"Ms. Masungit...."
Napalingon ako sa kaniya nang tawagin niya ako sa nasanay na niyang endearment para sa akin.
Matamis ang aking mga ngiti nang tignan ko siya. "Yes, Mr. Playboy?"
Pinagmasdan muna niya ang buo kong mukha at hinawi ang bangs kong humahaba na bago magsalita. "Hindi ka na ba kulangutin ngayon---ARAY NAMAN!" daing niya matapos ko siyang hampasin sa braso.
"Nakakainis ka!"
"It was just a joke." Mas lalo pa siyang nagpakadikdik sa tabi ko kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Oh, bakit? Bawal ba?"
Humalukipkip ako. "Sa kakaasog mo, ako ang nadidikdik."
"Sus! Ayaw mo 'nun? Mas lalo tayong nagkakalapit." Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa kabila kong balikat. Ang bwisit, pasimple pang umakbay!
"Na-miss mo 'ko?" Hindi ako umimik. "Huy. I'm asking you. Don't you miss me?"
Bigla kong naramdaman ang sakit sa aking dibdib. Hindi ko na napigilan ang maiyak sa tabi niya. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko.
"Hoy! Ba't ka umiiyak?" hysterical niyang tanong sa akin.
Hinarap ko siya nang umiiyak. "Eh pa'no ba naman? Tinakot mo talaga ako no'n. Sobra akong kinabahan nang makita kitang wala ng buhay." Pinaghahampas ko siya ng mahina sa dibdib. Ayokong hmpasin siya ng malakas dahil hindi pa rin magaling ang sugat niya.
Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at niyakap ako. "Ssshhh....stop crying na my Megan..." pagpapatahan niya sa akin.
Suminghot ako at pinunasan ang aking mga luha. "You almost die, Brice. And seeing you on that situation made me weak. H-hindi ko kayang mawala ka sa 'kin."
"Sus! Ang Mega-langot ko, nagda-drama." Tinapik ng hinalalaki niya ang ilong ko. "Don't be sad, okay? I'm fine now. Sobrang lakas ko na ngayon."
Tiningala ko siya. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Gwapo pa rin ang bwisit kahit maraming pasa at galos sa mukha. Bakit ba hindi siya pumapangit? Ano kayang sikreto ng playboy na 'to?
Napabuga ako ng hangin. I'm happy now that he is fine. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang magising siya. Isang linggo din siyang tulog at nagpapahinga. I'm always at his side, waiting for him to wake up. Just like what he did to me when I was the one who got into an accident last time. At 'ayun nga, nagising na siya at ngayon lang kami nagkaroon ng time na mag-usap dahil ngayon lang siya pinayagan na maglakad-lakad.
We are both sitting on a bench outside the hospital, sa may mini park ng hospital. Kasama rin namin dito ang ilang mga pasyenteng masayang kausap ang kanilang mga mahal sa buhay. At solo lang naming dalawa ang bench na ito habang nakatingin sa paligid. I'm happy that he is safe now and still talking to me like this. Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil nandito na siya ngayon. Katabi ko at kayakap ako.
"I really miss you, Brice," pagsasabi ko ng totoo. Iyon naman talaga ang totoo. Sobra ko siyang na-miss. Na-miss ko ang pang-aasar at pagmamayabang niya. At ngayon, kahit nang-iinis siya, okay lang sa akin. Kasi iyon naman talaga ang na-miss ko sa kaniya.
"Really?" pansin ko ang pagngiti sa kaniyang tono.
Napairap ako. "Kailangan bang paulit-ulit dapat?" napipikon kong tanong sa kaniya.
He chuckled. "I just want to know how much you miss me. Minsan lang may maka-miss sa 'kin, 'no."
"Oo at mga ex-flings mo ang mga tinutukoy mo." Napaismid ako.
Naiinis ko dahil iyong iba na mga naging ex niya sa university ay nagpapadala minsan ng mga bulaklak at fruits na may kasama pamg sweet message. One time nga, may dumalaw na isang babae.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...