Part 20

1.1K 36 1
                                    

MEGAN


KATULAD NG nakasanayan, maaga akong pumasok sa school. Binati ako ng ilan sa mga kaklase ko na nasa room na nang makapasok ako sa room. Hinanap ko pa ang dalawa sa loob ng room pero mukhang wala pa sila.

Dumiretso agad ako sa aking upuan at kinuha ang hiniram ko kahapong libro sa library. Nagsimula na akong magbasa. Mukhang marami kaming pag-aaralan this first grading.

Napapitlag ako nang may kung anong bagay na bumagsak sa arm chair ko. Nakataas ang kanang kilay na binaba ko ang libro at tinignan ang bagay na nasa ibabaw ng arm chair ko. Lalong tumaas ang kilay ko nang makitang isang kamay pala iyon. Tumingala ako at tinignan ang may-ari ng kamay na ito.

"What's your problem?" cold kong tanong sa kaniya.

"Masungit na nga cold pa."

"Tss. Kung wala kang sasabihin umalis ka na lang sa harapan ko." Inalis ko ang tingin sa kaniya at ibinalik ang buong atensyon sa librong binabasa.

Ngunit hindi pa man ako nakakapagbasa ng maayos nang maramdaman kong unti-unting tumataas ang binabasa kong libro. Inis na tiningala ko siyang muli nang tuluyan na niyang inagaw ang libro ko.

"Ano ba?! Kita na ngang nagbabasa, nanggugulo pa!" Inis kong asik sa kaniya.

Nginisihan niya ako. "Sow...rry. 'Di ko kasi alam eh."

Humalukipkip ako. "It means bulag ka." Hinigit ko ang librong hawak niya at muling nagbasa.

"'Di mo ba ako tatanungin kung anong gingawa ko dito?"

Binaba ko ang libro at tinignan siya. "At ano naman ang pake ko sa 'yo? I don't care about your presence. You know what, umalis ka na lang sa harapan ko." Hinarangan ko ang pagmumukha niya ng librong aking hawak para hindi na siya makita.

Pero mukhang matigas ang ulo nito dahil ramdam ko pa ring hindi siya umaalis sa harapan ko. Ano ba kasing kailangan niya? Wala akong pakealam kung siya man ang nagligtas sa akin noong inaapoy ako ng lagnat at wala pa rin akong pakealam kung muli niya akong tinulungan kahapon mula sa ulan.

Wala akong pakealam!

"Hi, everyone!" Narinig ko ang boses ng isang lalaki na kakapasok pa lang sa room namin. Naibaba ko tuloy ang librong binabasa ko.

Si Yhong lang pala. Siya ang new seatmate ko. Ewan ko ba do'n kay Kathleen. Sa sobrang daldal kasi ay nailipat sa unahan. Sa tabi siya ni Tadia pinalipat ng upuan. At ang katabi ko naman ngayon ay ang dating katabi ni Tadia na si Yhong.

Pinanuod ko siyang ibaba ang bag sa upuang nasa unahan ko sa may bandang kanan. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Maski si Yhong ay nagtataka ring tumingin sa akin.

"Yhong, why did you put your bag in that chair?" I curiously asked to him.

"Eh ikaw, why are you sitting there?" Tinuro pa niya ang upuang kinalalagyan ko.

"Natural, upuan ko 'to." pagtutukoy ko sa inuupuan ko.

Lalong kumunot ang kaniyang noo. "Gaga! That's not your chair. Katabi mo na ba ngayon si Katey?"

Si Katey?

Sa pagkakaalam ko ay si Katey ang katabi ni Brice na katapat naman ni Yhong mula sa likuran. Sandali. Kung katabi ko si Yhong bakit katabi ko daw si Katey? Magkatabi kami ni Yhong ah. Tapos si Katey ay katabi ni Brice. So, it means---

Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Brice nang ma-realize kung nasaan ako.

"Oh, ano? Alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin.

When Ms. Masungit meets Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon