MEGAN
BUMUGA AKO ng hangin nang mapagtantong siya na naman ang nakita ko today. Oh God, please! Pwede kahit ngayong lang lubayan n'ya ako.
Sandali ko lang sinulyapan ang mukha niya sa salamin at agad ding inalis. "Ahmm...naging okay naman. Bakit?" tanong ko sa kaniya, nagpapahalata na walang pakealam sa presensya niya.
Tumabi siya sa akin at nilinis ang mukha. Napatunganga ako sa kaniya dahil sa inakto niya. Matapos niyang maghilamos ay humarap siya sa akin nang basa pa ang mukha.
"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung gaano kasaya kayong dalawa kanina." Bigla siyang ngumiti ng napakapait. That looks creepy!
"Well, nagtawanan at nagkuwentuhan lang kaming dalawa. Syempre napaka-bored ng time na 'yon dahil na-stranded nga kami sa isang lugar na hindi naman namin alam." Umisip kaagad ako ng masasabi. Parang ang cold niya kasi.
"Kung ako ang kasama niya---"
"Ah, mauna na ako. Magpapalit pa ako ng damit eh," putol ko sa sinasabi niya. Nasa gilid na niya ako nang bigla niya akong hinawakan sa kanang braso ko at pinigilang umalis. Tinatamad ko siyang tinignan.
"What?" mahinahon kong tanong sa kaniya. Alam kong may pinaplano siya. Pinipigilan ko lang ang inis ko.
"Talaga bang kayo na ni Acke?" paninigurado niya. When I look at her eyes, it was full of sadness. Napapikit ako nang mariin. I can't even longer look into her eyes.
I need to do this.
Nagmamatapang akong nagmulat ng mga mata at tinitigan siya sa mga mata. "Matagal nang merong kami. Kaya if you don't mind, Venice, lubayan mo na ako at si Brice."
Sheeeeeeeeeet! Nakakainis 'yong mga sinabi ko. Ako lang ang pampasingit dito eh.
Lumuwag naman ang pagkakakapit niya sa braso ko dahilan para mabilis lang ako nakawala mula sa kaniya.
"Hindi kayo magiging masaya. Hindi kayo hanggang sa huli. Sisiguraduhin ko 'yon. I came back to win him back. Para maibalik siya sa akin. I will do everything para magkahiwalay kayo."
Napatiim-bagang ako. "Do your best dahil kahit anong gawin mo, hindi mo siya maaagaw sa akin. Brice is mine and only mine." EW! "You can't win him back because he is already mine. Hindi ka na niya mahal kaya umalis ka na lang."
I'm so sorry, Venice. I need to do this.
Hindi na siya nagsalita pa kayahindi na rin ako nagsalita. Umalis na ako sa harapan niya. Malalagot talaga sa akin ang lalaking iyon.
Pagkalabas ko ng Comfort Room ay dumiretso ako sa room ng girls. Tatlo lang ang pwedeng matulog sa isang room kaya limang room ang ginamit namin. Mas marami ang room ng babae kaysa sa mga lalaki dahil nga 30 kaming lahat. Si Miss Vega naman ay may sariling kwarto.
Bahagya akong nagulat nang makita kong nakaupo si Mae sa kama at may kinukulikot sa laptop niya pagkapasok ko.
"Nand'yan ka pala Mae," bati ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin nang mapansin niya na nandito na ako sa loob ng kwarto namin. "Oh, Megan. Bakit ka bumalik dito?"
"Ah, nadumihan kasi ang damit ko. Kaya naglinis muna ako ng katawan," sagot ko sa tanong niya. Kahit sa totoo lang ay hindi ko na nagawa dahil may pa-epal.
"Gano'n ba? Sige, magpalit ka na." Binalik na niya ang kaniyang paningin sa laptop.
Naalala ko tuloy 'yong nagyari noong intrams. Biglang nag-confess si Mr. Playboy sa akin nang inakala niyang ako si Mae dahil madilim noon sa classroom. Ang tanga niya kasi. Hindi man lang niya napansin na pwedeng iba ang pumasok. Lakas talaga ng feeling niya na si Mae ang papasok. Hindi ko talaga 'yon makakalimutan dahil parang 'yon ang first time na mag-confess ang isang playboy sa isang kagaya ni Mae.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...