong gabi. You can all go out now!"

Pinagmasdan ko ang pag-alis niya matapos niyang mag-anunso.

"She's Tornado." Napatingin ako sa katabi ko, si Aerence. "Minsan lang sila nagpapakita ni Wind." Tumingin din siya sa akin. "Magaling silang magtago. Like their names, mabilis rin silang maglaho."

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon