BRICE
ISANG ARAW na ang nakakalipas. Hindi naman matagal pero kinakabahan ako dahil hindi pa siya nagigising. Sana magising na siya mamaya. Ako lang ang naiwan dito sa private room niya. Nagpa-excuse ako kayna Mindie at Tadia na hindi muna ako papasok hangga't hindi pa nagigising si Megan.
Wala na dito sina Tita at Tito dahil may meeting silang pupuntahan. Si Kuya Justine naman ay natuloy sa Palawan kasama si Ate Vivyan. Sina Mom and Dad ay may nilakaran so wala talaga akong kasama dito. Ako lang mag-isa ang nagbabantay sa kaniya. Babalitaan ko na lang sila kapag may malay na si Megan. Ayos nga 'yon eh kasi ako ang unang makakakita sa pagmulat ng kaniyang mga mata.
Nahinto ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng private room niya.
"Sir, nurse po ako. May ibibigay lang po ako sa inyo," sabi ng isang boses babae na nasa likuran ng pinto.
"You can come in," sabi ko. Bumukas naman ang pinto. "Ano po 'yon?"
May inabot siyang papel sa akin. "May nagpapaabot sa iyo ng papel na ito." Tinanggap ko naman ang papel na plain white lang talaga. Mukhang hindi nag-effort pa na maghanap ng maayos na papel ang nagpabigay nito.
"Sino po ang nagpadala?" tanong ko bago buksan ang papel.
"Hindi nagpakilala eh. 'Yong guard lang ng hospital ang nag-abot sa akin," paliwanag niya.
"Hindi mo man lang po ba tinanong kung namumukhaan nito ang mukha ng nagbigay sa kaniya?" emotionless kong tanong. Paano na lang kung 'yong bumangga kay Megan ang nagpabigay nito? Hindi ba sila nag-iisip?
"Nagtanong naman ako. Hindi niya daw nakita ang mukha dahil naka-mask ito. At isa pa ay hindi daw ito nagpakilala," paliwanag niya ulit.
"Ah, sige po. Salamat na lang." Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto. Naupo na ako at binuksan ang papel.
To Young Master
I'll kill you. Wait for me and I'll take your soul. Who am I? I am Death so be prepared. How is she? Protect her if you don't want to see her beside me.
You'll Die.
Galit na ginusot ko ang papel at itinapon sa kung saan.
"Sh*t! Kung sino ka man tandaan mong ikaw ang mauuna!" mahina kong anas. Ayokong ma-interrupt ang pagtulog ni Megan.
Ang lakas ng loob niya na magparamdam. Tapos nagbabanta pang papatayin ako. Ha! Kung sino man siya uunahan ko na siya. Hindi na siya nakakatawa.
Lumabas muna ako ng kwarto at sa labas nagpahangin. Dito lang ako sa may upuan sa labas ng kwarto niya tumambay. Binabatayan ko pa rin naman siya kahit nandito lang ako sa labas ng kwarto niya. Yumuko muna ako para makapag-isip. Right now, I'm facing the floor. Dalawang pares ng paa ang biglang huminto sa harapan ko. Iniangat ko ang paningin ko para makita siya.
"Doc," bungad ko dito.
Ngumiti siya. "Hi, Mister Welsh." Siya ang doctor na gumamot kay Megan. She's wearing a white lab coat at may stethoscope sa may leeg. Naka-pastel color siyang dress na aabot hanggang tuhod. Umupo siya sa tabi ko. "Why are you here? I thought you're guarding your fiancee?" tanong niya sa akin.
Bumuntong-hininga muna ako. "I am, Doc. May iniisip lang po ako kaya nandito ako sa labas," sagot kom
"I see."
Tinignan ko siya. "Doc, kailan pa ba siya magigising?" nag-aalala kong tanong. Pagod na akong maghintay sa paggising niya.
"Just wait. Siguro napagod lang siya. It might take two days or maybe tomorrow she'll wake up. Don't worry she'll be fine," mahinahon niyang ani, sinusubukang pakalmahin ako.
BINABASA MO ANG
When Ms. Masungit meets Mr. Playboy
Teen FictionMegan thought that the guy she loved for over two years is the man that will love her eternity like what she saw in her dreams. Pero ang tadhana nga naman. Kung sino pa ang gumugulo sa buong taon niya bilang 4th year highschool student ay siya pang...