BRICE
"BRICE."
"Oh?"
"Saan mo napulot 'yang kantang 'yan?" Nanlilisik ang mga matang unti-unti siyang tumingin sa akin.
Napalunok tuloy ako ng laway. "B-bakit? Kumanta lang ako eh. Napakinggan ko kasi 'yong Opera song ni Lea Salonga, so kinanta ko," paliwanag ko.
"Sa dinami-rami ng kakantahin mo 'yan pa?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"Bakit? May problema ba do'n?" inosente ko pang tanong. Parang kakanta lang eh. Masama ba?
"Oo! Sobrang weird mo. 'Wag ka na nga lang kumanta."
"Oh, sige. Kaso may knock-knock pa ako eh."
"Jusko! Maawa ka naman sa akin, Brice," makaawa niya.
Napanguso tuloy ako. "Oo na," pagsuko ko.
"Just drive and drive. I don't want to hear any knock-knocks coming from you."
"Ano namang masama sa knock-knocks ko eh sina Mark nga sinusuportahan ako."
"Binibiro ka lang ng mga 'yon. 'Wag ka sa kanila maniniwala."
"Parang ga-joke lang ako eh."
"Tss. Parang ngayon lang kita narinig magknock-knock, dati naman eh wala kang joke sa katawan. Ano bang meron?"
"Kasama kasi kita," muli kong banat. Nginitian ko pa siya ng sobrang tamis.
"Bwisit!" Sabay bato niya sa akin ng isang sitsirya ng Nova.
"Hindi masakit," emotionless kong sabi pero agad na tumawa.
"Edi sasapakin na lang kita!"
"Ang hilig mo talaga manapak. 'Yong totoo, may pagka-half amazona ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Wala ah. Nagiging amazona lang ako dahil nandiyan ka."
"Don't tell me babanat ka rin?" natatawa kong tanong.
"What?! Ako, babanat? No way! Sa 'yo na lang 'yang mga jokes mo. Ayokong makisakay sa jokes mong napaka-lame."
"Ang dami mong sinabi. Tinanong lang kita eh."
"I just want to express my feelings."
"Ewan ko sa 'yo!" natatawa ko na lang na sabi at pinokus ang sarili sa pagmamaneho.
Alam kong nakakapagod ang magmaneho at mas nakakapagod ang pagtunganga lang at walang ginagawa. Kaya itong katabi ko ay nakatulog na aa paghihintay. Sandali ko munang hininto ang kotse sa tabi at inayos ang pwesto niya. Sinecure kong maigi ang seatbelt niya para hindi siya mabangga kahit saan. Nagmaneho akong muli dahil baka maiwan na naman kami ng bus. Mga bandang 6:45 pm na kami nakarating sa pier. Lubog na ang araw nang tumingin ako sa labas. Napatagal ang biyahe dahil hapon na rin kami nakaalis ng Boac. Sa dami ba naman ng pinuntahan ng lahat ay talagang gagabihin kami ng rating.
Ipinasok namin ang kotse at bus sa loob ng barko. Tulog pa rin ang katabi ko kaya naisipan kong buhatin na lang siya. She's so cute while sleeping.
"Okay ka lang, Brice?" Nabaling ang tingin ko kay Mindie na kalalabas lang galing sa bus. "Bakit mo siya binubuhat? Pwede mo naman siyang gisingin," puna niya sa ginagawa ko.
Tipid akong ngumiti. "I don't want to interrupt her sleep," sagot ko na lang.
"Kaya mo ba?" tanong niyang muli. Sandali pa niyang sinulyapan ang kaubigang buhat-buhat ko in a bridal style.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...