BRICE
ALAM KONG nakakatakot ang booth na iyon at na-trauma yata ako doon. Madilim at maraming multo lalo na ang mga zombie. At nagpapasalamat ako dahil nakalabas na kami mula sa nakakatakot na booth na iyon. Salamat sa kaniya.Nasa isang puno kami ngayon at may bench dito na pwedeng pagpahingahan. Dito kami dumiretso matapos ang nakakapagod at nakakatakot na experience sa loob ng horror booth. Masarap ang hangin dito at makikita mo ang kabuuan ng field. It means nakikita namin ang bawat booth na nakatayo sa buong paligid. Katabi ko siya sa isang upuan at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Tahimik lang siyang nakatingin sa malayo.
Ano kayang pwedeng pag-usapan?
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ang ganda ng paligid, 'no? Ang ganda ng araw," out of the blue na pagbubukas ko ng usapan. Gusto kong kutusan ang aking sarili ng dahil sa sinabi ko. Parang ang bakla ng sinabi ko.
Tinignan ko siya at bigla siyang tumango habang hindi nakatingin sa akin. "Maganda at masaya nga---" Bigla siyang tumingin sa akin kaya bahagya akong nabigla. Nakita ko kaagad ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng kaniyang mukha. "---kung hindi mo ako ipinasok at sinama sa horror booth na 'yon,
" naiinis niyang tugon.Grabe! Kakaiba talaga ang talent ng babaeng ito. Mabilis niyang nababago ang kaniyang expression.
"Hehehe. Atleast nagsaya tayo," nakangiti kong sabi.
"Nagsaya? Baka nagsaya sa takot. Alam na nakakatakot do'n isinama pa 'ko. Kung alam mo lang kung gaano nakakatakot na mahila ng mga zombie at 'yong... 'yong malagkit nilang dugo. Yuck!" sabi niya habang dini-describe ang reaksyon niya kanina.
"Ako nga, nilalapitan na ako ng White lady eh," kwento ko.
"Buti ka at White Lady lang eh sa 'kin ZOMBIE! Huwag kang matakot sa White lady na nilalapitan at tinatakot ka lang. Matakot ka sa zombie na posibleng kainin ka lalo na't marami sila," sabi pa niya.
Natawa tuloy ako. Kitang-kita ko ang expression niya ngayon. Parang nasa harapan pa rin niya ang mga zombie kung makapagkwento siya. "HAHAHA. So, ano ang feeling na hinihigit ng mga zombie?" natatawang tanong ko sa kaniya.
Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Nakakatakot, syempre. Feeling ko nga isa ako sa mga biktima ng mga zombie sa Walking Dead or sa Train to Busan. Grabe ang kilabot," kwento niya, "pero alam mo, kasalanan mong lahat ng ito eh."
Napalunok naman ako ng laway. Sinisisi na niya ako.
Napasandal tuloy ako. "Eh, trip ko lang naman na isama ka," sabi ko na parang wala lang para sa akin ang isama siya sa loob ng horror booth.
"So, trip mo pala talagang takutin ako at baka balak mo ring patayin ako sa takot dahil sa trip-trip mong 'yan!" nanggigigil niyang singhal sa akin.
"Hoy, hindi naman sa gano'n. Ang ibig ko talagang sabihin eh matagal ko nang gustong pumasok sa isang horror booth. Gusto kong maranasan makakita ng mga multo. Ilabas 'yong pinakamalakas kong sigaw ng dahil sa takot," paliwanag ko. Iyon lang naman talaga ang gusto ko pero gusto ko syempre dapat may kasama.
"Eh bakit kailangang kasama pa ako?" tanong niya agad sa akin.
"Hindi nga dapat ikaw ang kasama ko sa horror booth na 'yon kundi 'yong mga kaibigan ko kaso sinapak mo ako kanina eh. Alangang ang iganti ko ay sapak rin---"
"Eh bakit hindi nga 'yon ang iginanti mo sa pananapak ko sa mukha mo?" pagpuputol niya sa sinabi ko.
Tumitig ako sa kaniyang mga mata. "Dahil hindi ako pumapatol sa babae. Nananakit ako ng damdamin ng babae dahil sa playboy ako pero hindi ako nananakit physically---"
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Novela JuvenilMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...