Part 57

938 24 0
                                    

BRICE

"HEY." NARAMDAMAN ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Kanina ka pa, ah. Problema mo ba talaga?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Bakit?"

"Ano'ng bakit? Aalis na tayo, oh. Tapos na ang concert," imporma niya sa akin.

Napatingin ako sa mga kasama namin na nasa stage, paalis na sila pati na ang mga estudtanye na nanunuod sa amin ay unti-unti nang umaalis. Hinanap ko siya pero wala na rin siya. Nakita ko na lang na lumalapit na sa amin ang mga kaibigan ko. Tawa-tawa silang lumapit sa amin.

"Ayos, ah! Ang galing n'yo," nakangiting puri ni Dirk sa amin.

"Grabe hyung! Hindi ako makapaniwala na magaling ka pala talagang kumanta," humahanggang puri naman sa akin ng kapatid ko.

"Congrats! Nakaka-inlove boses mo, Acke," bati naman sa akin ni Taryn.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi ng mga kaibigan ko.

"I should go now." Napatingin naman ako kay Ms. Masungit na mukhang paalis na.

"Aalis ka na kaagad?" puna ko sa kaniya.

"Oo " tipid naman niyang sagot.

Bahagya akong nalungkot sa sinabi niya. "Gano'n ba?"

Aalis na lang siya agad?

"Tss. Oo, aalis na ako ngayon kasi nand'yan na mga kaibigan ko." Sabay turo niya sa dalawang babae at isang lalaki na papalapit sa amin. Sina Tadia, Mindie at Yhong lang pala.

"Isha!" Nakangiting kinawayan ni Yhong ang katabi ko habang naglalakad papalapit sa amin.

Hinarap ako ni Ms. Masungit. "Tandaan mo ha, hindi pa tayo tapos, Mr. Playboy. 'Wag na 'wag mo lalapitan ang mga kaibigan ko," may pagbabantang sabi niya.

Napabuntong-hininga naman ako. "Opo, Ms. Masungit," sabi ko na lang.

Pinandilatan niya ako. "Stop calling me in that endearment," inis niyang singhal.

Napangisi naman ako. "Ikaw nga eh. Tinatawag mo din ako sa ibang endearment," nakanguso kong ani.

Inirapan na naman niya ako. "Tss," singhal niya.

"Sige na, Megan." Natawa bigla ako dahil nanlaki ang mga mata niya at tiim ang bagang niya akong pinandilatan.

"Sapak gusto mo?!" Ipinakita pa niya sa akin ang kamao niya. Akala naman niya matatakot niya ako do'n. But on the second thought, parang Oo na rin. Ang sakit niya talagang manapak eh.

"Ms. Cusieda and Mr. Welsh,  congratulations!" Sabay kaming natigilan sa ginagawang sagutan at napatingin kay Mrs. Katacluban dahil bigla na naman siyang sumulpot sa harapan  namin. "Grabe, hindi ako makapaniwala na nasaulo n'yo ang kanta at sobrang sweet n'yo pa sa harap ng lahat. Parang naiwan sa backstage 'yong pag-aaway n'yo," nakangiti nitong ani.

Pero agad na kumunot ang kaniyang noo nang makitang nakataas ang kamao ni Ms. Masungit. Palipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa. "'Wag n'yong sabihin na nagsisimula na naman kayo?"

Nakita ko pang unti-unting binababa ni Ms. Masungit ang kamay niya na akmang sasapak sa gwapo kong mukha.

"Ahm... ano, Miss, uuwi na po kami." Ngumiti si Ms. Masungit ng pilit. Kinudlit niya ako at pinanliitan ako ng mga mata.

Kinakabahan naman akong tumingin kay Mrs. Katacluban. "A-ah, yes, Miss. Uuwi na nga po kami," pagsang-ayon ko. Uuwi naman talaga kami.

"Ah, gano'n ba?" kumbinsido niyang ani. "Well, congratulations again. You two are a great singers," nakangiting bati niya sa aming dalawa.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon