BRICE
"TARA."
Hinigit ko ang kamay niya at kinuha ang plastic container na may lamang cupcakes na nilapag ko kanina sa mesa nila.
"Huh? Saan? Hoy!" Hindi ko na lang pinakinggan kung ano man ang sinasabi niya. Basta ang alam ko, gusto ko siyang dalhin sa ibang lugar na kaming dalawa lang. Malayo sa mga kaibigan ko at kaibigan niya. Pero kahit siguro takpan ko ang magkabila kong tenga ay maririnig at maririnig ko pa rin ang mala-serena ng ambulansiya niyang boses. Sobrang ingay talaga.
Ang daldal talaga kahit kailan!
Hindi ko naman talaga sinasadyang makita si Ms. Masungit sa isang Cupcake stall. Pero nang makita ko siyang ngiting-ngiti habang nakatitig sa mga cupcake, parang gusto ko na tuloy siyang pagtripan. Kaya nilapitan ko siya at ininis. Pero mukhang na-bad mood siya sa presensya ko dahil nagsimula na kaming magkasagutan na nauwi naman sa isang suntok. Hindi ko naman sinasadyang awayin siya. Sadyang naunahan lang talaga ako ng inis. 'Ayan tuloy, ako ang nasapak.
And I swear, her punch is so strong. Akalain mo 'yon, natumba ako sa lupa. Medyo nahilo pa nga ako ng dahil doon. Pero hindi ko rin napigilan ang mapangisi nang palihim ng dahil sa ginawa niya. Not every girl can do that. Kung may marunong mang sumuntok sa mga babae, mahina lang iyon at baka hindi pa ako natablan niyon. But she's so different. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas niya. Basta ang alam ko lang, sobrang lakas niya. Kung wala siguro akong control kanina ay baka na-knockout na niya ako. She's a great puncher and I'm not denying it. 'Yong totoo, pumupunta ba siya sa gym para mag-work out o mag-training? She's really a fighter.
Matapos ang scene naming dalawa kanina sa Cupcake stall ay nagdiretso ako sa room ni Ellison. Doon ko sila natagpuang nagtatambay. Hindi man lang ako in-inform. Kailangang hagilapin ko pa sila sa kani-kanilang mga room. Naging bad mood rin ako matapos kong iwan si Megan doon sa Cupcake stall. Nakatanggap kasi akong muli ng isang message mula sa isang unregistered number na dati ring nag-text sa akin. Ang dating ay parang tinatakot ako. Bakit ba kasi may mga taong ang lakas mang-trip ng mga taong hindi naman sila ginugulo. Sa lahat ng ayoko, iyong bina-black mail ako o tinatakot ako. I swear, once I found out who is he, I will kill him like how I kill my opponents.
Bigla kong naramdaman ang pangungurot niya sa kamay ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at tinignan siya. "Problema mo ba?" pigil ang inis kong tanong sa kaniya. Napangiwi pa ako nang maramdaman kong humapdi ang gilid ng aking labi.
Nawala na ang dugo kanina nitong labi ko. Mabuti nga at binigyan ako ng first aid kit ng mga kaibigan ko. Pero mukhang namamaga na itong gilid ng aking labi. Sa lakas ba naman ng pagkakasapak niya, mukhang hindi lang labi ko ang dumugo, baka pati panga ko na-dislocate na yata. Kung pwede lang talaga pumatol, matagal ko nang ginawa sa kaniya. Kaso nga lang babae siya.
Kundi ka lang talaga babae, Ms. Masungit. Tss.
"Hays, thank goodness! Sumagot ka rin!" she exclaimed.
Nagtataka naman akong tumitig sa kaniyang mukha. Mukhang nasisiraan na naman ng bait ang babaeng ito. Minsan talaga hindi ko mabasa kung anong klaseng ugali ang meron siya. Masyadong magulo.
"Kanina pa kita tinatanong at kanina ka pa walang kibo. Puro higit ka na lang. Hobby mo na yata 'yan eh. Bitiwan mo na nga ako," utos niya sa akin.
Heto na naman tayo! Dumadaldal na naman siya.
"Ayoko," mabilis kong tugon.
"Ah, ayaw mo ha."
"Hoy, ano'ng gagawin mo?" taka kong tanong sa kaniya. Baka suntukin na naman niya ako. Naku! Baka this time mana-knockout na yata ako. I can't let her do that.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...