MEGAN
ILANG LINGGO na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang nakakainis na araw na iyon. Isa iyon sa mga araw na gusto ko nang makalimutan. Bakit ba kasi palagi na lang kaming nagkakatagpo? Naiinis na talaga ako!
Mabuti na lang talaga at hindi na naulit ang gano'ng pangyayari noong mga sumunod na linggo. Naging busy rin kasi kami sa exam namin noong nakaraang linggo. Kaya wala akong naging kaaway o panggulo. Nagkakainitan man kami ng ulo minsan, may umaawat naman sa amin.
At dahil tapos na ang examination, ibig sabihin pahinga naman na. Sobrang saya dahil September na. Meaning, Intrams Day na! Meaning, kasiyahan naman matapos ang paghihirap ng isang linggo.
Naging busy na ang lahat dahil nga sa Intrams Day ng HEU. Isa itong malaking event ng university na pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante. Ang lahat ay naghahanda at nag-aayos para sa kani-kanilang mga booth. Halos lahat ng section ay may mga pakulong booth. May Food booth, Horror booth, movie booth, Wedding booth, Jail booth, Acquittance booth, Blind date booth, Mystery booth at kung ano-ano pang klaseng booth. Iba na rin ang mga isip ng mga 1st year high school hanggang grade 12 ah. Ang lalawak na ng mga imahinasyon.
Pumasok naman bigla sa isip iyong nangyari sa aming dalawa sa mall noong nakaraang buwan. Hindi ako makapaniwala na makakasama ko ang pinaka-annoying na playboy sa lahat.
Ano kayang ipapagawa niya sa akin? 'Wag naman sanang gawin niya akong slave. Naku! Magkakamatayan muna kami bago niya ako maging slave.
"Hey."
Napatingin ako sa nagsalita na nasa tabi ko lang. Si Mindie lang pala. "Ano'ng ginagawa mo pa d'yan? Tutulong ka ba o hindi?" may halong inis niyang ani.
Napakunot tuloy ang aking noo. "Teka, may problema ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na laging galit, hindi kagaya ko na laging galit na lang. Once in a blue moon lang 'yan nagagalit kaya nakakapanibago.
Marahas siyang bumuga ng hangin. "Wala. Wala lang 'to. Naiinis lang ako kay Ross," naiinis niyang tugon. Humalukipkip pa siya.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Kinukulit ako kung sino daw 'yong mga bago kong kasama eh hindi ko s'ya sinasagot. Sinabi ko lang na mga kaibigan ko lang sila." Mukhang ang mga tinutukoy niya ay ang mga kaibigan ni Brice.
"Ah. Ayusin n'yo na lang 'yan. Baka lumaki pa 'yan. Alam mo naman na nagiging seloso na 'yang si Ross. 'Di mo rin maaalis sa kan'ya ang magselos lalo na't mga lalaki 'yang mga kasama mo. Lalaki s'ya. At boyfriend mo s'ya. Syempre magseselos 'yon," pagbibigay payo ko sa kaniya.
Minsan kasi ang mga lalaki, nami-misunderstood nila ang ginagawa ng kanilang girlfriend kaya minsan nauuwi sa break up. Gano'n din kapag babae ang na-misunderstood. Dapat palagi silang nagkakaintindihan.
Eh, ako ba? Na-misunderstood din ba ako sa nakita ko noon kayna Kurt at sa babaeng iyon? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buong katotohanan kung bakit niya iyon ginawa sa akin. I'm still clueless up until now.
"Sige, kakausapin ko na lang s'ya. At ipapakilala ko na lang sa kan'ya 'yong apat," sabi niya sa malungkot na tono.
Mukhang naging malapit na kaibigan na talaga ni Mindie ang apat na kaibigan ni Brice. Sa amin kasing tatlo, si Mindie ang pinakang-friendly. Lahat na lang kakaibiganin. Hindi siya mapili sa kaibigan pero hindi rin siya mabilis naloloko o nasasaktan ng dahil sa mga pekeng kaibigan na iba-back stab at gagamitin ka lang. Para bang siya iyong tipo ng tao na alam na agad niya na mabuting tao ang kakaibiganin niya. And I admire her for that. But I can't be like her 'cause I'm way too different from her.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...